CHAPTER 3 (My Model)

26 1 0
                                    

Maagang pumasok si Chantal pambawi sa hindi niya pagpasok kahapon. Magaan ang pakiramdam  at pakiramdam niya ang saya niya. 

"Good morning ma'am Chantal! Parang ang blooming niyo ngayon ma'am ahp". Pagbati ng kanyang sekretarya

"Ang aga pa Leleth ahp pero binobola mo na ako? Kumusta naman habang wala ako kahapon"? Aniya na panay ang ngiti.

"Your first schedule for today is meeting the new Model with Ms. CEO of course". 

"I see! Call me when the CEO arrives, thanks Leth". 

Pagkapasok sa opisina ni Chantal nag bukas agad siya ng laptop at naupo sa harap ng working table nang biglang tumunog ang Cellphone. Binuksan niya agad iyon at nakakapagtakang isang numero ang nagtext sa kanya "Hey, I miss you". Iisang tao lang ang naiisip ni Chantal na maaaring magtext niyon kaya ni-replyan niya ito "Brianne Catillo"? Hindi alam ni Chantal pero umaasa siyang sana nga ito ay si Brianne Castillo kaya ganoon na lang ang paglundag ng buong kaluluwa niya ng magreply ito "Masyado mo ata akong iniisip, Miss mo narin ba ako"? Feel na feel na sana niya ang moment ng biglang nagbukas ang Pintoan ng kanyang opisina.

"Good Morning Chantal". Bati ni Ms. Chaelin Lee ang CEO ng Kompanya at tulad niya nasa byente-otso narin ito at ang kompanyang "The Clothe Line" ay minana nito ito sa mga magulang na nag migrate na sa Canada at doon na nanirahan.

"Good morning ma'am, I'm so sorry sinabihan ko si Leleth to call me when you arrive. Ikaw pa tuloy itong pumunta dito sa opisina". Paumanhin sa boss niyang nag abala pang puntahan siya.

"Ano ka ba! Matagal ko na sinasabing wag mo na ako e-ma'am matigas talaga yang ulo mo. You are my Ex-O so please call me Chaelin okay? Hey! you're glowing, is there something I should know"? Nangungulit na ito pero siyempre wala naman siyang masabi dito. Napaka humble at likas na mabait din talaga ang boss niya kaya din siguro nagtagal siya sa kompanyang iyon.

Natigil lang ang kakulitan ni Chaelin ng kumatok si Leleth "Ma'am, ready napo ang Studio at naroon narin po ang bagong model po". Ani Leleth sabay labas.

Nagpunta sila Chaelin at Chantal sa Studio. Ready na nga ang lahat maliban sa bagong modelo na nagbibihis palang daw. Labis na ikinagulat ni Chantal ng ipinakilala na sa kanila ang bagong modelo.

"This is Brianne Castillo ma'am. He signed the contract with the present of Ms Chaelin kaya they might have known each other". Ani ng Coordinator ng Pictorial na gaganapin.

Inakbayan ni Chaelin si Chantal at ito na mismo ang nagpakilala sa kanilang dalawa "Yah! I've met him. By the way, this is the Company's Executive Officer Ms. Chantal Santiago and Chantal, this is our new model Mr Brianne Castillo".

"It is so nice to met you again Ms Chantal". Nilahad nito ang mga kamay at nakakainis ang malagkit na tingin nito na napansin naman ni Chaelin at sniko siya.

 "Hi! Nagkita ulit tayo". Ayaw ng magsalita ni Chantal sapagkat nakatuon na sa kanila ang attensiyon ng mga taong naroon. Buti nalang at tinawag na si Brianne para magsimula na ng pictorial. 

Nagsimula na ang pictorial at di mapigil ni Chantal ang kabog ng dibdib habang kinukuhanan si Brianne ng mga camera. Bawat anggulo nito ay ang gwapo nito lalo na ng naghubad na ito ng t-shirt. Hindi mawari ni Chantal kung hanggang saan na umabot ang mga iniisip niya. Ngayon lang siya naapektuhan ng ganoon ng isang lalaki.

"Hoy Chantal, hindi halatang nag di-day dream ka ahp. Siya buh ang ang dahilan ng pagiging blooming mo bigla"? Sabad ni Chaelin sa pag di-day dream niya daw.

"Hindi ah, saan mo naman pinulot yang mga naiisip mong yan"? Buti nalang ay may pagkakalog din itong boss niya at ayus lang sabayan ito sa trip niya.

"Sus, ang obvious naman kasi oh! Kung makatitig sayo akala mo kayo lang ang nandito sa studio. Bakit di mo subukang makipagdate sa kanya huh?" 

"Kung ano-ano yang naiisip mo". Napaismid lang siya.

Natapos na Pictorial.

"Good work guys and of course, every hard work deserves a price kaya mamayang gabi let's have a party. Siyempre Brianne is oblige to be there". Pagkasbi non ni CEO ay nagsitili naman ang mga kababaehan.

"Of course i'll be there". Tumingin ito sa kanya "You are oblige to be there". 

Naman kung makaasta ito parang ito pa ang CEO. "Siyempre naman Ex-O nga ako diba"? Confident niya iyon nasabi ngunit sa totoo lang kinakabahan siya na na e-excite. "Ano kaya ang mangyayari mamaya"?

"I Love You from Behind"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon