So it's been the third subject , and kaloka lang ang bet ni prof na activity sa English Literature bubunot daw kami ng isang word tapos gagawan namin ng kwento, then ipapasa namin sa next meeting.
But wait there's more...
Every after two meetings my team na magprepresent nung story , so role play ang peg pero kailangan daw may mga effect, effects kami like sound, costume or kung ano ano pa.
So ayun alam nyo naman na ang bilang bilang di ba 1,2, 3,4
lahat ng 1 magkakasama , lahat ng 2 magkakasama....
so congratulations to me di kami magkasama! HAHAHA
"Ok, pumunta na kayo sa mga team nyo try to talk, bubunot na tayo ng topic." -Prof
"Oh por dito, Por!" sabi nung kuya hahaha
Eh di eto na nga, pumupunta na ako sa team ko, tapos pansin ko parang mali ata ako ng team na pinupuntahan, "four" naman yung sinisigaw ni kuya kaso ba't andito 'to. Nahihiya naman akong sabihing : "Oy, di ba 5 ka?"
Nevermind na nga lang.
"Oy, Gab ikaw na nga bumunot" sabi ni Kuya na sumisigaw ng 'por' (di talaga ako makaget over :D )
when he came back he showed as the paper at isang tumataginting na
R-E-G-R-E-T
ang theme ng aming kwento. So nag-usap na magkita kita sa karindirya nung isang kasama namin si Kurt , may space kasi dun kung san kami pwedeng magpractice. I messaged kuya Hiro na wag na ako sunduin:
Message Hiro: Wag mo na ako sunduin, e-eksena lang kagwapuhan mo dito . We'll be having prac with my group. Buy me soft ice cream though , sabay nalang ako kay Zane. I love you bru (blush)
Sa haba haba ng sinabi ko, balloons emoticon lang rineplay nya -___-
Kurt: So ano nga ang plot ng kwento nating hassle
Gab: Kayo ah...
Joan: Uy, wag ka mahiyang mag suggest , ano ng pangalan mo ulit?
Gab: Mio...di ba Mio?
Mio: Uh-Uhmmm..Oo (awkward smile)
Gab : Ah may naisip na ako , pano kung ganito nalang ...
Peech: Oh ano? Anong naisip mo, baka cheesy nanaman yan aa
Gab: Hindi, madrama 'to , hahaha..Pano kung may , may lalaki nalang, tapos..tapos...
Kurt: Huuu, sabi ko na cheezy nanaman
Gab: Hindi nga, tapos may gusto siyang babae, kaso umalis yung babae na hindi nya nasabi yung nararamdaman nya. Tapos lagi siyang namimis interpret nung babae. Tapos nung bumalik yung babae, parang wala nalang silang dalawa.
Napa-grin nalang si Kurt, parang nagets nya na
Peech: Agree ba lahat? Bagay nga naman sa theme ng story yan.
Joan: Oh, yan, makakauwi naman na siguro tayo noh? Bukas ulit
Hayyyy...salamat, natapos rin ang aking awkward moment. So eto nga, may usapan kami ni Zane na sabay uuwi di ba? So nag antay ako dun sa may Town Square.
"Sinong hinihintay mo?" sabi nung boses galing sa likod ko. Pag tingin ko si Gab pala.
Me: Uh...Uhm yung kasabay kong uuwi. ( Tsk, di ko naisip 'to. Dito nga rin pala daan nya pauwi. Ugh!)Gab: Sino?
Me: Uh..Uhm....friend ko :)
Gab: Friend?
Sinisimulan ko ng itaype kay Zane na wag muna lumapit sakin dahil andito si Gab, sana mabasa nya.
Gab: Mukang di na ata dadating yung hinihintay mo, hatid na kita!
Me: Ha-ha-hatid? ( Di pwede, it's the end of the world.Napatingin ako sa phone, at tinext ko si Zane na mauna na at magtataxi nalang ako) Mukang hindi na nga, magtataxi nalang ako .
Gab: Hatid na kita ( I can't say "No" since hinatak na nya ako) Sakay na...
Me: Hindi na, magtataxi nalang ako
Gab: Sakay na! Ang arte naman nito ( nagsusungit na siya)
Me: Grabe naman 'to,ikaw na nga itong nag o-offer ikaw pang galit ( I don't know where did it come from pero parang naging casual nalang lahat)
Gab: Sumakay ka nalang, alam ko kung saan ka ihahatid.
Me: Ano??
Gab: Hindi...ano....sabihin mo kung saan kita ihahatid
Ayoko ng gulo, kasi pinagtitinginan na kami, akala mag jowa kami....Sumakay nalang ako,
G: kapit ka...( awkward) Kapit ba talaga yan?Hindi mo naman first time mo sumakay ng motor
Me: Hindi nga! Kumapit naman ako
G: Aynaku! Malalaglag ka nga
pagkastart nya, nagulat ako unti napayakap ako sakanya. I don't know, napangiti nalang ako ng onti, tinatanong ko nalang yung sarili ko ng mga "Pano kaya kung ...".
pero alam mo yun, napaisip nanaman ako, hindi ko deserve yung mga "Pano kaya kung.." na mga yun, sayang lang, sayang lang talaga, at that moment napayakap ako ng mahigpit sakanya at onti onti kong linuwagan.
buti nalang natapos na ang isa nanamang awkward moment ngayong araw...
Me: salamat!
Sa sobrang hiya ko, pumasok ako agad sa loob, pagkabukas ko ng pinto, narealize ko...
Pano nya nalaman na dito ako ihahatid?????
YOU ARE READING
Nice to Meet you (Yoroshiku Onegai Shimasu)
Romance" I haven't met you yet, but I still love you"