She Doesn't Care

6K 38 4
                                    

TITLE: She Doesn't Care

AUTHOR: Heartruiner

STATUS: COMPLETED

CODE FOR MOBILE USERS: 1556092

OVERVIEW:

She is Ana Rayven. Ang babaeng tila sadyang pinanganak na walang pakialam sa mundo. Paano ka nga ba magkakaroon ng pakialam kung ang lahat ay nasa iyo na - money, beauty, career, talent, everything. He is Xander Navarro. Ang lalaking tila ipinaglihi sa katakut-takot na sama ng loob at galit. Minsan nang hindi naiwasang mag-clash ang kanilang landas. At dahil nga napaka-playful ni destiny ay mauulit na naman ang lahat. Pero ang pagkakaiba, she doesn't care anymore. Kung paano mababago ni Xander ang mantra ni Ana? . . . isa munang nakaka-stress na roller coaster ride.

REVIEW:

Babala: Ang story na ito ay nakakabigat ng puso. As In. Kaya naman para sa mga gustong umiyak diyan, ayan! Ang She Doesn't care ay masasabi kong pinaghirapan isulat at talagang madaming feels. Nakilala ko si Ate author (heartruiner) last week, nang may nagrecommend saakin na klasmeyt nung isa pa niyang story na She's The Rule Breaker. Simula nun, binasa ko na lahat ng stories na gawa niya. The whole week, puro stories lang niya ang mga binabasa ko. Isa na rin siya sa pinaka favorite 'kong mga author dahil mayroon siyang way of writing na napaka unique tapos napakalawak din ng mga plot ideas niya. Basta, sa lahat ng binasa kong sulat niya, ang She Doesn't care ang may pinakamalaking impact saakin. Don't get me wrong, nagustuhan ko din yung iba pero dito mismo ako napatulala nung tapos na ko sa closing page. Yung tipong hindi ka makaget-over? Medyo lutang din ako sa klase nun dahil iniisip ko parin sila Ana at Xander.

Sa story na 'to, mas pinaboran ko yung bidang lalaki kesa mismo kay Ana Rayven, ang bidang babae. Naiiyak ako sa lahat ng paghihirap na ginawa ni Xander para lang kay Ana, tapos, tapos, balewala lang sakanya! Pero syempre, mahal niya si Xandy, hindi lang showy showy. Xandy mylabs, ako nalang si Mapie mo! Ajujuju. Sarangghaeee! <3 Hart Hart.

Anyways, ayun nga. Bukod sa nakakaiyak na flow ng story na 'to, natatawa din ako sa relationship ni Ana at Bryce. Putspa, it's so complicated. Ewan ko sakanila. Basta forever Xander ako. 

Sa lahat ng tinaype 'kong ito, halata naman ang pinapahiwatig ko diba? Nakakaiyak. Nakakaluha. Napaka-tragic kumbaga. Kung ayaw mo naman din ng ganitong klase ng story, pumunta ka sa works nung author. Madami pa siyang sinulat na sobrang ganda. Ate author, hindi ko po alam kung ni minsan ba ay vinote ko yung mga stories niyo, kaya pagpasensiyahan niyo na at dito nalang ako babawi. <3

Kung hindi niyo pa binabasa ang She Doesn't care ni Ate Heartruiner, then shupii na at basahin! Pwedeng pwede din niyong basahin yung mga iba pa niyang works dahil promise ko sainyo, magaganda lahat n'yan.!  Spread the love, readers! Woot Woot!

(CLICK EXTERNAL LINK TO READ)

Recommended Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon