Flashback....
2002.
“blah..ba-blah ba-blah… babablah..bablah” lang ang naririnig ni fennie sa mga pinagsasabi ni sir Martinez. Hindi niya kasi magawang magconcentrate sa klase. Nagi-guilty pa rin siya hanggang ngayon. Kasalanan niya kasi kung bakit absent ngayong araw si theo. Sa pagkakatanda niya eh okay na si theo pero puno pa rin ng pantal ang katawan niya. Siguro hindi nalang ito pinayagang pumasok ng mommy niya.
“Fennie, sagutin mo nga yun equation sa board.” nagulat siya sa biglang pagtawag sa kanya para magrecite. Buti nalang naituro na sa kanya ni theo kung pano gawin iyon… at ayun nasagutan niya ng tama. Hangang-hanga naman si sir Martinez sa kanya. Ngayon lang niya narealize na malaki talaga ang tulong sa kanya ni theo at kailangan niya makabawi dito. Ano kayang pwede kong gawin? Sabi ng isip niya.
“Okay class, since wala ng time para magquiz tayo. Gagawin ko nalang itong take home quiz baka sakaling may maka-perfect pa.” sabi ni sir. Umikot ito sa room at nagpamigay ng copies. “sino sino ba ang mga absent?”
Sabay-sabay sumagot ung mga girls. “sir, si theo po”
“ahh, ganun ba” tapos huminto ito sa tapat ko at nagabot uli ng copy. “fennie paki bigay naman ito okay theo since magkikita naman kayo after school” pagsabi niya ay sabay naghiyawan ang buong klase.
“aaaayieeee!!!” hiyaw nila at nagkalabog pa ng mga desk. Si fennie naman ay namumula dahil sa pangaasar ng mga classmates niya.
“okay class, tama na yan. Dismisss na kayo” sabi ni sir na dahilan para lalong umingay ung klase, mga excited kasing umuwi.
Palabas na sana siya pigilan siya at dinumog ng mga classmates niyang babae. “fennie, kamusta na si theo? Balita kasi namin sinugod siya sa hospital” sabi ng mga ito sa kanya. May tenga talaga ang lupa at may pakpak naman ang balita. Pati yung ang bilis kumalat.
“okay na naman siya.” Sagot niya at aalis na sana pero pinigilan siya uli ng mga ito “ teka lang, pwede bang ibibigay mo ito sa kanya” sabay abot ng box of chocolates. “ito rin” may isa pang nagabot fruits naman “eto pa” Tupperware naman ng pagkain. “pakibigay na rin ito” “wag mong kalimutan yung akin” “pakisabi get well soon” yun nalang ang mga naririnig niya, sabay sabay kasi silang nagaabot ng kung ano-ano sa kanya. Di na nga niya matatandaan kung kanino galing ang mga iyon.
Grabe naman ang mga ito. Ano ako messenger at delivery man ni theo! Papahirapan niyo pa akong magbitbit. Sa isip nalang siya nagreklamo.
Sa totoo lang wala naman siya balak pumunta sa bahay nila eh, kaso si sir at ung mga kaklase niyang girls mga pasaway. Pero naisip niya rin na gusto niyang bumawi kay theo kaya sige, bibisitahin nalang niya ito at para maibigay ung mga assignments at regalo ng mga fans niya. Ayaw lang niyang aminin sa sarili niya na gusto niyang makita ito at nagaalala pa rin siya kay theo.
Pagkalabas ng classroom ay dumiretso siya agad sa field para kausapin si Darren. Pagdating niya doon ay nakita niya ito sa bleachers. Ayun may kausap na dalawang sophomores na babae. Di na sana siya lalapit kasi baka makaistorbo lang siya pero ng mahagip ng mga mata niya ung isa sa mga babaeng kausap nito nagbago agad ung isip niya. Kagyat siyang lumapit sa kanila kasi natatakot siyang baka pormahan ni Darren ung kapatid niya. Naku lagot na kung sakaling mangyari yon.
“Jessie!” sigaw niya na parang overprotective na nanay. Nagulat naman ung tatlo kay fennie. Napahinto sila sa paguusap. “Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa inaantay ni mang Tonyo” sabi niya sa kapatid. Si mang tonyo ung driver nila. Tapos hinawakan niya ung kapatid niya palayo kay Darren, paalis ng field. Sobrang paranoid siya para sa kapatid kasi naman ung kilala ung barkada nila theo na players.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceHaving a former ambassadress to "empowering women" and the most Influential Woman in the country as your Grandmother, as well as having the college dean as your father was enough reasons for Fennie Gonzales to fly under the radar. She couldn't care...