"Ako o wattpad mo?"Boy: Ate may problema po ako. Patulong naman po. Yung girlfriend ko po kasi wala nang time sa akin. Puro wattpad nalang siya. Lagi niya ako kinukumpara sa mga fictional characters na nababasa niya. Masakit po para sakin ate. Sabihan ba naman ako ng 'Mas mahal ko ang wattpad kesa sayo!'. Dahil sa sinabi niya pinapili ko siya kung ako o yung wattpad niya. Pinili niya yung wattpad niya kesa sakin. Masakit po sa part ko.
Unknown: Dapat sinabi mo 'Mahal kaba?' HAHA. jk. Diba nga pag mahal mo tanggap mo lahat lahat kung ano siya or kung sino man siya. Dapat tanggap mo yung bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Suportahan mo nalang sana siya. Sana nag open ka sa kanya tungkol sa nararamdaman mo. Hindi yung bigla mo nalang siya papapiliin ng bagay na mas minahal niya ng una bago ka. Pasalamat ka na fictional lang 'yung. Paano pag totoo? Diba mas masakit? Ano ba yung ginawa mo at nasabi niyang mas mahal niya ang wattpad kesa sayo? At paanong pagkukumpara ang ginawa niya?
Boy: Ano kasi ate tanggap ko naman. Oo naman po mas masakit pag totoo. Tinanong po kasi niya ako kung sino yung mahal ko. Sabi ko po kasi na mahal ko yung mobile legends. Kinumpara niya ako na parehas kami nung Elijah kung paano ko daw siya ipaglaban sa magulang niya. Tapos kay supremo medyo parehas daw kami na seloso, possessive at gagawin lahat para sa taong mahal nila.
Unknown: Jusko! Mga lalaki talaga oo eh 'no! Ikaw naman pala nauna boy. Nagselos 'yun for sure. Dapat sinabi mo siya yung mahal mo! Like OMG! Ang sweet ng girlfriend mo! Langya ka! Positive naman lahat ng sinasabi niya sayo. Mahal na mahal ka ng gf mo pero ano ginawa mo? Nasaan utak mo bhe? Nilamon ka na ng mobile legends? Ganern?
Boy: Sorry naman po.
Unknown: Anong sorry sorry?! Doon ka mag sorry sa gf mo! Sapakin kita dyan eh. Dapat kasi wag padalos dalos.
Boy: Opo.
Unknown: Good.
Boy: Salamat po!
Unknown: Welcome.
-----
Natakot ata si kuya. HAHA. Omg. Sorry po.
~GandaBibiiiii♡
BINABASA MO ANG
I'm fine, thank you!
Non-Fiction: How are you? : I'm Fine. • Telling "I'm fine" even when we're not can be a mechanism to suppress unpleasant emotions to hide our issues. Sometimes individuals are likely to conceal their emotions, thoughts, and fears typically as a result of diff...