Chapter One
First Impression
Their love story started after a wedding and then it ended before their wedding.
But then fate gave them another chance…
*******
Summer, 2002
“Jennifer, stop pulling your skirt.” Sabi ng mama ni Fennie sa kanya habang nag-aantay sa pagstart ng Ceremony. Kanina pa kasi siya naiilang sa suot niyang dress dahil sa tingin niya napaka-iksi nung suot niya kahit pa hanggang tuhod lang yung dress. It’s a red strapless Dress na medyo pa balloon ang skirt
Hmmmp! Bakit pa kasi kelangan ganito ang style nito,nasa isip niya. Ngayong araw kasi ang kasal ng pinsan niyang si Margaret at isa siya sa napiling Bridesmaid. Halos sa kanila lumaki si Margaret dahil laging nasa abroad ang parents niya at lagi siyang inaalagan ni Margaret kaya naman di na siya nagdalawang isip na maging bridesmaid. Kaso kasi di talaga niya trip ang magsuot ng skirt or dress. Simpleng T-shirt, jeans at Jack Purcell lang hilig niyang suotin.
“Sis wag ka ngang magpaka-manang diyan. Minsan ka lang magsuot ng ganyan kaya sulitin mo na” sabi ng little sister niyang si Jessie.
Two years lang ang pagitan nila pero kung pagkukumparahin akala mo si Jessie ang mas matanda. Kasi kahit na sixteen years old na si Fennie ay childish pa rin ito at di man lang marunong mag-ayos ng sarili. Di tulad ng kapatid niya na sanay ng mag make-up at laging updated sa latest fashion.
Di pa rin tumigil si Fennie sa kaka-adjust ng dress niya. Hini-hila pa rin ung dress niya, umaasang mase-stretch ito sabayan pa ng paghila paiitaas dahil strapless din ito.
“Kahit anong gawin mo diyan di na yan hahaba. Tsaka bagay naman sayo yang suot mo kaya keri mo yan” sinabi nalang ni jessie yon para tumigil na siya sa pagaadjust.
“Kasi naman sino ba ang nagpili nito? Tsk..kung alam ko lang sumama nalang sana ako.”sabi niya sabay tingin ng masama sa kapatid. Kasalanan din kasi niya.
Kung sumama lang siya sa gown fitting eh di sana nakapili siya ng susuotin. Bakit pa kasi niya hinayaang ung kapatid niya ang mamili ng dress para sa kanya. Ide-depensa pa sana ni Jessie ang sarili ngunit pinigilan na sila ng mama nila.
“Hayaan mo na nga yang ate mo wala nang pag-asa yan. Halina, pumwesto na kayo at magsa-start na ang Wedding March.” Sabi ng mama niya. No choice na siya kaya tumayo na siya para pumunta sa position ng mga bridesmaids.
“Fennie, do not slouch!” pahabol sa kanya ng mama niya. Sinunod nalang niya at tinama ang posture niya. Buti na nga lang pwedeng naka flats dahil kung naka-heels pa eh talagang torture na yun sa kanya.
Wala kasi siyang hilig sa pakikipag socialize kaya di niya kailangan na palaging nakaayos. Di tulad ng mommy at ng kapatid niya na mahilig magshopping at magpaganda. Siya nasa bahay lang at nagda-drawing or nagpa-paint. She’s an artist.
But aside from art meron pang siyang isang hilig, Weddings.
Who doesn’t love weddings? Maybe most of you but for Fennie, she really enjoys attending weddings, well except yung pagsusuot ng dress. Ever since bata palang siya madalas na siyang kinukuha, mula sa pagiging flower girl hanggang ngayon Bridesmaid naman. Siguro dahil na rin sa business ng mama, na catering service kaya na-expose siya sa ganito. Di man halata sa kanya eh, talagang hopeless romantic itong si Fennie.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomansHaving a former ambassadress to "empowering women" and the most Influential Woman in the country as your Grandmother, as well as having the college dean as your father was enough reasons for Fennie Gonzales to fly under the radar. She couldn't care...