LOVE. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng LOVE?
Hi, I am anonymous. Ako ang inyong magiging kaibigan pagdating sa love. I'll give you plenty of advices tungkol sa love, crush, admiration, etc. Sasagutin ko ang mga magugulong tanong tungkol sa love. Love. Love. Love. Puro na lang love. Sana magustuhan niyo ito. Hindi lang siya story ng dalawang tao, storya siya ng pag-ibig ng mga kabataan ngayon. (On the process pa yung Facebook page, sorry) Pwede rin naman dito sa Wattpad magtanung :) Natulungan mo na sarili mo, nakapagmulat ka pa ng mata ng maraming tao. Libre kayong gawin ang lahat. Bawal nga lang po ang mga bad words. Feel at home dito sa blog-like-site ko :) Marami kayong matututunan. I'm also in the process of thinking kung maglalagay ba ako dito ng parang blind date online :) Hope you'll like it all.
Q1: What is LOVE?
A: Ang LOVE ay napakagulo. Wala 'yang exact meaning. Marami kasi tayong basehan sa pagmamahal eh. Ikaw na lang sa sarili mo ang makakapagsabi ng meaning ng love. Depende yan sayo kung pano mo tingnan ang word na LOVE. Kaya nga maraming tanong na naibigay sa iba't ibang contest o kahit sa simpleng pangyayari lang na ang kadalasang tinatanong ay, para sa'yo. What is love? (Anu daw?!)
Q2: Paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?
A: Napakasimpleng tanong na bihira lang ang nakakakuha ng tamang sagot. Actually, hindi mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao. Mararamdaman mo itong kusa. Masasabi mo na lang isang araw na mahalaga na pala siya para sayo. Hindi kumpleto ang araw mo kapag di mo siya nakakausap. Malungkot ka kapag di kayo nagkikita. Pero to be honest, pangit din kapag madalas kayo nagkikita. Yung bang parang araw araw na kayong nagkikita. Magsasawa kayo sa isa't isa. Kapag lagi ka din niyang napapangiti kahit sobrang corny na ng joke niya. Mahal mo na siguro yun! :"> Kasi, binibigay niya yung mga ngiti sa labi mo. Yung parang masasabi mo na lang na, ang cute cute talaga niya :D
Q3: Paano ba mapapatibay ang isang relasyon?
A: Gawin niyong sentro ng relasyon niyo ang Diyos. PROMISE, magiging maganda yan. At isa pa, tiwala lang sa isa't isa. Walang lokohan. Walang mga secret. Kailangan lagi kayong open, kahit na tungkol sa pamilya. Kasi minsan ang karelasyon natin, or kahit kaibigan. Sila lang makakaintindi sayo kapag sa tingin mo ay galit sayo ang buong mundo. Tapos kahit na nag-aaway kayo, pagusapan niyo lang ito. Unang dapat gawin, maglend kayo ng time na magsisigawan kayo, lahat ng sama ng loob ilabas niyo na. Wag lang kayo magkakasakitan. Tapos after that, huminga kayo ng malalim. Sabay kayo. Tingnan niyo ang isa't isa. Inhale. Exhale. Tapos pagusapan niyo na ng payapa. Nang mahinahon. Lagi dapat nandun pa rin ang mga ngiti niyo sa labi. At kapag napagusapan niyo na yung naging problema niyo, tiyak after nun. Tatawanan niyo na lang. Isa yan sa mga dahilan kung bakit tumitibay ang isang relasyon.
Q4: What if kung yung mahal ko eh may mahal ng iba tapos nagkataong kaibigan ko pala yung mahal niya. Anong gagawin ko?
A: Kung mahal mo talaga ang isang tao, gagawin mo ang lahat maipaglaban lang siya. Wag na wag kang susuko hangga't kaya mo pa. Kapag napagod ka, magpahinga ka lang panandalian pero wag kang titigil. Pano yun? Kaibigan ko na karibal ko sa mahal ko? DO YOUR BEST. Ipakita mo na mas better ka sa aspetong alam mo. Wag mo nga lang siyang tatabunan masyado. Wag mo rin aawayin kasi baka sabihin eh, ang gara mo pala. Makipagkumpitensya ka para makuha mo yung puso niya kahit patago. Yung kumpitensya na wag puro ganda/gwapo ang iniisip, dapat PUSO PUSO at PUSO lang. Pero kung wala talaga eh, hanap tayo ng ibang paraan. Wag na wag mong sisiraan kaibigan mo kasi tandaan mo na mas mabuti ng mawalan ka ng bf/gf kesa mawalan ka ng maganda at mabait na kaibigan. Kasi kapag nawala yang kaibigan mo, asahan mo na puro backstab, blackmail at kung ano anong paninira at pagbubunyag na sikreto ang gagawin niyan. WASAK ka ngayon. Eh tapos bigla pa kayong nagbreak, eh pano ka na? BOOOM!
Q5: Paano kung kalaban ko ay di hamak na mas maganda/gwapo sa akin?
A: Simple lang, be yourself. Tandaan mo na kapag ang isang boy/girl ay nagkagusto sa isang maganda/gwapo, (hindi naman sa pagdodown sa mga magaganda't gwapo) pero malay mo, itsura lang pala ang minahal niya. Marami na akong kilalang nagbreak up kahit na kung titingnan mo ay napakaperfect na ng relasyon nila. Ang naging pagkakamali kasi nila ay hindi nila kinilala ang inner being ng isa't isa. Maraming mabilis na relationship ang nangyayari. Mabilis na naging sila. Ayun, mabilis din silang nasaktan at naghiwalay kagad. Love is not all about beauty. It's about affection, feelings, and attitude. Puso ang umiibig hindi mata.Kaya wag kang magalit sa sarili mo kung pangit ka, puro tigyawat, maraming piso sa katawan, mataba, bobo, mangmang, walang alam, mahirap?! Hayy nako. Nevermind that, lagi mong iisipin na There is the right person who will love the right you. Hintay hintay lang. Kung hindi talaga siya sa tingin mo at walang nangyayari, wag mo na din ipilit. Kesa naman kapag pinilit mo eh hindi kayo satisfied sa isa't isa.
Q6: Paano ba mapapansin ni crush?
A: Simple lang. Magpapansin ka. Pakapalan na ng mukha 'to! Malay mo dun pa pala sa kakapalan ng mukha mo eh mahanap mo na talaga ang perfect guy/girl para sa'yo. Dun na mag simula ang lahat. Sa love nga daw, kailangan you'll take the risk. Kahit anong mangyari, never give up :)
Q7: May gusto ako. Tapos madalas kami naguusap as in feeling ko super close na kami, paano ko malalaman kung mahal na niya ako?
A: Bihira lang ang gumagawa nito kasi natatakot silang mapalayo sa mahal/crush nila pero sabi ko nga diba, sa love you'll take the risk. Simple lang din, magpamiss ka. Paano? Ibahin mo routine mo sa kanya. Wag mo siyang kakausapin. Wag makikipagkita sa kanya. Siguro mga 2-3 weeks. Best na ang 1 month. Tapos within those days, kapag lagi ka niyang kinukulit kahit di mo nirereplayan, dun mo malalaman na mahal ka na niya. Diba nga sabi ko nung una, kapag hindi kumpleto araw mo pag wala siya ibig sabihin nun gusto mo na siya. Kasi, parte na siya ng buhay mo eh. (evil laugh, matry nga >:)) )
Q8: Ano ang pinagkaiba ng gusto at mahal?
A: Ang gusto, marami kang nakita sa kanyang mga bagay na nagustuhan mo. Kapag mahal mo siya, sabi nga din nila, hindi mo alam kung bakit. Bigla mo na nga lang mararamdaman yung feelings mo para sa kanya.
-----UPDATED----
Q9: Sino mas pipiliin mo, yung matagal mo ng mahal pero di mo sinasabi o yung babaeng nagpapatibok ng puso mo ngayon? :))
A: Kung ako sa'yo, mas pipiliin ko yung matagal mo ng mahal kasi akalain mo umabot pa siguro ng ganito katagal. Tapos yung babaeng nagpapatibok ng puso mo ngayon, baka infatuation pa lang yun. Depende na rin kung gano na nya pinapatibok puso mo. Timbangin mo rin kung sino yung mas mahalaga sa'yo ngayon. If you're read it from the start, sana nakuha mo rin yung ibang advices ko. Thank you.
