Chapter2- THE DEAL

24 2 0
                                    

Melanie's POV

"Okay ganto yun ,magpapanggap kang girlfriend ko sa loob ng limang buwan, take note Five. months. only.? " saad ni andrie at pinag diinan pa ang salita 'five months.

"Kailangan may rule tayo ha?" nakangising sabi ko.

"Of course!"

" 6 rules lang ha, tig three lang tayo,ok gawa ka na" saad ko at naglabas ng papel, pumunit ako ng isa at ibinigay sa kanya.

Nagsimula na akong magsulat pero sya naka tanga parin.

"Hoy! Bakit di ka pa nag sisimula, matatapos na ako pero ikaw wala parin" kunot noong saad ko.

"Sige nga, kaya mo bang mag sulat ng walang ballpen, kita mo naman siguro na wala akong dalang bag, nasa room naiwan ko.  " nakangising sabi nya.

"Hehehe, sori na kala ko naman may pang sulat ka (insert peace sign)" napahiyang sabi ko.

"Tse!!"

Binigyan ko sya nang ballpen tutal dalwa naman ang ballpen ko sa bag.

After 5 minutes

"Ako muna ha? " sabi ko kay andrie, tumango lang sya.

" RULE NO.1- no holding hands, no hugging, and no kissing. Ikaw naman, palitan lang tayo? " sabi ko.

"But except sa cheeks and forehead, okay" kontra nya.

"Okay" labas ilong nasabi ko

" RULE NO. 2 - Susunduin kita palagi sa bahay nyo at ihahatid pauwi, para naman hindi nila  mahalata na fake lang lahat to" basa nya.

"RULE NO. 3 - Lagi tayong sabay kumain pag lunchtime at break time okay? " ako.

RULE NO. 4 - Bawal muna maki pag relasyon sa iba kung hindi pa tapos ang deal" -andrie

"Okey! RULE NO.5 - Pwede namang tayo mag date kung gusto lang ha? " -ako,, ang desperada ko naman ata masyado sa sinabi ko ahh. Napatawa syang bahagya.

"And last but not the least RULE NO. 6 - You can't fall inlove with me, understand? " wika ni andrie habang seryusong nakatingin sakin.

"Understand" di ko alam pero nalungkot ako sa panghuli nya rule parang gusto kong baguhin.

" what if may lumabag ng rule natin? " tanong ko.

"Ede mapapadali ang pag tapos ng deal natin. "

Pagkatapos magbigayan ng rule namin ay pumunta na kami sa aming klase.

--------

Natapos ang agad ang aming klase kaya lumabas na agad ako ng room, saktong paglabas ko ay nakasalubong ko ang aking pinakamagaling na ex at may kasamang girl.

Ako                   ivan     girl
(~。~) ----------- (←_←) (^o^)

Nagtinginan lang kami hanggang sa may matunaw, choss!! (peace sign).

Nagulat ako nang may biglang umakbay sakin na di ko kilala. Na-curious ako kaya tiningnan ko ito at nakita ko si andrie na nakangisi habang nakatingin kay ivan.

Napansin ko naman na nagulat si ivan at ang kasama nyang hipon, di naman sa mapang husga pero di naman talaga kagandahan itong girl na kasama ni ivan pero maganda ang kanyang katawan at malaki ang kanyang hinaharap.

"Ohh!, ang bilis mo naman na makamove-on kabi-break lang natin kanina,may kapalit na agad ako" sarkastiko na sabi nya

"Hindi ko na kailangan mag move-on dahil di naman ako nasaktan" nakangising sabi ko, kahit alam kong nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.

" Bakit? Ano yung narinig ko kanina na nasak~~~"di na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang mag salita si andrie.

"Let's go, GIRLFRIEND" sabi nya bago nya ako higitin,pinagdiinan pa nya ang salitang girlfriend kaya ayon nganga sila.

Nang tumigil na sya ng pag hila ay mabilis ko sya hinarap.

"Andrie, thank you! " nakayukong sabi ko.

"For what? "taas kilay na sabi nya.

"For saving me to my ex, alam ko naman na nasasaktan na ako sa mga sinasabi nya pero hindi parin ako  umiwas, kaya thank you" this time niyakap ko na sya kahit di pa kami masyadong close, kaya ramdam ko na nagulat sya sa ginawa ko.

---------------

Nakarating na kami sa bahay, i mean ako lang pala! Hinatid lang nya ako at umuwi na agad. Sinubukan ko syang akitin ng dinner pero sabi nya next time nalang.

Katatapos ko lang kumain at mag half bath, matutulog na sana ako pero naisipan kong mag online  kaya nag fb muna ako.

Gusto kong syang i-stalk kaya nag type ako ng pangalan nya at pumunta sa wall nya.

Tiningnan ko yung mga post nya. Di sya masyadong nag po-post pero maraming nag ta-tag sa kanya.

Andrie Reo Anderson pala ha?






The Deal with a BADBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon