Chapter 2: Online game

861 18 16
                                    

"Ah cge pasok na ako sa bahay.." Sabi ni Sean

Di na ako nagsalita. Pumasok na lang din ako sa bahay.

Kumain na ako ng Lunch. Tapos nag online ako sa favorite kong online game.

[Fighting game siya, pang philippines lang.]

My name in that online game is Yuki

Nagdungeon ako. Naghahanap ako ng monster. Tapos biglang may sumulpot dun sa damuhan. Kinikill ko pero masyadong mababa level ko eh. Merong isang lalake na character, kinill nya ung monster na kinikill ko. Sabi ko "Thank you sa help :)" sabi naman nya "np" 

Kinilig ako nun. Kasi 1st time pa lang nangyayari sakin yun eh. Nakita ko name nya Sean. Pareho sila ng name ni Sean. Pero sigurado hindi siya yun. May sumulpot na friend request. Si Sean nag send ng Friend request. Inaccept ko naman. Alam mo naman ireject ko? Niligtas na nga niya ako eh tapos irereject ko pa? De ayun. Nag spend kami ng time together, nag fight kami ng monsters, ilang beses niya nga ako tinutulungan eh. Nakakahiya. Sobra! Bakit kasi ka weak ko? >.<

Bigla akong chinat ni Sean, sabi niya.. "Ano ba number mo?"

Sabi ko naman "Bakit mo naman natanong?"

Sabi niya "Ala. :) Sun ako ikaw?"

Sabi ko "Yup sun din ako. :) 0932------- number ko."

Di na siya nag reply. Tapos after ng 2 seconds biglang nag ring yung cellphone ko. Alang name number lang. Naghehesitate ako. Sabi ko sa isip ko.. "Sasagutin ko kaya?" In the end sinagot ko pa rin. Hindi ako nag hello, hinintay ko lang siya mag salita. "Hello??" 

"Oh my god... Ka boses ni Sean!" Sabi ko sa isip ko.

"H-Hi...?" Sabi ko habang nag bebaby voice. Ala lang trip lang? 

"Ako to. Si Sean, dun sa Online game kanina? Ilan taon ka na ba? parang kabata mo?" Tanong ni Sean.

"H-Ha...? Ako? 12 po." Sabi ko habang nagbebaby voice pa rin.

"Pareho tayo." Sabi ni Sean.

"Ah cge bye na." Sabi ko. 

"Agad? Bilis nama--" Di niya natuloy yung sasabihin niya.

Hinang up ko kasi eh, may narinig kasi akong katok sa bintana. Dumapa ako, nakakatakot kasi eh. Bumilis yung pagkakakatok. Bigla din may tumawag sa phone ko. Hindi ko na alam gagawin ko, takot na takot na ako! Bumilis ung katok. Tapos biglang nabasag ung glass ng bintana sa kwarto ko, Napa "AHHHHHHHH!!!!" ako pero biglang may nag sabi na "Shhh!" sa direksyon ng bintana. Lumingon ako para makita kung sino yun, pero si Sean lang pala. "Diba neighbor tayo? Magkatapat din bintana natin, okay ah." Sabi ni Sean habang nagiismirk. 

"Tinatakot mo naman ako eh! Para kang magnanakaw!!" Sabi ko kay Sean.

Tapos bigla akong naiyak.

"O? Bat ka umiiyak?" Sabi ni Sean sakin with a troubled face.

"E-Eh.... S-Sino ba k-kasi hindi maiiyak d-don?! As in takot na takot a-ako nung time na yun e-eh.." Sabi ko kay Sean. Nanginginig ako sa sobrang takot.. Inakap ako ni Sean bigla. Tapos sabi niya "Sorry na... Yuki.." Hinigpitan niya yung pagkayakap niya saakin. Natahimik tuloy ako. Na shock ako eh. Alam niya kasi yung name ko dun sa online game.. Ibigsabihin nakikita niya akong nag bebaby talk nung kausap ko siya?! (Nakabukas kasi yung curtain namin nun eh.) AHHH YUNG LOKO NA YUN!

Si Sean pinagawa bintana namin. Siya pa! Mayaman yun eh. :) Umuwi na rin siya kaagad after nagawa yung bintana. Syempre nag sorry siya saamin. Ulol kasi eh. 

-Morning na! School time!

6:00 AM

"Oh bakit kaaga mo anak? 7 pa pasok mo ah. Atsaka mukang sobrang excited kang pumasok?" Sabi ni Mommy habang nakangiti.

"Ah eh ala lang po hehe.." Sabi ko kay Mommy. Di nga? Masaya ako? 

"Sino yung lalake na nakasira ng bintana? Para kasing kilala mo anak eh." Sabi ni Mommy.

"Classmate ko po." Sabi ko kay Mommy.

"Crush mo?" Sabi ni Mommy sakin habang pinipigil yung tawa.

"A-AHH... Hindi no! Friend lang po! Si Mommy naman!" Sabi ko kay Mommy. Well.. KONTING nag blush ako nung time na inakap niya ako.. does that mean... That I like him? No no no no!! I will never have a boyfriend! NEVER!!

"Natulala ka anak ah? Crush mo nga! HAHAHAHAHA!!" Sabi ni Mommy sakin. Si Mommy naman oh.

"Di nga po! Konting admire lang? As in Konting kooooonti!! Kasi friend ko siya, kaya inaadmire ko siya! :D" Sabi ko kay Mommy. Habang sinasabi ko kay mommy yun hindi mapakale yung kamay ko eh, galaw ng galaw. Hmmm...

"Ganun ba yun? Friend mo siya tapos inaadmire mo siya? Plus lalake siya. AND Hindi mo pa siya ganon ka kilala. Crush yun! Ano say mo?" Sabi ni Mommy. Tuwang tuwa siya nung time na yun. Hindi pa kasi ako nagkakacrush. E-Ehh...? BAKIT SINASABI KO YUN? BASTA DI KO SIYA CRUSH! END OF STORY! 

Pagkatapos kong kumain ng Breakfast, naglakad na lang ako sa school, tulog pa kasi si Kuya Richard saka kahit gising siya, hindi pa rin ako magpapahatid sakanya. Kalapit lapit lang ng school eh? De yon lumabas na ako sa bahay. Nakalabas na ako sa Lakewood. Malapit na ako sa school pero biglang sumulpot si Sean. Sabi niya sakin.. "Pwede ba kitang..."

-------------------------

"Pwede ba kitang..." ANO?! ANOOOOO?! 

"Pwede ba kitang... maging Girlfriend??" Yun ba sasabihin ni Sean?! 

Malalaman nyo ang sasabihin ni Sean sa Chapter 3! Please keep reading! Even though it's a fail!

Vote = If you like the story *u*

Be a Fan = I-If... you feel like it? xD

Comment = Sure! Feel free! :D

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon