Chapter 2 - The Game
Andrea's POV
Finally, natapos na rin namin lahat ng subjects namin para sa araw na ito.
Naglalakad kami ngayon nila Jade at Guen papuntang canteen para bumili ng maiinom. Nang makarating na kami ay naghanap kami ng mauupuan.
Nilagay namin ang mga bag namin sa gitnang upuan ng canteen para bumili ng inumin. Bumili lang ako ng mineral water. Nakakauhaw pala maging tahimik sa klase.
Nang makabalik sa upuan. "Andrea. Guen. Dito na tayo maghintay sakanila. May load ba kayo? Itext niyo na lang sila na nasa canteen tayo." Sabi sa amin ni Jade habang umiinom ng iced tea.
"Wala ka bang load?" Tumaas ang kilay ko at napakunot noo.
"Wala." Simpleng sabi niya.
"Hay nako. Ang yaman yaman niyo tapos wala?" Nakakunot noo ko paring sabi. Napatawa na lang siya at napapeace sign. Umiling na lang ako. Kuripot.
"Ako na magtetext." I volunteered.
To: Ethan
We're in the canteen. Punta kayo dito pagkatapos niyo magmeeting para sabay sabay na tayong pumunta sa bahay namin.
"Done." Sabi ko kay Jade at ipinakita ang text ko. Nilapit ko ang phone ko ng sobrang lapit sa mukha niya kaya inis niyang hinawi ang kamay ko.
"Oo na. Nakita ko na." Iritado niyang sabi. Napangisi ako.
Binaling ko ang tingin ko kay Guen. Ang tahimik niya ah? I saw her eyeing on someone kaya sinundan ko ang tingin niya at nakitang yung isa sa soccer varsity ang tinitingnan niya. Napangiwi ako.
Nakita ko rin si Ethan. He's here? Asan yung dalawa? Baka siguro may pinuntahan. Napakibit balikat ako at binaling ang tingin kay Guen.
"Guen. Tinitingan mo ba si Mr. Quinto?" Taas kilay kong tanong.
Namula si Guen at nauutal na sumagot sa akin. "U-uh oo? O-oo." Kumunot ng noo ko sa naging asta niya.
"Seriously? Guenevere? He's a playboy! Plus ang pangit niya lang kaya!" Sabi ko sakanya.
"A-ang gwapo niya-a kaya!" Nauutal niya na namang sagot. What's wrong with her? Tiningnan ko ulit siya pero nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya.
Napanguso siya. "Wag mo nga akong tawaging Guenevere! Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na wag? Wag. Wag. Wag." Ineekis ekis niya pa mga kamay niya habang sinasabi ang 'Wag'. Napatawa na lang ako.
"Ang ganda kaya ng pangalan mo." Sabi ni Jade. Tumango ako sa kanyang sinabi dahil totoo naman.
"Jade's right. Your name is beautiful. Bakit ayaw mo?" Biglang sabi ni Ethan na biglang sumulpot na naman. Buti di ako nagulat ngayon. Napangiti ako sa sinabi ni Ethan.
Namula ulit si Guen. "E-eh basta! Ayoko-o ng Guenevere! Guen lang. P-period!" Napatawa ako ng malakas dahil sa pagkautal niya kaya napanguso siya.
Tumingin ako ngayon kay Ethan na tinitingnan si Guen. Ngumisi ako. Torpe.
Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang sketchpad ko. Nag phone sila Guen at Jade habang si Ethan nag earphones at nakapikit. Nag drawing ako ng isang babaeng naglalakad sa ulan na walang payong.
One word to describe my drawing? Sad. I don't know pero mas gusto ko magdrawing ng mga ganito. Madalang lang ako makapagdrawing ng hindi malungkot.
While drawing may nagtakip ng mga mata ko. I know exactly who is this. "JM." Inis kong sabi.
Tinanggal ko ang kamay ng nagtakip sa mga mata ko at tiningnan ito ng masama.
BINABASA MO ANG
Love Isn't Enough (On-Going)
Novela JuvenilAndrea Michelle Buenavista. Isang popular na mag-aaral na mayroong mga popular na kaibigan. Maraming mga tagahanga dahil sa angking mga kagandahan at kagwapuhan. School is starting and everything seems so perfect. But then.. Sa isang iglap maraming...