Chapter 40

3.2K 71 24
                                    

Bea's POV
Eto na, eto na yung araw na noon ko pa hinihintay. Hindi man ako sigurado kung gusto na niya akong pakasalan, handa naman akong maghintay. Gagawin ko lahat mapa 'Yes' ko lang siya, handa akong mag sakripisyo para sa Jhoana ko, kahit ang buhay ko pa ang kapalit.

Andito na kami ngayon sa dagat, hinihintay na lang namin yung mga sasakyan naming banana boat at lahat na pwede mong sakyan dito.

Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na yung banana boat, sumakay kaming tatlo ni Gi, Jho, and ako.

Wahhh!...sigaw namin ng mag start na hilain yung banana boat, naiwan na ata kaluluwa namin
Wahh! Smile kayo!..sabi ng baby ko at pinaandar yung go pro at tinutok saming tatlo
Wahhh!..siaw lang kami ng sigaw hanggang sa matapos na at sila mom naman

Kahapon halos walang tao dito, pero ngayon medyo dumami na yung mga pumupunta kaya mas naging maganda tignan yung buong view lalo na pag lumalangoy ang mga tao. By the way di ko pala nasabi kung ano yung pangalan ng beach na 'to, Punta Bulata yung name.

Island hopping, scuba diving, banana boat at iba pa, yan ang mga ginawa namin ngayong umaga.

Bumalik kaming lahat sa room namin at nagbihis na, nagpahinga lang sandali at kumain ng lunch.

Nakakapagod pero mawawala din naman 'tong pagod ko mamayang gabi.😊

Kumain na kami ng lunch at pahinga ulit bago gumala sa labas. Kapag pumunta ka sa pinakadulo ng resort makikita mo yung daan papuntang lighthouse, iniiwasan nga naming gumala malapit dun kasi nga daw may hinanda sila para sa aming dalawa at ako lang ang nakakaalam, kawawa naman ang Jhoana ko😂
.
.
Eto na talaga, anytime pwedeng magyaya si Jho na pumunta kami dun sa lighthouse. Kinakabahan ako, kanina pa ako tanong ng tanong kila Mom kung itutuloy ko na ba talaga, baka kasi ma reject ako?😂

Pero seryoso kanina pa parang gusto kumawala ng puso ko, parang anytime lalabas na siya sa sobrang bilis ng pagtibok💓

By, diba pupunta tayo sa lighthouse ngayong gabi?..tanong niya at nag pout, eto na po

Lalong tumibok ng mabilis yung puso ko ng tanungin na niya ako, di ko alam kung paano ako magsasalita sa harap niya, hindi ako marunong gumawa ng rason para hindi niya ako mahalata na may tinatago😭😂

Ah oo naman, wait lang sabihan ko lang sila mom...sabi ko at tumayo na at tumango naman siya kaya binilisan ko ang paglakad papunta kila mom

Nasa dining table pa sila mom, kakatapos lang din namin mag dinner. Kumuha muna ako ng tubig at ininom yun ng deretso at di nagsalita.

Beatriz, hinay hinay lang please baka mabulunan ka niyan..sabi ni mom at sakto lang na naubos ko yung tubig
Mom! Jho is asking me kung pupunta na daw kami dun..pabulong kong sabi sa kanilang lahat at automatic naman na tumayo sila
Tara na, excited na kami..sabi nila habang naglalakad na papunta kay Jho

Naglakad na kami palabas at ako panay tingin sa bulsa ko kung andun pa yung box, kasya din sa bulsa eh😂

Feeling ko ang init init pero ang lamig naman ng hangin dito, baka nga yung buong mukha ko namumula na sa kaba.

By, namumula ka. May sakit ka ba?..tanong ni jho sabay check ng leeg at noo ko, di naman ako nagsalita at napalunok na lang at kumalma
Wala naman ah..sabi ni Jho at pinaharap ako sa kanya
May problema ka ba? Kanina ka pa lutang eh..sabi niya at hinawakan ang pisngi ko, pero bago ako makapagsalita sumigaw sila
Mauna na kami, tuloy niyo lang yan!..sigaw nilang lahat at kinindatan ako ni dad, halos patakbo silang naglakad sa kahoy na dadaanan namin papunta sa actual na lighthouse
Wala naman by, siguro sun burn lang..rason ko naman at nagpatuloy na kaming maglakad pero pinahinto ko muna siya sa paglalakad at kinuha yung bandana ko sa bulsa para maging blinfold niya

Paano?😭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon