Authors Note : Kasunod lang po to nung Chapter 4. Enjoooy!
------------------------------------------------------------
Raymond’s POV -
“ Beb, may plano ka bang manalo. Pang 5 panalo na ako oh.Ni isa wala ka pang panalo. “ pang aasar ko sa kanya. Alam ko naman na di siya gaano magaling dito kaya hinamon ko siya. Hindi naman pikon masyado yan eh.
“ Ang yabang yabang neto. Ikaw na nga magaling. Panalunin mo naman ako, Hahahah, Pleaseee. “ nakakatuwa talaga tong si Beb. Ang sarap kurutin. Papanalunin ko na nga to. Kawawa naman siya. Hahahah. Feel na feel ko ba siyang tawagin na Beb? Wala lang. Trip ko lang siyang tawagin na ganun. Sabagay, hindi naman siya umaangal eh >3<
“ Sige na. Papanalunin na kita. “ nagstart kaming maglaro ng bago. Syempre hindi ko ginagalingan.
Pagkatapos naming maglaro, bigla siya sumigaw.
“ YES!!! Ang galling ko no. Hahahaha” tuwang tuwa sabi niya sakin. Nakakatuwa talaga siyang tignan.
“ Kaya ka lang nanalo kasi di ko ginalingan. “ pang aasar ko sa kanya. Nakakatuwa talaga tong asarin. Ang cute cute niya ehhh. XD
“ Ang galing ko lang talaga. Ayam mo lang aminin na natalo kita. LOSEEEER! “ binelatan pa ko. Sabay tawa. Nabaliw na ata tong si Maine.
Tinamad na din naman kami mag movie marathon at maglaro ng kung ano ano sa bahay nila pumunta kami sa playground ng subdivision, malapit lang naman kasi yun sa bahay nila.
“ Mon, bili mo naman ako nung ice cream na yun oh. Libre mo ko! Pleeeeease. “ nagpout pa yan, saka yung kamay niya yung parang nagpepray. Talagang nagpapacute ka pa. Osige na, gumana na yung pag mamakaawa niya. Ay shyet. Gumaganan ako? Hahhaha.
“ Chocolate ba gusto mo? “ sa pagkakaalala ko chocolate favorite niyang flavor ng ice cream o kahit anong sweets pa yan.
“ Eh? Naalala mo pa din favorite ko? Waaaah. Oo yun. Dali libre mo nako. “ sabay tulak sakin papunta sa isang ice cream parlor.
Bumili na din ako ng isa para sa kanya at para sakin. Yun din naman kasi ang favorite ko. Parehas lang kami. :> Habang nagbabayad ako, nilingon ko siya saglit. Nasa swing siya habang may kausap siyang batang babae. Pagkatapos ko bayaran,bumalik na din ako sa pwesto niya.
“ Maine, eto na oh! “ abot ko sa kanya ng ice cream niya.
“ Thank you Raymond! “ sabi niya sakin.
“ Nga Beb, sino tong cute na batang to? “ tukoy ko sa batang katabi niya sa swing. Yung swing kasi medyo malaki, kasya siguro dalawang tao.
“ Ahh, si Chloe pala siya. Nakita ko lang siya kasi yung aso niya biglang lumapit sakin. Ang cute niya no? “
“ Ahh. " sabay ngiti ko sa kanya. Nilapitan ko naman si Chloe.
“ Hi Chloe, ang cute cute mo naman, taga dito kadin sa subdivision? San ka nakatira? “ sabay sabay na tanong ko sa kanya, baka kasi wala siyang kasama ditto eh.
“ Hello po Kuya Gwapo, Thank you po. Ang kyut kyut mo din po. “ sabay ngiti sakin “ Ay opo! Taga dyan lang po ako sa malapit. Namamasyal lang po kami ng dog ko. “
“ Ahh, ako nga pala si Kuya Raymond tapos si Ate Charmaine naman yan ang girlfriend ko. “ pagbibiro ko at pakilala ko sa sarili ko saka kay Maine.
BINABASA MO ANG
I saw the signs - on hold -
FanfictionMga mga babaeng naniniwala pa din sa mga SIGNS? Corning pakinggan, pero isa pa din ako sa mga naniniwala na kapag nagawa ng isang lalaki lahat ng mga SIGNS mo siya na yon, eh paano kung naloko ka lang pala niya? Mapapatawad mo ba siya o hindi na?