Chapter 4

17 1 0
                                    

Speculations

Tutungo na sana ako sa isa pang escalator para makapunta na sa second floor nang nakita ko sina Penelope.

"Pene-" naputol ang pagtatawag ko sana sakanya nung nakita kong hinahabol siya ni Carben na may dalang cheese burger at fries.

So they are really in a fight.

Bakit kaya nag aaway ang mga umiibig? Kung mahal niyo ang isa't isa, wala na sanang gulo gulo pa, pero bakit ganoon? Siguro... kelangan ang pag aaway para mas lalo kayong tumatag. Para makilala niyo ang isa't isa habang siya'y nasa pinakadurog na mga araw niya. At kung gaano siya dapat alagaan at pahalagahan sa oras na naiisip niya na hindi siya karapat dapat sa mga bagay na inaasam asam niyang mapasakanya.

Hindi naman kasi pwedeng mamahalin mo lang iyong tao pag masaya ka sa araw na ito. Kapag masaya kayo. Kapag masaya ang araw. Kapag masaya ang lahat ng bagay sa mundong ito. Love includes much things more than that.

Masyado naman ata akong nag isip.

Hindi ko alam paano iyon. Pwede namang magmahal. Ang nakakasakit lang ay yung malamang hindi ka mahal ng iyong sinisinta.

Nasa maingate na ako ng school ngayon. Lumingon lingon ako bago sana papasok. Nahagilap ng mga mata ko yung manggang nakakatakam kaya wala sa sarili akong lumapit doon at bumili ng isa.

Masyado akong nasasarapan sa manggang nilagyan ko ng bagoong na hindi ko namalayang patakbo na pala si Stella patungo sa akin.

Akala ko gusto niya rin ng mangga ko kaya mas mabilis pa sa takbo ng daga kong itinaas at inilayo sakanya iyon. Napangiwi naman siya sa ginawa ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ako manghihingi, ano! Sasabihin ko lang sana sa'yo na isa si Manuforte sa mga nakapasok bilang Mr. Inramurals."

Hindi naman iyon masyadong kakagukat pero grabe din ang charms niya ah?

"Oh?" sagot ko sakanya at kinitkit ang manggang napakasarap.

"Yeah! And not just one of those who'll hold the banners... He'll represent the grade 11!" she held my arms in exaggeration.

I rolled my eyes at her

"Don't we have assignments?" pag iiba ko nang usapan na nag dahilan ng pagkawala ng saya sa mukha niya. Baka crush niya rin iyon?

"Huy, baka ikaw may crush kay Terence ah?" pang aasar ko sakanya and that made her face softened a bit and smiled at me creepily.

"Of course, not! I am delighted not because I like him... Kasi naman, maiisipan mong sana inayos mo nalang iyong pag rampa nang sa ganoon ay may tsansa kayong ipair ni Terence, huh!"

"Gaga! Hindi ko iyan iisipin noh. Hindi ko naman siya crush..." marahan kong sabi kasi naman nandiyan lang si Terence sa paligid nag sasaya kasama ang barkada. "Tsaka, maayos naman akong rumampa."
napaisip ako sa ginawa ko noong makaraang araw, maayos naman talaga. He even copied the way I ramp!

"Shoot! Sabi na, e! Edi napaisip ka rin. Hmmm... 'wag kang mag alala, you are way more prettier than his partner!"

At dahil sa sinabi niya ay napaisip ako kung sino kaya ang kapares niya? Di bale, magaganda naman ang lahat ng mga babaeng nakuha sa top 5.

Malapit na din ang intramurals. Last year, si Penelope ang muse sa aming section. At oo, magkaklase kami nina Laurence, Sandra, Van, Jai at lahat ng kabarkada pero ngayong nasa senior high kami nagkawatak watak na. Nakakainggit nga sina Penelope at Sandra eh. Kami lang ata nina Laurence, Jai at Jayron ang nahiwalay ng section pero okay lang din naman. At least, I still have them. Ewan nalang talaga 'pag ni isa sa kanila e wala akong naging kaklase.

EntrenchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon