Pinky Little Promise

7 0 0
                                    

Prologue

Pinky Litttle Promise

Abala ang parents ni Bubbles sa unting kasiyahan sa bahay, despedida nga daw dahil bukas na ang alis nila papuntang New York . Kailangan daw ng papa nya hawakan yung bagong bukas na branch ng company nila kaya dun na sila titira. At ngayon nagkakaroon ng party party sa bahay, pero dahil bored ako niyaya ko si yaya lucy na pumunta ng park dahil huling araw ko na yung makikita, Ayaw pa nga nyang pumayag dahil gabi na pero alam nyang maliwanag ang park kahit sa gabi. Aba dapat lang exclusive village to noh. Para sa mayamang tulad ko. HAHA.

So ayun pumunta kami ni yaya sa park naupo sya sa bench habang ako paikot ikot sa paglalaro. Napansin ko din ang batang lalaki na mukhang busy dun malapit sa mga bulaklak. Base sa itsura nito halatang gwapo ito at alam nyang medyo matanda ito sakanya ng ilang taon. Tiningnan nya pa ito ng ilang segundo, nagbabakasaling lumingon ito sa direksyon nya . Kaso daig pa nito si Einstein at wala yatang pakielam sa mundo maasikaso lang ang kung anong kinukotkot nito dun sa may bulaklakan,  Kaya ayun dahil cute ako hindi ko nalang sya pinansin. Pero isang puting paru-paro ang umagaw sa atensyon ko na agad kong hinabol, sa paghabol ko hindi ko napansin yung gutter at nadapa ko.

Lingon sa kaliwa, Lingon sa kanan. Wala ng tao. “Waaaaaaah ang sakit, huhuhu.. yaya huhuhu, ang sakit madaming dugo. Waaaaah!” atungal ko para marinig ako ni yaya.

“Oy bata wag ka nang umiyak, ang sakit sa tenga ng boses mo eh.” 

Iniangat ko yung ulo ko at isang malaanghel na batang lalaki ang bumuluga saken. Agad kong hinanap sa paningin ko yung batang lalaki kanina sa bandang  bulaklakan  pero wala na ito, so ibig sabihin ito yung batang yun. Mas gwapo pala ito pag nakaharap.

Nakatulala pa din ako sakanya ng maramdaman kong kumirot yung sugat ko at bumalik ulit ako sa pag-atungal.

“Bakit ako hindi iiyak? Ang sakit kaya ng sugat ko, may dugo, alam mo bang pwede akong mamatay pag naubos yung dugo ko? Pano nalang sila mommy at daddy ko? Mawawalan sila ng baby na kasing pretty ko. Ayaw ko pang mamatay! Hindi  pa nga ako nagiging malaki eh tas magboyfriend pa ko tas magkiss pa kame tas maghahappily ever after pa kame!  Huhuhu Waaaaaaaahhh!”

“Tama na nga sabi yang iyak mo. Patingin nga ng sugat mo.” Sabay hila sa paa ko. “Gasgas lang naman pala eh, hindi yan nakakamatay, titigil din yang dugo mamaya. Kaya wag kana umiyak hindi naman mawawalan ng pretty baby parents mo eh tas magkakaron kapa ng happy ending” Sabi nya habang pinupunasan ng panyo yung sugat ko.

“Masakit eh huhuhu”

“Wag ka nang umiyak. Ang cute mo pa man din iyakin ka naman. “ Luha ko naman na yung pinupunasan nya. “Ay alam ko na!” may nilabas syang kung ano sa bulsa nya.”Teneeeeen !” dalawang plastic na blue na parang singsing ang pinakita nya saken habang ngiting ngiting nakatingin saken.

Napatulala ako sakanya. Mas gwapo pala sya pag nakangiti, Parang nawala yung sakit ng tuhod ko nung makita yung ngiti nya.Para syang prinsipe, at ako syempre ang prinsesa.

“Suot mo dali! Tag-isa tayo, libre to dun sa kinaen kong chocolate chips kanina eh.” Sabay suot saken nung singsing. “Oh ayan gift ko na yan sayo para hindi kana umiyak.”

“Singsing? Plastik naman to eh. Ang cheap naman”

“Kahit na plastic to.  Imported kaya yung chips na pinanggalingan nyan tsaka sabi ng daddy ko magic chips daw yun kasi hindi lahat ng chips na yun meron nito. Lucky ka daw pag yung saktong nakuha mo may laman nito.” Sabay pakita nung kamay na suot na din yung singsing.At ang cute nga samen. Bagay na bagay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can You Keep a Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon