Panapanahon

83 2 0
                                    

Halos magkasabay ang halinghing ng babae sa loob at ng babae sa labas.

Hinawakan ni Enrico ang kamay ng kasingtahang si Isabella. Naririnig pa rin ni Enrico ang halinghing ng babae mula sa labas ng kaniyang maliit na kwarto. Binilisan niya ang pagbayo; ang pamamasok niya sa pagkababae ng kasintahan na lalo pang nagpalakas sa boses nito.

"Ahhh... Sige pa..."

"Ahhh... Tama na..."

Lalo pang pinabilis, hanggang sa ang ingay ni Isabella ang namayani at hindi niya pa narinig ang boses ng babae mula sa labas. Hindi niya alam kung dahil ba sa masyado talagang maingay si Isabella o sadyang pumanaw na ang estranghera.

Nang matapos na sila ay nahiga siya sa tabi ng babaeng pinakamamahal niya. Hinalilan niya ang mga daliri nito habang nakatitig sa mga mata niya sa loob ng silid na nababalot ng kadiliman.

"Nagsisimula na naman," sabi ni Isabella sa pinakamahina nitong boses. "Swerte lang ako dahil nandito ako sa inyo, kasama kita. Pero sa ibang tao-"

Dumagundong ang isang malakas na pagsabog, sapat para mapasigaw sila nang parehas at manginig sa takot.

Umiiyak si Isabella. Nangangatog si Enrico. Hinila ng lalaki ang babae palapit sa kanyang bisig, at sa pansamantalang panahon e nakaramdam si Isabella ng kaligtasan mula sa kapahamakan.

Naisip ni Enrico ang mga halimaw sa labas, kung paano nila sinasaktan ang lahat ng taong kanilang makikita. Dahil lang ba sa malakas sila? Dahil lang ba walang laban ang isang hamak na tao katulad nila?

Hindi nila alam, pero sana alam nila.

"Paano kaya kung sa ibang panahon tayo pinanganak? Sa ibang lugar. Sa ibang pagkakataon. 'Yong magkakakilala pa rin tayo, pero mas mabuti na si Bathala sa'tin."

Hinaplos ni Enrico ang buhok ng kasintahan. "Gusto ko sa panahong walang mga halimaw na hinahabol tayo kung saan man tayo magpunta. 'Yong panahon na walang giyera. Sa isang pagkakataon na titigil ang oras sa pakikipaglaro niya sa'tin."

Pinikit nila ang mga mata nila ngunit tila malupit ang oras dahil parang sa loob ng isang segundo ay dumating na ang kinabukasan.

Ang kinabukasan. Isang bagay na pareho nilang ikinatatakot.

Wala rin namang gaanong magagawa sa labas ng bahay, kundi ang magawang huminga sa buong araw.

Araw-araw na paulit-ulit lamang. Tatambay sa bahay. Makikiusiyoso kung meron bang mga libreng pagkain galing kay Mayor. Sasaludo sa sundalo. Susubukang makipag-selfie sa kanila kung kaya.

Hindi rin palaging nagkakasama sina Enrico at Isabella. Pareho silang nagpupunta sa kani-kanilang mga trabaho, kahit pa delikado sa panahong kinalalagyan nila. Minsan maglalakad si Enrico at mapapasulyap sa mga halimaw. Depende kung ano ang laki. Depende kung ano ang lakas. Titingin lang sila sa paligid at kakainin ang kung sinomang matipuhan.

Walang pinipili.

Nagpunta si Enrico sa bahay nila Michelle, ang kaibigan niya na minsan ay nakatalik. Nagkahalikan. Nagkainuman. Trip trip lang.

"Open wide, here comes original sin."

Siguro makasarili nga si Enrico, lalo pa nang habang hinaghakan ang babaeng kaibigan e hindi niya napansin ang tatlong missed calls sa kanyang cellphone.

Masama ang oras at nabubuhay sila sa maling panahon, pero hindi ba't ang paghinga'y dapat binibigyan ng sariling katuturan sa sariling paraan?

Kinabukasan. Doon na lamang nalaman ni Enrico ang masamang sinapit ng kanyang kasintahan.

Mapagbiro ang tadhana. Isang ligaw na bala. Napagtripan lang ni Bathala.

Wala na.

Iniisip ni Enrico na simula pa lamang nang unang iyak nila sa mundo e nakasunod na ang mga halimaw sa kanila. Pinapahirapan sila habang tumatanda.

Sa maling pagkakataon, sa maling panahon.

Naisip ni Enrico na baka pwede niya ring pag-trip-an si Bathala. Baka pwede niya ring habulin ang mga halimaw. Kaya isang gabi, sa loob ng madilim na eskinita, e nagpaputok siya ng baril at pinasabog ang kanyang ulo.

Hindi nga lang siya napansin ni Bathala at hindi man lang nakaramdam ng kaparusahan ang mga halimaw.

ROYAL RUMBLE LAST SEASON: Round 3Where stories live. Discover now