Eto na ire te. HAHHAHA. Thank you sa pag support. I miss you na sagad ABS! =)
______________________________________________________________________
Chapter 3 . Her diary
Raymond's POV
Kinakalkal ko ang bag ko, ring kasi ng ring ang phone ko. Wala bang balak huminto ang tumatawag sakin? -_____-
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING RIIIIIIIIIIIIIIING
Eto na sasagutin na.
Mark calling ...
" Ano problema mo Pare? " - ako
" Punta ka sa tambayan, unuman tayo! "
" Para doon lang tinawagan mo ko? Ayoko tinatmad ako. " wrong timing naman tong si Mark. Ngayon pa nag yaya. :(
" Tamad mo Bro, sige bye " sabay binabaan ako. Bastos talaga non. Binaba ko na sa lamesa sa kwarto ko yung phone ko. Pagkatapos nangalkal ako sa bag ko.
Si Mark, bestfriend ko na lalaki. Kabarkada ko at isang dakilang CASANOVA .
Huwag na natin siya pag usapan, sinisira gabi ko. Hahahahha
Habang kinakalkal ko yung bag ko.May nakita ako cute na notebook. Kulay blue. Parang farm yung design. Simple pero maganda. Kanino kaya to??? Ay, baka kay Maine to. Sa pag kakaalala ko kasi naki lagay siya ng konti niyang gamit na mabibigat dahil nangangawit na daw siya. Ginawa pa kong taga buhay niya. YAYA for short. XD
-- > Yung picture nasa gilid :D
Siguro ibibigay ko nalang sa kanya bukas ng umaga. Pupuntahan daw niya ko dito sa bahay namin , mag movie marathon daw kami dito sa kwarto ko.
Binuksan ko yung notebook. Parang diary niya to. Mabasa nga. Kahit konti lang. Na curious lang naman ako eh.
Feb. 14, 20**
Ay pakshet. May nakita akong gwapo sa Cake Shop. Hahahah.
- Maine
Landi nitong si Maine. Basta gwapo talaga. Gwapo din naman ako diba? Hahahah.
April 04, 20**
Uuwi na kami sa Pilipinas. Excited much nako oh. Ready na read nako! Waaaaaaaaah
I miss you Monmon :| <3
- Maine
Natuwa naman ako. Kinikilig ata ako sa kanya? Ano tong feeling na to? Mali to. Hindi ako pwede kiligin. Oo maganda siya saka mabait Crush ko nga siya eh. Secret lang natin ah? Hahah. Kaso hanggang dito lang. Kasi kaibigan lang turing sakin non. Ayoko masira friendship namin. Ajujuju. :'(
Pero ang isang entry niya ang nakapukasw ng pansin ko. Tumatak talaga sakin to.
SIGNS? Para san to? Ano to? Eto ba ang mga guso niya sa lalaki. Ano kayang magiging reaction niya pag ginawa ko to sa kanya?
( A/N : Hindi ko muna sasabihin yung Signs. Gusto ko kasi unique. Yung hindi paulit ulit. :D )
Binasa ko yun. Kagulat gulat talaga. Akala mo nga naman. May paganto ganto pa siyang nalalaman. May mga nililihim din pala to sakin. Hindi naman namin kasi napag uusapan mga gusto niya sa lalaki. Kahit crush niya.
Nawala ako sa pag iisip ng biglang nagring phone ko
Mainetot calling ..... * Natatawa ako sa pinangalan ko sa contacts ko. *
" HOY MONMON!!!! BAKIT HINDI MO BINALIK YUNG NOTEBOOK KO? " sigaw sakin. Kawawa naman magiging boyfriend nito. Nagger amp. ><
" Makasigaw Maine? Sakit sa tenga ah? Nasa akin, tamad mo magbitbit, pinabuhat mo sakin. Nasa bag ko, hayaan mo babalik ko bukas. " sabi ko sa kanya. Sumakit tenga ko sa sigaw niya. Lakas ng boses ah?
" Bat hindi mo binalik? HOY! Wag mo babasahin yan! Patay ka sakin, bigay mo na ngayon. Punta ka sa bahay namin, dalihin mo yan! " utos niya sakin. Wagas makautos to ah? Yaya forever ba ko?
" Maine, maawa ka naman. Malapit na gumabi oh. Bukas nalang please?? Hindi ko naman binasa eh. Nasa bag ko pa din " pag sisinungaling ko sa kanya. Asa siya. Nabasa ko na mga secrets niya.
" Eh! Basta! Bilisan mo. Pag wala ka pa nga 15 minutes dito patay ka sakin. Hindi tuloy movie marathon natin. Ikaw din bahala. " nagbanta pa tong babae na to. Asaaaaar -_____-
" Oo na, panalo kana. Eto na pasakay nako. Binibilisan ko na. " Nagmadali akong sumakay sa kotse ko.
" Good! Bilisan mo. Nagstastart na time mo! Siguraduhin mong hindi mo binasa yang diary ko ah? Patay ka talaga sakin. Alam mo na mangyayari sayo. "
" YES MAM! " kawawa ka naman Maine, hindi mo alam na nakita ko na. Poor girl. Hahaha.
Nagdrive nako papunta sa bahay nila . . .
----------------------------------------------------
Hanggang dito muna. HOHOHO! Kung sino gusto magpadedic sige lang. Libre lang. Post sa MB ko, comment o kaya PM kahit ano. :D
VOTE. COMMENT. FAN. LIKE
- iamabadgirl <3
BINABASA MO ANG
I saw the signs - on hold -
FanfictionMga mga babaeng naniniwala pa din sa mga SIGNS? Corning pakinggan, pero isa pa din ako sa mga naniniwala na kapag nagawa ng isang lalaki lahat ng mga SIGNS mo siya na yon, eh paano kung naloko ka lang pala niya? Mapapatawad mo ba siya o hindi na?