Magkahawak kamay ,sabay na naglalakad.
Kahit saan mqpunta,bastat kasama ang isat isa.
Iyan ang pangako mo noon diba?Tanda ko pa noon, laging sabik na makita ka.
Masilayan lamang ang yong ngiti ,araw koy kumpleto na.
May mahika ka ba?Laging nangagarap ,na sana isang araw ay lapitan mo ako.
Sa palasyo ng aking imahinasyon ,ako ang reyna mo.
Sa pagsibol ng araw ,ikaw agad ang aking natatanaw.
Sa paglubog ng araw,sa aking pag ibig ika'y uhaw.Kung sana ganun lang kadali gaya ng nangangarap.
Pero Hindi,sa atensyon mo nga akoy lingap.Pero Hindi inaasahan,ang mga sumunod na pangyayari ay pawang panaginip lang.
Ikay nagtapat ng yong pagmamahal.
Hindi malaman kung saan huhugot ng mga salita.
Sarili'y parang unti unting natunaw sa yong mga ngiti.Naging tayo,sinagot kita ng oo.
Iyon ang pinaka masaya at di malilimutang araw nating dalawa.
Lumipas ang mga araw,buwan at taon.
Hindi parin makapaniwala na sa ganito tayo humantong.Masaya naman tayo diba?
Hinarap at nilabanan ang mundo ng magkasama.
Hindi sumuko sa mga laban ,pero bat kung saan NASA tuktok na tayo ay bigla mo akong binitawan.Bakit ka lumiko ng daan?
Nagmakaawa ang puso ko na akoy samahan.
Sa laban na to,hahayaan mo lang ba akong lumaban mag isa?
Sa madilim at masukal na daan,tinahak ko iyon ng wala ka.Sumasabay na lang sa alon ng buhay.
Ang buhay na wala ka,ano pa ang saysay.
Nananaginip na namang muli ,na ikaw ay nasa 'king tabi.
Magkahawak ang ating kamay at nakangiti.Kung gaano kasaya ang managinip,ay ang kabaliktaran ng paggising.
Damang dama parin ,ang mga sugat na Hindi parin naghihilom.
Walang mahanap na gamot upang maibsan ang sakit.
Wala nang timba ,para paglagyan ng mga luha.Matapos ang mahabang paghihirap,nasilayan muli ang araw.
Magaling na ang mga sugat ngunit nariyan parin ang pilat.
Ngunit tanggap ko na ang lahat.
Na tayo'y pinagtapo lang para mahalin ang isat isa ng panandalian at Hindi itinakdang magsama hanggang sa huling laban.
Maraming salamat sa lahat
Tanggap ko na,ang biglang pagliko mo ng daan.