Chapter 1 - First Day
Andrea's POV
"Bespreeeen!"
Napabalikwas ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto ko. Urgh! Ang ingay! Inaantok pa ako! Inis na napatingin ako sa nakasaradong pintuan.
Kumakalabog ang pintuan ko dahil sa lakas ng katok. May taong sumigaw ulit sa labas kaya humiga na lang ulit ako at nagtakip ng unan.
"Andrea! Baka nakakalimutan mong may pasok na tayo ngayon? We're going to be late kung di ka pa gagalaw diyan!" Inis na sigaw ulit ng taong iyon.
Nang hindi ako sumagot pabalik. "Damn! Sisirain ko tong pintuan mo pag di ka pa bumangon diyan!" sigaw niya ulit.
Dali dali akong tumayo't nagtsinelas para buksan ang nakakaawa kong pintuan.
Hinarap ko ng nakasimangot ang taong kumakatok ng pagkalakas lakas sa pintuan ko.
"Ang ingay ingay mo! Babangon naman ako kaya di mo na kailangang sumigaw at kawawain yung pintuan ko!" Nakabusangot kong sigaw kay JM na nakatayo lang at nakakunot ang noo.
Binaling ko ang tingin ko sa pintuan at hinaplos ito. Nakakaawa ka naman.
"Really? Babangon ka ng di nalilate? Kaya mo? I doubt it." Tumawa siya ng pagkalakas lakas pagkatapos sabihin iyon kaya tiningnan ko ulit siya at hinampas ng malakas sa braso. Napangiwi siya at napanguso dahil sa hampas ko.
"Ouch. It hurts bespren." Sabi niya habang nakanguso at nakahawak sa braso. Tinawanan ko lang siya at humiling sa pintuan. Tiningnan ko yung mukha niyang nakanguso.
"Yan. Kulang pa nga yan dahil sa ginawa mo sa pintuan ko." Sabi ko at tumawa ng malakas at matagal. Tumayo ako ng maayos at tumikhim ng tumaas kilay niya.
"Asan pala si mama? Si kuya? Tsaka si manang?" Tanong ko. Tumawa muna siya bago sagutin tanong ko.
"Dami mong tanong. Umalis si Tita Ann at pumunta sa Canada for two weeks para asikasuhin ang business niyo. Si Kuya Andrew mo naman makikitulog daw sa barkada niya for one week tapos si Manang nagleave ng trabaho for one week dahil may sakit kapatid niya. Ano? May tanong ka pa?" Ngisi niya.
Ngumisi rin ako pabalik. "Mas alam mo pa sakin ah? Tsaka ang dami mong sinabi! Pwede mo namang sabihin na wala sila!" Natatawa kong sabi. Magsasalita na sana siya pero mabilis ko siyang tinalikod at tinulak.
"Maliligo na ako bespren. Chupi ka na! Shooo! Alis alis!" Pagpapaalis ko sakanya na parang langaw. Pagkaalis niya sinarado ko na ang pintuan at pumasok sa banyo para makaligo.
After I changed tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.
Nakasuot ako ng white cropped top at skinny jeans which I matched with a black converse. Nakalugay rin ang mahaba kong buhok na medyo basa pa.
Bumaba na ako at baka puntahan na naman ako ni JM at kawawain ang pintuan ko.
"Ang tagal mo maligo at magbihis! Eat faster at malilate na tayo. Lunes Na Lunes. tss." Sabi niya sa akin pagkatapos ay bumulong bulong na parang bubuyog.
Pinagtaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Oo na po tay. Daming mo pong sinabi. Kumain ka na rin po." Tiningnan niya muna ako ng masama bago kumain.
Pagkatapos naming kumain naglakad na kami papunta sa school which is malapit lang kaya nilalakad na lang namin.
JM and I are bestfriends at meron pa kaming mga ibang kaibigan. Baka nasa school na siguro, nagkataon na magkapitbahay kami at kilala siya nila mama kaya malaya niyang naiistorbo ang tulog ko kahit wala sila.
BINABASA MO ANG
Love Isn't Enough (On-Going)
Teen FictionAndrea Michelle Buenavista. Isang popular na mag-aaral na mayroong mga popular na kaibigan. Maraming mga tagahanga dahil sa angking mga kagandahan at kagwapuhan. School is starting and everything seems so perfect. But then.. Sa isang iglap maraming...