Jho's POV
So, Ma eto na nga...sabi ko, kasi naman may sasabihin ako di ako pinapatapos
Oh ano nga?..natatawang sabi ni JajaAndito na kami ngayon sa Campuestuhan, lahat kami andito na at buti na lang may mga extrang room pa dito katulad sa nakuha kong room.
Diba one week lang kami dito, sa last day namin may lighthouse kaming pupuntahan ni Bea. May plano lang ako, tatanungin ko lang siya kung handa na ba siya para sa ano....sabi ko at sana naintindihan nila
Ayun naman pala, suportahan na lang kita ate...sabi ni jaja sabay yakap sakin
Salamat naman at naging mabait ka na ngayon...sabi ko at nabatukan nanaman ako
Minsan na nga lang ako maging mabait sayo inaano mo pa ako...sabi niya
Salamat na lang sa suporta mo ja...sabi ko naman habang tumatawa
Oh tama na yan....sabi ni mama at kinindatan ako, meaning nun go lang
Ma balik muna ako sa room namin ha...sabi ko at umalis naNaglakad na ako pabalik at nakita ko ang mister ko, kuya loel at tito elmer na may bitbit na mga inumin, maglalasingan nanaman mamaya.
Mag gagabi na rin kaya gala gala lang muna, mamaya na yung swimming.
Nakapag picture na rin kami kanina sa mga tanawin dito, bukas daw namin ita-try yung zipline, obstacle course at iba pa.
Sinalubong ko silang tatlo at tinulungan sa pagdala ng mga inumin.
Dami ha...sabi ko at pinatong sa maliit na lamesa namin dito sa labas ng room nila mama, tita det and tito elmer
Lalasingin ko yang mister mo...sabi naman ni kuya loel kaya tumawa naman kami ni tito
Kaya ko naman...sabi ni bea at inakbayan ako
Anong kaya mo? At sino may sabi sayo na iinom ka?!..pangaasar ko
Minsan lang eh...sagot naman niya sabay kamot ng batok niya
Ayaw. Sasamahan mo ako mag swimming mister ko..sabi ko at hinila siya papunta sa room namin
Mamaya na tayo mag swimming misis ko, inom muna tayo please?..paawa niya pero titiisin ko na muna
Ayaw...sabi ko at kinuha sa bag niya yung swim wear niya
Bihis na, dali!..sabi ko at binigay sakanya yung two piece niya
Please?..paawa niya pa
Okay, swimming muna tayo hanggang kailan ko gusto tapos pagbalik natin iinom tayo..sabi ko na medyo bossy, baka kasi anong magawa ni bea sakin pag nalasing masyado😂
Yey! Thank you misis ko..sabi niya at hinubad sa harap ko ang mga saplot niya at nagpalit ng pang swimmingLumabas na kami ng room at syempre nagdala si Bea ng dalawang pang swimming na short, baka daw kasi magsitilian ang mga babae at lalaki pag nandun na kami sa swimming pool. Mahangin masyado😂
Sinuot namin yun bago lumangoy, lamig pala ng tubig dito.
Umupo lang muna kami sa parang hagdan na maliit sa gilid ng pool after namin sumisid ng isang beses.
Ka hot sa iya bes!
Gwapo pa gid bes!
Shhh hipos kamo basi mabatian ya ta.Ilan yan sa mga bulungan ng mga babaeng nagsitinginan kay Bea ng makaupo kami. Napairap naman ako, timing pa nga eh nakaharap yung isa sa kanila tapos nakatingin sakin. Hindi ko man naiintindihan yung mga sinabi nila pero alam kong nakatingin sila kay Bea KO, nakakalimutan nila siguro na swimming pool 'to at hindi dagat, maraming isda eh.
Yung isa kung bumulong rinig na rinig ko pa tapos itong si Bea tingin din ng tingin sa mga babae dun kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.
Huy! Kung makatingin ka dun, dukutin ko kaya mga mata mo?!..inis na sabi ko pagharap niya
Ha?..sagot niya
Ha ha ka diyan, tara na nga lang...sabi ko sabay tayo at hinila siya
Di pa nga tayo nakakalangoy masyado eh...sabi niya
Oh sige go! Langoy ka dun sabay mo na rin yung mga isda na nagbubulungan at pinagpapantasyahan ka!..naiinis na sabi ko at siya naman cool lang na umakbay sakin
Selos ba ang misis ko?..sabi niya pa
Selos mo mukha mo!..sabi ko at mas naunang naglakad papunta kila tito at lahat sila nakaupo na at nagiinoman