Chapter 3

2 0 0
                                    

James POV

"Tanya?" Yan lang ang lumabas sa bibig ko.


Gusto kong tumakbo papalaput sa kaniya. Gusto ko magpaliwanag. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Ayoko na siyang mawala ulit sakin.

Unti unti akong naglalakad papalapit sa kaniya ng bigla siyang bumagsak ay agad ako pumunta sa kinaroroonan niya. Tama nga ako nahimatay siya. Pinunasan ko ang luha sa pisnge niya. Umiyak ba siya ng marinig niya ang boses ko?

Dinala ko siya sa kwarto niya at agad tinawagan si Tita Fiona


"Hello? Oh hijo? Napatawag ka? Nagkita na ba kayo? Pasensya kana nakalimutan kong sabihin sa kaniya na dyan kana ren titira." Bungad ni Tita sakin


"Tita, nahimatay po si Tanya dahil narin po siguro sa stress. Kanina po kasi pagpasok ko tulog siya sa sofa kaya naisipan ko pong ipagluto siya ng sinigang. Hanggang sa nakarinig po ako ng lagapak ng pinto" sabi ko kay Tita Fiona.


"Nako hijo, bantayan mo si Tanya. Alam kong nahihirapan siyang tanggapin ngayon ang mga nangyayare pero alam kong balang araw maiintindihan din niya kung bakiy kayo umalis ng walang paalam." Yan na lamang ang narinig ko kay Tita. Sana Tanya maintidihan mo ko


"Sana nga po Tita, sige po Tita magpahinga narin po kayo. Igagawa ko lang po si Tanya ng makakain kung sakaling magising siya mamaya." Pagpapaalam ko kay Tita at nagpaalam naren naman siya kaya tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa


Nandito ako ngayon sa kwarto ni Tanya pinagmamasdan ko ang muka niya. Muka talaga siyang anghel. Lalo na pag tulog, pag gising kasi to parang kakain ng tao sa sama makatingin. Hahaha pero kahit ganto si Tanya. Mahal na mahal ko to.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 2:30 am na kaya pumunta na ko sa kwarto ko na guest room dito sa bahay ni Tanya. Nagpalit lang ako ng sando at boxer at natulog na.


Nagising ako ng may tumama sa mata kong liwanag, umaga na agad parang umiglip lang ako ah. Naisipan ko ng bumaba para makapag handa ng umagahan. Pero bago ako dumiretso sa hagdan. Sumilip muna ako sa kwarto ni Tanya. Ang himbing pa ng tulog niya at saka bumaba na ko.

Naghanda ako ng bacon at pancakes. At habang nagtitimpla ako ng coffee ko, bigla kong naalala na mahilig nga pala si Tanya sa malamig at ayaw na ayaw niyang mainit na coffee ang ihahanda sa kaniya. Kaya napa tawa ako ng maalala ko yon. Nasa harap ako ng ref para kumuha ng tubig na malamig at saka ko inilagay sa basong may coffee mix.

8:30 na pero tulog parin siya? Di na ko nagatubili at pumunta na ko sa kwarto niya para gising siya.

Pagpasok ko ng kwarto niya ay agad akong umupo sa kama niya. Iniisip ko gigisingin ang isang anghel na tulog mantika hahahaha alam ko na!
Hinalikan ko ang noo niya, wala pareng response. Hinalikan ko ang ilong niya, wala paren. Nung halkan ko ang pisnge niya, bigla siyang napa ungol kaya alam kong gising ma siya.


"Goodmorning my princess!" Masigla kong sigaw sa kanya habang sinusuklay ko ng kamay ang buhok niya


"Ja-james?" Nanlalaki ang mata niya na halata mong nagulat siya


"Yes, your highness" sabi ko at nagsmirk sa kaniya


"Why are you here? And what are you doing here in my house?" Naguguluhang tanong niya.


"Ayaw mo bang nandito na ko? Tutuparin ko na ang pangako ko sayo. I know puppy love lang yung dati nating relasyon, kaya heto ako ngayon pang seryosohan na to!" Sabi ko at saka hinalikan ulit ang noo niya.


Halata ko sa muka ni Tanya na naguguluhan siya, isa pa may luhang gustong bumagsak. Tears of joy ba to? Hahaha


"Baba na tayo? Nagluto na ko ng breakfast." Sabi at saka siya inalalayan pababa at papuntang kusina

nabalot kmi ng katahimikang dalwa habang nakain. iniintay ko siyang umimik. pero mukang wala siyang balak umimik kaya kinausap ko nasiya


"Kamusta ka Tanya? Oonga pala sa PUP na ko papasok. nag-enroll na ko nung isang linggo. at dito na rin muna ako tutuloy sa bahay mo:" nakangiting sabi ko. 

"Kelan kapa dumating? bakit wala kang pasabi?" sabi naman niya.


"kain muna tayo. pagkatapos natin kumain may pupuntahan tayo kaya maligo ka ambaho mo na e hahahaha" sabi ko at natatawa naman siya


"Na-Miss kita James" sabi niya at ngumiti na lamang ako. 


Mamaya natin pagusapan Tanya. magpapaliwanag ako kung ko nagawa ang pagiwan sayo. 

basta sa ngayon, tutuparin ko muna ang mga pangako ko sayo.


Pagkatapos namin kumain ni Tanya ay tumaas na agad siya at ako naman ay nagligpit ng pinagkainan namin.

At pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan namin ay pumunta ko sa kwarto ko. 

Iniisip ko kung ano at paano ako magpapaliwanag sa kaniya. Sana maintindihan niya lahat.

at pumasok na ko sa banyo para maligo at makapaghanda naren.


---------

Hi Readers! Lagi akong THANKFUL sainyo! Thank you sa pagbabasa nitong story ko! grabe! happy happy ako. hihihi, More readers to come! kamsahamnida! #WTYtames <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting for you (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon