Hindi ko malaman kung bakit mag kakilala si ate at cj? Well, may bago ba dun eh isa silang sikat na manglalaro? Eh pero bakit nya pinuntahan si ate sa bahay? Bakit? Ughhh. Dami kong tanong sa isip ko pero ni-isa walang nasagot -.-
"Kylie, tara na pasok na tayo?" sabi sakin ni hans tumango nalang ako tyaka ko sinukbit ang bag ko, kanina pa ko walang kibo simula nung umaga kakaisip kay CJ!
"Huy! Naiintindihan mo ba?" Dun na nabalik sa realidad sarili ko. "Huh? Ano?" sagot ko.
"Lutang ka na naman. Sabog ka ba?" Tinaasan ko sya ng kilay napakamot naman sya ng ulo "Joke lang naman bestfriend. Haha" Inirapan ko nalang wala akong gana makipag away sa mokong na to!
"Ano ba kasi iniisip mo?"
"Kung bakit pinuntahan ni CJ c ate?" Halos napahinto si hans sa pag lalakad at wag ka! Nakanganga pa -.-
"Best, nganga! Baka pasukan ng langaw"
"Grabe ah! 1buwan na nakalipas un pa din iniisip mo?" Isang buwan? Isang buwan na din ako wala sa sarili ko?? Grabe!!!! Nababaliw na koooooo.
"Hays. Samahan mo muna ko sa locker ko kukunin ko muna libro ko." Tumango nalang sya.
"Sino nga pala prom.date mo?"
"Wala eh sinong mag babalak? Tss"
"Ako" Di nalang ako kumibo, malapit na pala prom night namin? Parang wala akong gana sino mag sasayaw sakin si hans lang? Hu.
Andito na kami sa locker ko pinahawakan ko sa kanya bag ko pag bukas ko ng locker may nalaglag na papel. Tinignan ko si hans pinulot ung papel.
"Kylie, can you be my prom.date?" sabi ni hans ayan na naman eh -.-
"Hans, di ako nakikipag biruan ayoko nga! Nag aksaya ka pa ng papel!"
"Huh?"
"Ikaw gumawa nito!"
"Hindi ah!"
"Eh sino gagawa nito?!" Nagkibit balikat lang sya hays "Bayaan mo na nga, baka pinagtritripan lang ako tara pasok na tayo"
*ROOM*
Bat ganun? Tuwing may event school lagi nalang may nag susulat sakin sa locker ko pa talaga nilalagay manong i-abot! Wala bang kamay? Hays.
"Goodmorning class"
"Goodmorning mrs.mendoza" ayan na teacher namin puro pa-recite! Nakakainis.
"Okay. Open your book on page 45" kami naman sunod sa pag bukas ung iba tamad na tamad pa "Okay. You need a partner of this story Boy amd Girl" Lahat nag kaingay puro c cj at hans ang gustong partner.
"Quite girls, ako ang pipili kung sino ang mag kakapartner blah blah blah" Di ako nakikinig hanggang sa matawag na pangalan ko "Kylie Shyne Bernardo and Christian Jay Ignacio" Halos pumalakpak sa tuwa tenga ko nung marinig ko un! FOR THE FIRST TIME!!!!!
"So unfair ma'am" napatingin ako kay kapangalan. EPAL MO!!
"That's not unfair ms"
"No ma'am. That's so unfair!"
"Bakit? Dahil sila pinag partner ko? Magagawa ko sila nalang dalawa naiwan?" Hindi na sumagot si kapangalan inirapan nya ko nginitian ko sya mapang asar na ngiti!
"This story about rising and falling pronounsation"
"Act like?" sagot ko.
"Like wife and husband, di to mag sasalita lang kayo kailangan nyo ipadama na mag asawa talaga kayo!"
"Kylie your so lucky"
"Bakit naman?"
"Mararamdaman mo na asawa mo si cj hays" inis na sabi ni monica seatmate ko sya insekyora ng matagal na! Haha.
"That's all I have a meeting goodbye class goodluck kylie *evilsmile*" Nagulat ako sa sinabi ni ma'am nag tinginan lahat ng kaklase ko.
"Bakit?" Wala naman silang sinabi nag si-alis na. Gusto ko mag isip gusto ko mapagisa kaya nag paiwan muna ko sa room.
"Di ka pa uuwi?" sabi ni cj.
"Dipa" nagulat ako ng umupo sya sa tabi ko. bat ganun? di ako kinikilig? iba nararamdaman ko eh. iba!
"Bat naman ayaw mo pa umuwi?" Sabi nya wow hah? sya unang kumakausap sakin? at di sya masungit!
"Iniisip ko kasi bat mo pinuntahan si ate" halos mapatakip ako ng bibig sa sinabi ko pero tumawa lang sya.
"Hahaha. Tatanong kasi k--- Tatanong ko kasi kung pwede syang maging p-prom.date"Halos sumabog ung puso ko nung marinig ko sinabi nya ano pa nga ba aasahan ko sa sasagot nya? pinuntahan nya ko? eh di ba sabi nya gusto nya isang DOTA GIRL pinipilit ko naman eh kaso ayaw talaga sakin baka di talaga para sakin si CJ.
"Huy! B-bakit ka umiiyak?" Di ko namalayan umiiyak na pala ko, diba sabi nila dapat harthart pag kausap mo crush mo bakit ung nararamdaman ko HURT.HURT!
"Ah wala s-sige una na ko"
Tangina mo kasing bibig ka bakit ba napakadaldal mo? Di sana hindi ako nasaktan ngayon? Sana di ko nalang nalaman SANA NAGING AKO NALANG SI ATE! SANA NAGING MAGALING KONG DOTA PLAYER! SANA NAGING MAGANDA DIN AKO! SANA KASING GALING AKO NI ATE SANA KASING GANDA NYA KO SANA KASING TALINO NYA KO! SANA LAHAT NG SANA MAG KATOTOO :( Totoo nga sinasabi ng kanta LOVE HURTS.