Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pakiramdam kong may humahawi sa buhok ko.
"Sino ka!? Nasan ako?"
Tinitigan ko ang lalaking nasa gilid ko di manlang ito sumagot sa mga tanong ko pipi ba 'to? Parang pamilyar sya sakin ah.
"Teka lang ikw 'yong lalaking humarang sakin diba? Nasan yong mga kaibigan ko?"
"Wag kang mag-alala di mo na sila kailangan pang intindihin pa..mahal ko". Ngising wika pa nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Makikita mo mamaya". Saka tuluyan na itong lumabas sa silid. Kinakabahan ako sa mga sinasabi nya. Nilibot nang aking paningin ang buong silid na kinaroroonan ko pamilyar ito sakin ito yong silid na nasa panaginip ko parehong-pareho kung ganon maaaring mangyari sa mga kasama ko ang nasa panaginip ko.. hindi ito pwedi kailangan ko silang tulungan bago pa mahuli ang lahat.
Walang pag-aalinlangang lumabas ako sa silid ngunit gayon na lamang ang pagtataka ko walang katao-tao sa labas I mean kahit ano manlang nilalang. Hanggang sa may narinig akong ingay sa na nagmumula sa isang kwarto sa tingin ko nasa loob ang mga kasamahan ko kaya agaran ko itong pinasok di naman kase nakakandado, ngunit kakaiba ang aking nadatnan.
Si kuya Liam ang nasa loob, naghihingalo wasak ang kanyang tiyan kitang kita ang kanyang mga lamang loob enouod na ito at umaalingasaw na ang kanyang amoy, kaya naman agad din akong lumabas sa silid na iyon.. ano mang oras ay maaari na syang lagutan ng hininga kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kanyang paghihirap. Naaawa ako sa kanya. Nasaan na kaya sina Edward sana di pa huli ang lahat.
Kailangan kong makausap ang lalaking nagdala samin dito dahil sa di ko makita ang mga kasamahan ko bumalik na lamang ako sa silid na pinanggalingan ko.
"Saan ka galing?". Napalundag ako sa biglaang tanong nya. Sh*t nandito pala sya.
"Ah ano.. hinanap ko lang ang mga kaibigan ko, pakiusap wag nyo silang saktan kung may balak man kayo"
"Pano mo namang nasabing may balak kaming saktan sila mahal ko"
"Dahil alam kong kayo ang may kagagawan sa nangyari kay kuya Liam doon sa kabilang silid! Huhuhu mga wala kayong awa!". Di ko na napigilan pa ang mapaluha dahil sa sinapit ni kuya Liam.
"Ano ba ang kailangan nyo samin? Sa pagkakaalam ko wala naman kaming atraso sa inyo". Muling wika ko sa kanya.
"Wala nga silang atraso sakin maliban sa lalaking nagngangalang Edward ata yon". Ngising wika pa nito.
Bigla akong kinabahan dahil sa narinig ko pangalan ng taong mahal ko iyon. Natatakot ako sa pweding mangyari sa kanya.
"Ba--bakit naman si Edward? Eh wala naman syang kasalanan sayo ah"
"Meron dahil sa may gusto sya sayo". Seryosong wika pa nito habang nakaupo sa mesa.
"Ano naman paki mo don nagmamahalan kami"
"Kaya nga eh kailangan nyang mawala dahil akin kalang!". Galit na tugon pa nito.
"Ano!? Bakit Sino ka ba hah? Wag mong sabihin ikw ang sinasabi ni Lola Belen na Prensipe Jeron, pero infairness gwapo ka sa tingin ko engkanto ka halos perpekto kase ang beauty mo pero kuya sorry ka! ngayon palang binabusted na kita". Mahabang lintanya ko sa kanya parang nakikipagbiroan lang ako dito eh.
"Hindi ako nakikipagbiroan sayo mahal ko". Seryosong wika pa nito habang papalapit sakin. Damn! Nakakatakot yong mata nya parang mangangain nang tao.
"Bakit sa tingin mo ba nakikipagbiroan lang din ako sayo hah!?". Then I rolled my eyes. Oh diba may gana pa akong magtaray kahit parang naiihi na ako sa subrang kaba dito, napapaatras na lamang ako dahil ayoko talagang makalapit sya sakin aba malay natin magtransform sya into a vampire edi magkakaroon pa kami ng mating session nang di sa oras. Charrr! Ngayon palang gusto ko nang maging invisible pa.
"Ah-ah pw--pwedi bang wag kang lumapit". Nauutal-utal ko pang wika sa kanya.
"Hahaha bakit natatakot kaba?". Tugon naman nito.
The heck! Di talaga sya titigil oh. Napapikit nalang ako at nagdasal .. Lord tulungan nyo ako gusto ko pa pong magkaanak nang isang dosena kay Paul Salas at bente naman po kay Edward huhuhu pramit mo magiging good mother po ako.. tulungan nyo lang po ako sa gwapong Engkantong admirer ko huhuhu.
"Tsk! Di kita kayang saktan kaya wag kang abnormal". Saka hinila pa ako papunta sa kanya dahil don chansing sya napayakap ako sa kanya. Hokage din oh..
"Abat tinawag mo pa talaga akong abnormal hah! Sino ba naman satin dito ang---". Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa ginawaran nya ako ng halik. Amfuttt! Manyakis to ah.
"Ano ba! Manyakis kaba!"
"Mayumi mahal kita". Bulong pa nya sakin, bigla namang bumilis ang tibok nang puso ko hindi ko alam kong bakit.
"Sorry talaga pero hindi ikaw yong mahal ko". Napayuko na lamang ako dahil sa sagot ko at dumestansya sa kanya nang kunti you know Awkward.
"Ok lang 'balang araw matototonan mo din akong mahalin, nga pala kung gusto mong makaalis ang mga kaibigan mo sa lugar namin may isang solusyon dyan". Saka ngumiti ito--- ngiting malademonyo.
"A--anong solusyon ang sinasabi mo?"
"Ang maiwan ka dito at makasama ko Habang buhay hahaha!! Hahaha!!". Saka ito tumawa na parang si Lucifer lamang ang peg! saka naman sya biglang naglaho.
_______
YOU ARE READING
Misteryo : TRESE
Mystery / ThrillerDumidilim na ang kalangitan ngunit wala parin kaming makitang mas ligtas na pweding mapaglipasan ng gabe. Mas delikado kase dito lalo na't puro puno lang ang nandidito. "M-may naririnig ba kayo guys". Nanginginig pang wika ni abby. "Wala naman ah...