uno.

4 0 0
                                    

Alam mo yung una
Ikaw yun
Eh yung huli
Ikaw din yun

Ikaw ang una kong minahal
Tatlong taon ang itinagal
Kahit di mo pinapansin
Ikaw lang ang mamahalin

Ikaw din yung huli alam mo ba
Umaasa akong ikaw sana
Ikaw at ikaw parin
ng puso'y gustong mahalin

Ngunit napakalabong mangyari
Na ako at ikaw sa huli
Dahil ang gusto mo'y iba
Sating dalwa sino bang tanga ?

Ako na nagmamahal sayo?
Oh, ikaw na hindi makita ang halaga ko!
Ang sakit isipin na ako ang iyong kasama
Pero iba parin ang hanap ng iyong mga mata

Pero mahal tandaan mo sana
Na ikaw lang at wala ng iba
Mamahalin kita hanggang dulo
Dahil ikaw ang una at huli sa puso ko.

-kathmcqueen_

Dear PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon