My Daughter's Last Letter. (one-shot)

293 6 3
                                    

Ang saya ko dito. Haaaaay, ang tahimik naman dito.

Namimiss ko na sila.. Gusto ko nang bumalik doon.

Kaso, di na pwede e.

Mas masaya dito pero mas gusto ko dun e.

Kahit madaming problema.

Kahit mahiram mamuhay doon.

Gusto talaga dun e.

Pero, kahit gusto ko, wala akong magawa.

Babantayan ko na lang sila from here.

I love you, bye. I miss you. Babantayan ko na lang kayo, papa at mama ha? Hindi kasi na ako makabalik jan e. Ipagpapray ko na kayo kay Papa God ha? Mahal na mahal ko kayo, paalam.

- - - - - -

"Tatay, pwede po bang maghanda ako sa birthday ko?" sabi ko.

Malapit na din kasi ako magbirthday e. Excited na nga ako e. Hihihi.

"Eh. Tsaka na lang. Madami pa namang chance e. Tsaka na, 'nak." tay.

Malungkot man. Try ko pilitin. Minsan na lang kasi ako maghanda e. Natuwa din ako kasi may 'anak' yung sentence ni Tatay.

"Tay, sige na oh. Please?" pagpipilit ko.

"Wag ka nga makulit Ann! Madami pa tayong gastos! Pag sinabi kong tsaka na lang, TSAKA NA LANG!" sigaw ni Tatay.

Napayuko na lang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ewan ko lang, nahihirapan akong huminga. Hay. Gusto ko lang naman mag-handa e. Kahit simpleng salo-salo lang, ayos na sakin. Mahirap ba yung gawin?

Kinabukasan

Proud na proud talaga ako sa Tatay ko. Teacher din kasi sya sa music. Ang galing-galing. Professional na professional ang dating.

Pinapanuod ko syang magturo dun sa part ng Tenor habang nagrurubix ako.

"ANN! ITIGIL MO NGA 'YAN!" nagulat ako sa sigaw sakin ni Tatay.

Napayuko ulet ako sabay tabi nung rubix cube kasi napahiya din ako sa mga choir members.

First time akong sinigawan ni Tatay sa harap ng madaming tao. Oo mali naman ako e. Haaaaay.

*Inhale-exhale*

Ito yung problema ko e. Kahit di man ako mapahiya nahihirapan talaga ako huminga.

*Sa bahay*

"Ann, pakikuha nga nun ah." sabi ni Mama.

Tumayo ako at inabot.

"OH? BAT KA NAGDADABOG DYAN? HA?" sigaw ni nanay.

HUH?! Nagdadabog? Tumayo at inabot ko lang naman ah?

"Hindi naman nanay, e." sabi ko ng mahinahon na may pagkagulat.

Hay. Dito to magsisimula.

"KAILAN KA KAYA MATUTONG MANGANOPO HA? AT SUMASAGOT KA NGAYON? HA? SUMASAGOT KA NA?"

"Hindi naman po nay e." pagdedepensa ko. Oo, hindi ako nanganopo pero yung paraan ng pagsalita ko ay mahinahon e.

Biglang pumasok si Tatay.

"Oh? Anong na naman yan?" tay.

"Yang anak mo inuutusan ko, nagdabog, tinanong ko kung bakit, ang sagot, 'HINDI NAMAN NAY E!'"

HUH?! Bakit ganun? Bat nababaliktad?

Yan problema ko kay Nanay e. Ganyan sya. Pag alam nyang anjan si Tatay lalakasan nya yung pagsesermon sakin hanggat pumasok si Tatay tas tama nga yung sinabi ko pero yung tono nung pagkasabi ang binago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Daughter's Last Letter. (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon