CHAPTER 1 (Ang Kahapon)

22 1 0
                                    

Anim na taon na ang nakalipas pero daladala parin ni Chantal ang ala-alang iyon. Matagal din siyang naka move on sa pangyayaring iyon pero hindi naging dahilan iyon para malugmok siya at mapariwara. Dahil sa pangyayaring iyon, naging Executive Officer siya ng isang kompanya ang “The Clothe Line”. Obviously, it’s all about clothes and everything that is related to Fashions. Sa edad nyang byente-otso masasabi niyang malayo narin ang narating niya.  Pero bakit ganoon, pakiramdam niya may kulang sa pagkatao niya. Sa kabila ng natamasang tagumpay, malungkot parin siya. Naputol ang pagmumuni-muni ni Chantal ng biglang may kumatok sa pintoan ng kanyang opisina. Niluwa non si Leleth ang kanyang sekretarya.

“Good Afternoon ma’am may nagpadala po nito sa inyo”. Sambit ni Leleth sabay abot ng brown envelope. “Pasensiya na ma’am pero wala pong nakalagay kung kanino po nanggaling”.

“It’s okay Leth. Tapos na ang office hours ah! Mauna ka ng umuwi”. Nginitian siya ng sekretarya at umalis na ito.

Hindi alam ni ChantaI pero kinakabahan siya habang akmang binubuksan ang envelope na inabot ng kanyang sekretarya. Nabigla si Chantal nang mapagtanto ang laman ng brown envelope. Mga pictures ng dating nobyo at ng dating best friend. Nakangiti at masasabi niyang masaya ang mga ito sa mga larawang iyon. Napatoon ang mga mata niya sa isang larawan, si Charmagne na may karga-kargang sanggol na marahil ay anak nila ni Brylle.

“Why do I have to feel this kind of pain, again?” Umiiyak na sambit ni Chantal. Akala niya’y naghilom na ang dating poot na nadarama para sa dalawang pinaka importanteng tao sa buhay niya. Marami siyang nais sabihin ngunit ano pa ang silbi ng mga salitang iyon kung hindi rin lang naman nila naririnig.

Ayaw pang umuwi ni Chantal sa Condo niya. Alam niyang hindi rin siya makakatulog pagkatapos ng nangyari kanina. Nagdesisyon siyang dumaan sa isang disco bar na dati narin niyang pinupuntahan. Sa bar na iyon ay may naaalala siyang komplekado at malabong pangyayari.

“Kuya? Salinan mmo nga ulit itong baso ko?” Lasing na lasing n autos ni Chantal sa bartender

 “Lasing na lasing kanah, umuwi kana”. Saway ng Bartender kay Chantal

Tinitigan ni Chantal ang bartender. Gwapo ito at mga nasa 5”9’ ang height nito. Makisig at may nakakatunaw na mga mata. Pakiramdam niya ay nakita niya na ito o dala lang ng kalasingan ang mga naiisip niya. Hindi nagpadala sa kahangaan si Chantal sa kadahilanang nangingibabaw ang inis niya sa pagsaway nito sa pag-inom niya.

“Kaya nga ako nandito dibah? Kaya nga bar ang tawag dito eh, kasi para maglasing”. Tumayo pa siya at biglang natumba. Nakalimutan niyang naka high heels pala siya.

Mabilis namang pinuntahan ng bartender si Chantal at inalalyan sa pagtayo ngunit sobrang lasing na ito para makatayo ng ayos. “Saan k aba nakatira?” tanong ng Bartender sa babae pero hindi na makausap ito ng ayus. Kaya dinala nalang niya ang babae sa isang private room.

Hiniga ng dahan-dahan ni Brianne ang babaeng Chantal Santiago ang pangalan ayun sa I.D. nitong hinalungkat niya pa sa bag nito. Lasing na lasing ito tulad noong anim na taon ng nakalipas. Pinagmasdan niya ang babae, maganda parin ito. Walang nagbago sa hubog ng katawan. Natatawa si Brylle habang naaalala niya ang pangyayaring iyon. “What’s happening to me?” Sambit ni Brylle sabay tayo at lumabas sa private room at baka ano pa ang magawa sa magandang babaeng mahimbing ng natutulog.

Hindi alam ni Chantal kung ano ang gagawin. Matapos niyang mahuling naghahalikan ang nobyo at ang best friend niya. Pakiramdam niya wala na siyang silbi sa mundo, pakiramdam niya walang kwenta ang buhay niya. Mag-isang nagtungo sa bar kahit na hindi pa siya nakakaranas na uminom. Mabilis siyang nalasing. May lumapit na dalawang lalaki sa kanya at nainis siya ng biglang hawakan ng isang matabang lalaki ang mga kamay niya. Binawi ni Chantal ang mga kamay nang bigla nalang siyang kargahin ng matabang lalaki. Napatingin ang mga taong naroon.

“Ibaba mo ako, tulong kikidnapin ako ng matabang baboy na ito.” Sigaw ni Chantal na humihingi ng tulong

“Pasensiya na po, medyo nalasing lang itong girlfriend ko”. Nakatawang sigaw ng matabang lalaki. Nagsibalikan naman sa ginagawa ang mga naroon. Umiiyak naman si Chantal habang karga-karga siyang dinala sa labas ng bar nang biglang may tumigil na kotse at sumungaw no’n at tinawag ang dalawang lalaki.

“Ibaba mo nga yang Fiancée ko kung ayaw mong habang buhay na makulong”. Aniya ng lalaking nasa loob ng kotse.

Ibinaba naman ng matabang lalaki si Chantal. Napaupo nalang si Chantal wari nya’y panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Gusto niya ng magising at umalis sa lugar na iyon ngunit hindi niya na madilat ang mga mata at ang huling nakita niya lang ay ang mukha ng lalaking iyon na nagligtas sa kanya.

"I Love You from Behind"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon