Chapter 3 - Bonding

17 2 1
                                    

Chapter 3 - Bonding

Andrea's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa labas na tumatama sa mukha ko. Nakakairita naman! Sino kaya nagbukas ng kurtina?

Inis akong tumayo at sinara ang kurtina at humiga ulit.

Sinubukan ko ulit matulog ngunit ayaw na ng katawan ko kahit gusto ko pang umidlip kaya tumayo na lang ako at ginala ang tingin sa kwarto, kami na lang pala ni Guen ang nandito. Nasa baba siguro ang mga iba pa naming kaibigan.

Di ko na muna gigisingin si Guen. Si Ethan na lang ang manggigising sakanya. Napangisi ako sa naisip.

Pumasok ako ng banyo at naghugas ng mukha. Kumuha ako ng toothbrush at nilagyan ito ng toothpaste. Nagsimula na kong magtoothbrush habang inaalala ang nangyari kahapon.

Nagmovie marathon kami pagkatapos kumain ng hapunan. Tinatawan pa namin si Jade dahil takot na takot ito sa pinapanood namin kahit di naman ito gaanong nakakatakot.

Tinapos namin ang movie ng puno ng tawanan ng mapagdesisyonan namin na sama sama na lang kaming matulog sa guest room dahil off limits ang kwarto ko.

Nag-uusap kami kahit awkward sa isa't isa si Guen at Ethan kaya inaasar rin namin silang dalawa. We had so much fun!   

Natapos na rin akong magtoothbrush kaya lumabas na ako ng banyo para makababa. Di pa ako nakakababa ng tuluyan ng may marinig na nagaaway sa kusina.

Pumunta akong kusina at naabutang nagaaway sila Drake at JM.

"Ako na!" Sigaw ni JM. "Ako na lang!" Sigaw rin ni Drake. What's happening?

"Anong pinagaawayan ng dalawang yun?" Tanong ko sa kambal pagkaupo.

"Kung sino magluluto." Simpleng sagot ni Jade sa akin. Napakunot ang noo ko. Seriously? Parang yun lang?

Tiningnan ko ulit ang dalawang nagaaway at pinagsabihan na silang dalawa na lang ang magluto.

Sumunod rin naman sila. Napairap ako. Ganun lang pinagaawayan pa.

Habang nagluluto ang dalawa biglang nagtanong si Ethan. "Nasaan si Guen?" Nahihiya niyang tanong.

Nahiya pa. Ngumisi ako. "Nasa taas pa. Natutulog." Sagot ko.

Inasar ni Jade si Ethan dahil sa tanong niya. "Yieee! Miss mo na agad labidabs mo?" Nangaasar niyang tanong sa kapatid habang sinusundot ang tagiliran nito.

"Shut up!" Inis na sabi ni Ethan habang hinahawi ang kamay ni Jade sa tagiliran.

Hinayaan ko na lang ang dalawa at nilabas ang phone ko para makapagfacebook. Habang nagbabrowse, naisipan kong ipost ang picture namin kagabi habang nakawacky.

Andrea Buenavista posted a new photo
Last night with my friends. We had so much fun!

May mga nagcomment sa pinost ko pero yung unang nagcomment lang ang nireplayan ko.

Ang ganda mo po Ate Andrea! Ang gaganda't gwapo niyo pong magkakaibigan! Sana makita ko po kayong lahat!

Nagreply ako.

Hi! Thank you! Nako binola mo pa kami! Hahaha. Makikita mo rin kami, don't worry. Mwah!

Pagtapos ko magtype ay naglapag na ng mga pagkain sila JM at Drake kaya pinatay ko na ang phone ko at kukuha na sana ng pagkain ng binawalan ako ni JM.

Gutom na ako! Anong problema nito? Tiningnan ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Gisingin mo muna si Guen." Sabi niya sa akin kaya tiningnan ko si Ethan na parang nagulat. Muntikan ko na makalimutan naisip ko kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Isn't Enough (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon