September 18 2015- FLASHBACK
"Tahan na, Joaquin, hindi mo naman sya deserve." Nandito ang buong grupo ng mga kaibigan namin sa SM Manila Foodcourt, nandito kami para naman libangin si Joaquin. Kaka-break lang kasi nila ni Devon sa di malamang rason, ayon sa kwento ni Joaquin ay bigla nalang daw itong naging malamig sa kanya at nakipag break.
Juniors kaming magkakaibigan habang Sophomore naman si Devon. Naalala ko pang kinantahan ni Joaquin si Devon ng 'magkabilang mundo' kahit nasa magkabilang rooms lang naman sila.
Mahal na mahal ni Joaquin si Devon, kitang kita namin yon, minsan nga ay di na sya nakakasama sa mga gala namin kasi daw 'papasyal' sila ni Devon. Kaya naman talaga ngayon, sa harap mismo namin, umiiyak si Joaquin.
"Tangina ano ba kasing ginawa ko? may mali ba sakin? ha? shit!" Patuloy na minumura ni Joaquin ang sarili nya.
"Tanga kasi ni Joaquin, eh kung ikaw nalang kasi minahal nya edi di sya umiiyak." bulong sakin ni Shanaia, Bestfriend ko. Siniko ko sya, mamaya ay marinig pa sya. Napakadaldal kasi nitong babaeng to.
Alam ng buong klase at ni Joaquin na matagal ko na syang gusto, inamin ko yun pero nung naging sila ni Devon ay kahit na maskit, Nirespeto ko ang relasyon nila wala akong sinabi kahit na inaasar pa ako ng mga kaklase namin na kesyo 'nasasaktan' daw ako.
"Hwag kang mag-alala Joaquin, makakahanap ka din ng karapat dapat sayo." wika ni Miguel.
"Tara guys ikot ikot muna tayo dito sa mall, Joaquin, libangin mo muna ang sarili mo." Tumingin sila lahat sakin at saka tumango.
Dalawang linggo ang lumipas ay bumalik na si Joaquin sa dati nyang sigla, Si Devon naman ay may bago na agad na Boyfriend, guess kung sino? Miguel Martinez. Yup, Tropa namin. Hindi namin alam kung pano, pareparehas na lang kaming nagulat nang pumutok ang balitang iyon. Ang akala nga namin ay susugudin ni Joaquin si Miguel pero mukhang ipinagkibit-balikat nya lang ito at hindi na tinuonan ng pansin. Nang mga nakalipas na araw din ay idinidikit nanaman ako ng klase kay Joaquin, kalat na kalat na kasi ang pag kagusto ko sa kanya si Joaquin naman ay pangiti ngiti lang kapag tinutukso kami. Hindi ko alam kung anong meaning nun, ayoko namang mag assume.
Break time ngayon at iilan lang ang nasa loob ng classroom, ang iba kasi ay sa Cafeteria na kumakain.
Habang kumakain ako ng sandwich ay napansin kong may sinusulat si Shanaia sa kapirasong papel, nang dinungaw ko kung anong sinusulat nya ay nanlaki ang mga mata ko.
Sabrina Majia Amor (heart) Joaquin Rylie Tesoro
"What the F---ish Shanaia?!" Bulyaw ko sa kanya. Siya naman ay tatawatawa lang. Mukhang napansin kami ni Charity kaya lumapit din sya samin dala dala ang fries na kinakain nya. "Anong meron?"
Dumukot ako ng fries sakanya bago tinuro ang papel na hawak hawak ni Shanaia. Nang makita nya ay nakitawa narin sya.
"Wala namang masama ah. Single na sya, at single ka. hahahaha." Pangaasar ni Charity.
SHIT. Mukhang narinig sya ni Joaquin kaya bumaling ang tingin nya samin. Agad akong nagpanic at hinila ang dalawang madadaldal palabas ng classroom para dalhin sila sa CR. Walang masyadong gumagamit ng CR na ito dahil ang madalas nilang gamitin ay ang CR sa 2nd Floor, mas malinis kasi duon. Kaya dito sa CR na to kami nag uusap ng girl secrets, wala kasing makakapasok na boys kasi obviously, Ladies' Room ito.
"Ayan. dito tayo magusap tungkol sa kanya para safe." sabi ko habang nakaharap sa Salamin at ibina-bun ang mahaba kong buhok.
"Sabrina, Wala naman na kasing masama, Parehas na kayong single wala nang sagabal, and besides, bagay kayo. Joaquin Tesoro and Sabrina Amor . Amor means Love, Tesoro means Treasure." Tiningnan ko ng masama si Charity na mukhang tanga habang tawa parin ng tawa.
"Mi Tesoro, Mi Amor" [My Treasure, My Love] with feelings na dagdag pa ni Shanaia.
"Mabuti sana kung may pag-asa ako." sumbat ko sa kanila habang naglalagay ng powder sa mukha, lagi akog may naka ready na powder sa bulsa ng palda ko. Lumapit na rin sila sakin para manghingi ng powder.
"Alam mo Sabrina, hindi malabong hindi ka magustuhan ni Joaquin. Look at yourself, Pinanganak kang may Fine white skin, Straight Black Hair, Maganda ang hubog ng katawan,at higit sa lahat..Maganda." wika ni Charity.
"Pero ang pinakamalupet, Pinanganak kaming sinungaling." Nagtawanan sila, kahit na ako ay natawa na lang sa mga pinagsasabi nila.
oh wait!
"Shanaia nasan na yung papel na pinagsulatan mo ng pangalan namin ni Joaquin?" Tanong ko kay Shanaia.
Kinabahan agad ako nung nakitang namutla ang mukha nya.
shit! alam ko na alam naman na ng buong klase ang pagkagusto ko kay Joaquin pero nakakahiya! Baka isipin nilang ako ang nagsulat nuon at sabihin pa nilang patay na patay ako kay Joaquin!
"Naiwan ko ata sa classroom."
Mabilis kaming nagtungo pabalik ng classroom, madami dami na din ang mga nasa loob ng classroom, ilang minuto na lang kasi ay mag be-bell na. Sinubukan naming hanapin yung papel sa ibabaw ng desk ni Shanaia pero di namin makita, tiningnan narin namin sa mga lapag at baka nahulog pero nabigo kami hanggang sa dumating na ang Subject Teacher namin.
"Class get a 1/2 sheet of paper."
paktay. Nilibot ko ang tingin ko para sana makahinigi ng Paper, Pero nahagilap ng mata ko si Joaquin habang inilalabas nya ang paper sa loob ng bag nya ay aksidenteng nahulog ang kapirasong papel mula sa bag nya, may nakasulat sa papel na iyon.
Hindi kaya..kinuha nya yung papel na sinulatan kanina ni Shanaia? pero bakit naman? aish! nagooverthink nanaman siguro ako baka naman iba yon.
Mabilis nya ding pinulot ang nahulog na papel at inilagay sa bag nya bago pa sya dumugin ng mga kaklase kong nanghihingi ng mga papel sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rebound
Teen FictionWill Sabrina Majia Amor hold on to the fake love that Joaquin Riley Tesoro gives her? Or will she face the reality that Joaquin is still inlove with his ex and she is JUST A REBOUND for him to move on?