AWRA

127 3 0
                                    

ALAS-DIYES PA LANG NG GABI ngunit punong-punona ang Jack's, isang bar malapit sa isang kolehiyo. Huwebes ng gabi kadalasang gumigimik ang mga estudyante. Kaya, nagsisisi si Brando kung bakit ngayon pa niya naisipang makipagkita kay Julius, isang graduate studentna mag-iinterbyu sa kaniya.

Sa isang maliit na mesa sa sulok siya umupo upang magkaroon sila ng "sariling mundo"—sa kabilang ibayo ng Jack's ay may nagkakantahang mga estudyante; sa tapat naman niya ay mga lasinggerong humihithit ng sigarilyo. Hindi gaanong kadiliman ang parteng ito dahil sa samu't sariling ilaw na umiikot.

Maraming kasalanang ginawa si Brando. Kaya siya pumayag sa isang panayam ng estudyante ay dahil mukhang makakatulong ito sa maraming tao. Gusto niyang gumawa ng mabuti sa mundo, kahit sa maliit na paraan lang.

Isa ito sa kaniyang mga penitensya upang kahit papaano mabawi ang sarili sa kabila ng mga ginawang kasalanan.

Nang tumingin siya sa paligid, isang lalaki ang nagmamadaling pumasok sa loob. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad itong lumapit sa kaniya.

"Kayo po ba si Brando Sabayton?" tanong nito.

Tumango siya. Inilahad nito ang kamay. "Ako po pala si Julius Canonizado. Sorry po at nahuli ako. May inasikaso lang."

Inilapag nito sa sahig ang dalang bag. Inayos muna nito ang suot na polo bago umupo. Saktong dumating ang waiter at umorder si Julius ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Nagbukas siya ng panibagong bote at inalok ang estudyante. "Relaks ka lang, p're."

Tumanggi naman ito. "Mamaya na lang ho," dagdag nito. "Pupwede na po ba akong magsimula?"

Tumango siya at tumungga ng alak. Sa 'di kalayuan, nagpalakpakan ang mga estudyante nang matapos ang isang kanta. Napatulala siya nang marinig ang susunod na kanta, Kasalanan.Pakiramdam niya, tumigil nang ilang segundo ang kaniyang paghinga. Ikinuyom niya ang palad at tumingin sa ibang direksyon.

May iba't ibang paraan nga ang mundo upang ipaalala sa kaniya ang lahat ng katangahang ginawa niya.

"Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Julius.

"A, oo naman." Tumawa siya. "May naisip lang. Pero sige, ano bang gusto mong malaman?"

"Tungkol po sa paggamit ng LGBT ng social media para maghanap ng makaka-sex ang research ko," simula nito. "Pero nagpokus ako sa paggamit ng alternative accounts upang itago ang totoo nilang pagkatao. Dumako ako sa isang..."

Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan.

Pero huli na ang lahat. Sa lahat ng taong nadamay sa lahat ng kamaliang ginawa, hindi sapat ang paghingi ng kapatawaran upang maayos ang lahat. Iisa lang ang hiling nila—ang ibalik ang oras na nawala.

Pero tao lang naman siya, at ang kaya niya lang gawin ay ang humingi ng kapatawaran.

"Ayon po sa mga nakausap ko, kayo po ang pupwedeng makausap para sa ilang impormasyon tungkol sa Awra," anito bago dumating ang mga pagkain.

Napalunok siya ng laway. Hindi niya inaasahang marinig muli ang huling salitang binanggit ni Julius. Kung may pagbubuntungan siya ng pagsisisi, ito ay ang Awra. Kung hindi lang sana...

"Anong gusto mong malaman tungkol do'n?" tanong niya bago muling uminom ng alak.

Inilabas nito ang kwaderno at bolpen. "Kung ano lang po ang kaya niyong ikwento."

Huminga siya nang malalim.

Hindi ito ang pinakamagandang paraan ng mundo upang ipaalala sa kaniya ang lahat.

ROYAL RUMBLE LAST SEASON: Round 3Where stories live. Discover now