TITLE: How to Dethrone the Prince and Breaking the Gem
AUTHOR: BLACKLILY
STATUS: FINISHED
CODE FOR MOBILE USERS: 2050003 and 2050480
REVIEW:
Iisahin ko na ang review ng HTDAP at BTG dahil iisa lang naman talaga sila ng story.
Ayun nga, ang HTDAP ay natuklasan ko nung inerecommend saakin ng isa kong seatmate dati dati pa. Bale, hindi pa ganun kadami votes noon. Ngayon, napadaan ako sa profile ni Ate Author at naghanap ng pwedeng basahin at nasagi ng mata ko ang HTDAP. Una, hindi ko muna maalala ang takbo ng story kaya binasa ko ulit siya. What can I say? Natapos ko yung dalawang story in just one day. Naalala ko kung bakit ko nga ba 'to nagustuhan in the first place. Walang tigil 'ko siyang binasa, kinabahan pa nga 'ko kasi kailangan ko pang magreview para sa Final exams namin eh. Sinubukan ko talagang tanggalin yung mata ko sa phone ko pero wala talaga, kahit nabasa ko na siya, naapektuhan parin ako ng story kahit alam na alam ko na talaga yung mangyayari. Napakilig parin ako, napaiyak at napangiti. BlackLily is actually one of my most favorite authors here in wattpad. Bakit? Well, nung nagsabog ata si God ng kakayahan magpaiyak gamit ang pagsusulat, dilat na dilat ata si author. (BTW, Congratulations po sa Tamako Sia)
Ang Breaking the Gem naman ay ang sequel ng HTDAP, magsisinungaling ako kung sasabihin 'kong hindi ako umiyak sa story na 'to. I cried not only once, hindi rin twice, hindi rin thrice. Basta, halos na ata ng chapter sa story na ito, napaiyak ako. Hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga ako o sadyang nakakaiyak lang talaga ang pagmamahalan ni Enzo at Era. Nalungkot ako dun sa nangyari kay Era pero siyempre, sa isang story, hindi mo maiiwasan ang mga twists and turns. Ang BTG ay marami niyan. Nakakatuwa at nakakabigat ng puso ang istoryang ito. Call me crazy or whatever, pero para saakin, sobrang happy nung ending. You can call it a blissful twisted happy ending. 'Di niyo gets? Basahin niyo nalang kasii! Sobrang ganda pramis! Itong story na 'to ay lubos kong minahal. Yung story mismo at hindi lang sila Enzo at Era. Napamahal narin ako kay Ron at Nica. Kay Mike at Ellaine. Kay Jeannie at pati narin si Laila. Atsaka si Dave! Omaygash, I love you din Dave Darling! XD Wag kayo, last name talaga niya ang Darling. Hindi parin ako makapaniwala na nakuha ni Nica ang gusto niya, "WHAT NICA WANTS, NICA GETS" nga daw.
Anyways, ayun nga, I really really really recommend this story for those who haven't read it yet and I swear through my reader's heart that you will enjoy it as much as I did or maybe even more so. #HartHart
"And we kissed and sealed our love that will last through eternity" -Era

BINABASA MO ANG
Recommended Wattpad Stories
Romance©2014 II ForeverSarcastic. Looking for a good story to read? Well, here's a list of awesome stories for you. "A reader lives a thousand lives before he dies, the man who never reads lives only one."