Prologue

3 0 0
                                    


Masayang nag lalaro ang pamilya sa kanilang kwarto. Nakikipagkulitan ang mag-asawa sa nag-iisa nilang anak na babae.

Mama, hahaha mama naman!! hahahahah. Tawa ng bata habang kinikiliti siya ng kanyang ina.

Masayang tawanan ang maririnig sa buong kabahayan. Walang mag-aakala na ang gabing iyon na pala ang huli at magiging pinaka malagim na gabi para sa pamilya.

Akmang sasali sa pangingiliti ang ama ng bata ngunit isang putok ng baril ang nagpatigil sa kaniya. Kasabay nun ay ang mabilis na pag-agos ng dugo mula sa kaniyang tagiliran.

Napalitan ng katahimikan ang kanina lang ay masayang tawanan. Gulat at sakit ang pumalit sa kanina lang ay ngiti sa kanilang mga mukha.

Nasundan pa ang mga putok at sunod sunod iyong tumama sa iba't ibang parte mg katawan ng kaniyang ama.

Biglang naging alerto ang kabiyak nito. kaagad itong kumuha ng baril.

Sa mukha ng bata ay nakapinta ang pag kagulat at pagkabahala sa nangyayari. Alam niya ang nagyayari. Alam niyang nanganganib sila.

Nakahanda nang gumanti ng putok ang kaniyang ina ngunit naalala niya ang kaniyang anak.

kailangan ko siyang itago. Bulong nito sa sarili.

Agad na lumapit ang kaniyang ina sa salamin na nakaditkit sa ding ding at parang pintong binuksan ito. Tumambad duon ang isang espasyo na puwedeng ihalintulad sa loob ng isang cabinet. Mabilis na kumilos ang ina ng bata at itinago sa espasyo ang kaniyang anak.

"Sweetie, stay here until its safe a-and" Nabasag ng kaunti ang boses ng babae. "and I love you. Mama and papa loves you so much." Hinalikan niya sa noo ang noo'y naluluha ng bata. Tila alam na nito ang kahihinatnan ng kaniyang mga magulang. kasabay ng pag bukas ng pintuan ng kuwarto ay ang pagsara ng kaniyang ina sa salamin na nagsisilbing pinto sa kinaroroonan niya. Wala halos mag aakala na may espasyo sa likod ng salaming iyon. Perpektong matataguan.

Lampas sa sampung katao ang dumating lahat ay armado ng iba't ibang kalibre ng baril. Lahat ay estranghero maliban sa isa. Mabilis na kumilos ang kaniyang ina at pinaputukan ang mga estrangherong dumating habang patakbo sanang dadaluhan ang kaniyang asawa na puro tama na ng bala ngunit maging siya ay pinaulanan din ng bala. Nakipagsabayan siya. Naitumba niya ang halos kalahati sa mga kalaban ngunit maging siya ay marami din ang naging tama. Padapa siyang nasubsob sa sahig at pilit gumapang upang maabot ang kaniyang asawa. Gayun din naman ang ginawa ng lalaki hanggang sa magkahawak sila ng kamay.

"Awwww. How sweeet. Hindi ko alam na sa likod pala ng demonyo ninyong katauhan ay may mga tao palang nagmamahalan." Puno ng sarkasmong sabi ng lalaki na may tungkod.

Masamang tingin lang ang ipinukol ng mga magulang niya sa lalaking nagsalita.

"HAHAHAHA! Alam niyo kung hindi lang kayo puno ng tama ng baril ay kinabahan na ako sa mga titig ninyo." Nagsalita ang matanda habang umuupo upang mailapit ang kaniyang sarili sa dalawa.

"Ano pa bang gusto ninyo sa amin. Nagawa na namin ang misyon. Tapos na kami sa inyo." Pinilit na sigaw ng kaniyang ama na halata ang hirap at sakit sa bawat salita.

"Well, ikaw na din ang nagsabi, tapos na ang misyon ninyo at hindi na namin kayo kailangan kaya nandito kami para patahimikin ang wala nang pakinabang"
litanya ng lalaki habang tumatayo.

"Nagkasundo na tayo. Hindi ba pwedeng hayaan niyo na lang kami. Ginawa na namin ang gusto ninyo.  Hindi ba puwedeng bitawan niyo na kami"
May halong hinanakit ang salita ng kaniyang ina.

Ngisi ang iginanti ng lalaki. "Bago pa lang kayo pumasok sa grupo. Alam niyo na ang patakaran. Alam niyo nang hindi na kayo makakaalis. Napakatanga ninyo para isipin na tunay ang pag sang-ayon  niya sa pagtiwalag ninyo. Akala niyo ba talaga pagkatapos ng huling misyon ninyo ay hahayaan niya na kayo. HAHAHAHAA nahihibang na kayong dalawa." Sabi ng lalaki. " Sayang, kayong dalawa pa naman ang pinaka magaling niyang tauhan. kayo ang pinaka nakakamatay, pinaka kinatatakutan. Pero ibinasura ninyo ang lahat ng iyon at eto kayo ngayon, nalalapit nang makipagkita kay kamatayan. Any last words??  litanya ng lalaki.

Mapaklang napangiti ang kaniyang ama. " Sa lahat ng puwedeng tumapos sa amin, ikaw pa talaga Havier? " May halong paunumbat na sabi ng kaniyang ama. Kilala niya ang lalaking tinawag na Havier. Kilalang kilala.

Tila nagulat naman ang lalaki. " Bakit? iniisip mo ba na dahil lang sa may pinagsamahan tayo ay magdadalawang isip ako na tapusin kayo? Isa kang malaking hangal kung ganon!" Sigaw nito. " Alam mong walang kaibigan sa mundong ginagalawan natin . Ang kaaway ay kaaway, ang tumiwalag ay tumiwalag."

Matiim siyang tiningnan ng mag-asawa na pilit nilalabanan ang sakit ng mga balang nakabaon sa katawan nila. Halong galit at pagsisi ang nararamdaman nila dahil pinagkatiwalaan nila ang taong ngayo'y tatapos sa buhay nila.

Alam nila, ano mang oras ay  katapusan na nila. Mapait na ngumiti ang mag asawa sa isa't isa at palihim na tumingin sa salamin na pinagtataguan ng anak nila. Parang sinasabi nila sa anak ang kanilang huling paalam. Alam nilang nakikita ng anak nila ang buong pangyayari dahil sa transparent ang kabilang parte ng salamin samantalang ang parte namn na nakarap sa kanila ay tanging repleksyon nila ang makikita na parang isang ordinaryong salamin lamang ito. Tiwala sila na maiintindihan ng anak nila ang sitwasyon dahil matalino ito at hindi na din lihim dito kung anong klaseng buhay mayroon sila.

"Paalam" Sabi ng lalaki na parang naging hudyat sa mga tauhan nito dahil kasunod nuon ay parang nagkaroon ng piyesta ng mga bala at lahat ng iyon ay pinuntirya ang mag asawa. Bumaha ng dugo sa kuwarto at ikinasaya ito ng lalaki.

Ilang saglit na pinagmasdan ng lalaki ang mag asawa. Tila sinisiguro na patay na nga ang mga ito. Pagkatapos ay tumalikod na ito at sumunod sa kaniya ang kaniyang mga kasama. Naiwan ang duguan at wla nang buhay na katawan ng kaniyang mga magulang

Samantala tahimik na umiiyak ang bata sa lugar na pinagtataguan nito. Nakita niya ang buong pangyayari. Nakita niya lahat lahat. Nakita niya kung paano pinatay ang mga magulang niya. Ng mismong matalik na kaibigan ng mga ito.

Halo halo ang nararamdaman ng bata. Lungkot, pighati, sakit ngunit mas nangingibabaw ang galit.

Makalipas ang mahabang oras ng pag tanggap sa nangyari. Tulalang lumabas ang bata sa kaniyang pinagtataguan. Walang emosyon . Wala na ang saya na kanina lang ay nakapinta sa maamo nitong mukha. Ang mga luha sa mga mata nito na naguunahan sa pagtulo ang tanging senyales na labis itong nasasaktan.

"Magbabayad sila." Sabi nito ng makalapit sa bangkay ng kaniyang mga magulang. "Magbabayad sila." may himig ng panganib na ulit ng bata. "Mga TRAYDOR! sigaw nito bago unti unting bumakas ang galit sa mukha nito.

"Hintayin niyo ko, ibabalik ko lahat ito sa inyo" determinadong sambit niya na pinatutungkulan ang mga pumatay sa mga magulang niya. Ilang sandali at tumayo na siya at nagsimulang humakbang palayo.  Kasabay ng pangakong ibabalik niya sa mga traydor ang kanilang ka-traydoran.

Debt of TreacheryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon