Surreal-Fictionzoned

27 0 0
                                    


"Hello, Rae? Ano ready ka na para mamaya?" excited na tanong ko sa aking pinakamatalik na kaibigan simula pa lang noong nagdadiaper pa ako, si Raella.

"Oo Dee! Yay excited na ako. Akalain mo yun magcacamping tayo ng tayong dalawa lang. Astig!" sagot nya naman na halata ngang excited din tulad ko.

"Makaastig ka e sa bakuran lang naman namin tayo magcacamping hahaha!". Si mama kasi may business meeting sa Cebu at three days syang wala kaya ako at si nanay Eming lang ang nasa bahay. Susulitin ko lang ang araw.

"Kahit na no. Di pa kaya natin natatry yan."

"Nga din naman. O ano sunduin naba kita?"

"Ang arte mong maka sundo sundo e sampung kembot ko lang nasa gate nyo na ako." natatawang sagot ni Rae. Magkapitbahay lang kasi kami. Madalas nga kaming nagssleepover sa bahay ng isa't isa. Kung saan namin maisipan go lang.

"Joke lang no. Ipprepare ko lang yung tent na gagamitin. Oy ikaw wag mong kalimutan magdala ng pagkain a! Damihan mo!" paalala ko sa kanya. Maraming chichirya sa kanila e samantalang sa amin halos gulay lahat. Si mama gora sa healthy living tapos ako, wag na natin pag-usapan.

"Oo na takaw mo talaga. Ano dalhin ko din ba yung bagong bili kong books? Tatlo lang nabili ko."

Pagkarinig ko sa books ay parang bigla nalang nagningning ang mga mata ko. Para ring pumapalakpak ang tenga ko sa galak. Yay!

"Dalhin mo lahat Rae please!" hyper kong pakiusap. Bukod sa pagkain ay isa rin ang libro sa parehong gusto namin ni Rae. Ang kaibahan nga lang namin, sya madaling makamove-on sa characters samantalang ako susmaryosep parami ng parami nagiging asawa ko dahil tumatambay sila sa puso ko.

"Okay Kokey hahaha sige na magpprepare na rin ako tapos lalarga na ako dyan."

"Sige bilisan mo at tutulong tayo kay nay Eming mag-ihaw ng pusit."

"Grabe ka Dee. Pang ilang beses mo ng nabasa yang librong yan bat dinala mo parin dito?"

"Parang di ka pa nasanay a. Alam mo nandito si Vincent diba? Ang aking-- "

"soon to be husband at ang superstar ng buhay ko. Linya mo gasgas na." dugtong nya sa sasabihin ko.

Eh kasi naman e grabe talaga ang feels na dala nya e! Nakakapanghina, nakakahulog, nakakabaliw. Lagi ko ngang tinatabi sa bedside table tong book. Hay naman talaga Vincent. Sya yung bida sa favorite book ko. Isa syang singer na sobrang tinitilian ng milyon milyong fans nya at tinitingala sa kanyang kasikatan pero sa kabila ng lahat ng ito ay hindi sya masaya dahil hindi naman sya mahal ng babaeng mahal nya. Kung ako nalang sana e! Naku pati scalp ko ibibigay ko sa kanya ng buo.

"Hala nabaliw na. Ngiti ngiti ka dyan ha? Ngarap ka na naman? Nakoww, tatanda ka nang dalaga, di parin magiging totoo yang panaginip mo dyan."

Minsan talaga gusto ko lang maiyak sa sobrang supportive nitong bestfriend ko. Kung pwede nga lang sipain to palabas sa tent kanina pa to sa damuhan kasama ang mga langgam.

"Bakit ba kasi di mo nalang ako suportahan no? Grabe ka talaga sakin." madrama kong arte.

"Ewwww ambaho! Langya ka Rae dito ka pa talaga umutot sa loob ng tent. Jusko masusuffocate ata ako!" reklamo ko habang nakatakip ang kamay sa ilong. Dali dali akong tumayo tsaka binuksan ang tent para makalabas. Hay salamat fresh air.

Aba ang langya tumatawa pa sa loob. Sumunod naman sya sa akin palabas ng mahimasmasan na sya sa kakatawa.

"Sige subukan mong lumapit sakin at sisipain talaga kita sa pwet."

"Arte mo oy hahaha wala na kaya. Napasarap ang kain ko sa pusit e. Umeepekto na."

"Ako pa sinabihan mo ng matakaw kanina a. O ano ka ngayon? Ew maganda nga pamatay naman ang utot." napahalakhak nalang ako sa sinabi ko sa kanya.

The Man in the BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon