Preview

Mabilis nya ding pinulot ang nahulog na papel at inilagay sa bag nya bago pa sya dumugin ng mga kaklase kong nanghihingi ng mga papel sa kanya.
-
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang papel na itinago ni Joaquin. May mga letrang nakasulat don, mayroong naka drawing na puso, gaya lamang ng isinulat ni Shanaia.

noong narinig nya kaming naguusap ay napatingin sya saamin, agad naman kaming nagmadaling lumabas nung mga oras na yon. Pag ka labas namin ay sya lamang ang natirang tao rooon.

Hindi kaya nakita nya yung papel na pinagsulatan ni Shanaia? Hindi kaya Kinuha nya yon para itago? Hindi kaya yung nakita kong kapirasong papel na nahulog mula sa bag nya ang nawawalang papel na sinulatan ni Shanaia? Pero bakit? Bakit nya naman gagawin yon?

Hell, I swear I'm just imagining things again. Hindi nya gagawin yon, hindi nya naman ako ginugusto pabalik eh.

Ni-halos di na ako nakikinig sa klase dahil sa kakaisip ng mga bagay bagay. Nagtatalo ang Puso at Isip ko. Naisip ko kasi, is it worth it na icontinue pa ang pagkakagusto ko kay Joaquin? well isa lang naman akong babaeng umaasa sa kanya. Ano bang mapapala ko kung itutuloy ko pa to? as if naman na dumating yung araw na magtatapat sya sakin na gusto nya rin ako. Come on, nasa realidad ako. Ang sabi naman kasi nila Having a crush is the reason why being single is not boring. Totoo naman kase kahit single ako masaya na ako sa pasulyap sulyap lang sakanya, lalo na pag pakikiligin nya ako buo na araw ko dahil lang duon. Pero hindi naman siguro pwedeng habang buhay na ako magiging sapat sa ganoon. Wala namang may gustong magmahal sa taong malabo kang mahalin pabalik. Umaasa lang naman ako eh at nagpapaka- tanga. Kailangan ko nang taong namahalin ako gaya nang pagmamahal ko sakanya and I guess hindi si Joaquin yun.

That's it. Starting from now, Buburahin ko na lahat ng feelings na meron ako sakanya.

NEXT DAY

Sheez. Sana lang ay konti palang ang tao sa room at di pa ko late. Bagong araw to para sa akin. Iiwas na ako sa kanya.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng room namin ay napahinto ako ng makita ko sya sa glass ng pintuan. Palabas ata sya ng room habang ako naman ay papasok. Bumilis ang tibok ng puso ko.

No, Stop.

Pagkabukas ng pinto ay nagsalita pa sya. "Maaga pa." Napansin nya ata ang pagtingin ko sa aking relos. Hindi ko sya pinansin at dirediretsong inilagay ang bag ko sa assigned seat ko. Inikot ko ang mata ko, Wala pa si Shanaia.  Ako pa lang ang babae rito.

Pagka-upo ko ay lumapit naman si Jake sa akin. Panigurado akong magpapalakad nanaman to sa Bestfriend kong si Shanaia. "Sabrina sasama ba si Shanaia sa Prom?" pagtatanong nya. Hays walang alam si Shanaia tungkol sa lihim na pagkakagusto sakanya ni Jake. ang sabi kasi ni Jake ay isikreto ko lang. "Oo naman. Kailangan kumpleto ang buong tropa naten." Anim kaming mag-totropa. Ako, si Shanaia, Charity, Miguel, Jake at si Joaquin. Walang malisya sa aming magbabarkda maliban lang samin ni Joaquin syempre alam nila ang pagkakagusto ko dun pero gaya nga ng sabi ko kanina kailangan ko nang mag-move on sa feelings ko sakanya. "Sa tingin mo ba may pag-asa ako kay Shanaia?" eto nanaman ang tanong nyang hindi ko masagot sagot. Dapat ay si Shanaia nalang mismo ang tinatanong nya nyan.

Napaka torpe naman kasi ng mga lalaki.

"Good Morning Sabrina!" Biglang bati ni Shanaia na kakapasok lang sa pinto. Salamat naman at makakatakas nanaman ako sa tanong ni Jake.

"Uy Jake andyan ka pala. Good Morning." Pag bati ni Shanaia kay Jake. Nilingon ko si Jake at nakita ko ang namumula nyang mukha

HAHAHA.

"Good morning. Ganda ata nang gising mo ngayon ah?" Nahahalata ko sa tono ng boses nya ang pagpipigil nyang mautal.

"May goodnews kasi ako para sa Bestfriend kong si Sabrina. Dun ka na! Sikretong malupet to."

"Sus secret secret tungkol kay Joaquin nanaman yan noh?" agad kong tininaasan ng gitnang daliri si Jake. Loko to. Eh kung ilaglag ko kaya sya kay Shanaia?

"Ano ba yung sinasabi mong good news?" tanong ko kay Shanaia

Magsasalita na sana si Shanaia ng biglang pumasok ang Class President namin.

"Mga bes pinasabi sakin ni ma'am Kristine na whole day free time tayo may meeting ang teachers sa faculty! Wag masyadong maingay ah baka mapagalitan tayo." Announce nya.

Pagkasabi pagkasabi palang nya ay agad nang nagingay ang buong klase
Nagkaron na ang bawat isa ng kanya kanyang mundo.

Nang wala akong magawa ay tumapat nalang ako sa aircon para magpalamig

Nagulat ako nang biglang may kumalabit sakin mula sa likod
"Hoy wag mo naman solohin yung lamig." natatawang biro ni Joaquin.

Oh shit, Sabrina kontrolin mo ang sarili mo. Huwag kang magpapahalata.

Umupo sya sa katabing upuan ko hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang ilagay nya ang kamay nya sa likod ng upuan ko. Sa ganoong posisyon ay para syang nakaakbay sa akin.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nanatiling nakatapat ang buong mukha ko sa aircon at nagbabaka sakaling hindi nya mahalata ang pamumula ng aking pisngi

"May Game kami mamaya sa ibang school." Sabi nya sa akin.

"Ahhh. Anong gagawin ko?" Dinadaan ko nalang sa pagsusungit ang mga sinasabi ko sakanya para mapigilan ang kilig ko. "Grabe naman to'. Hindi mo ba papanuoren crush mo?" Nangaasar nyang sambit.

"Ang kapal mo. Ayoko kung manonood naman ako ay wala akong kasama baka ma-OP lang ako dun."

"Bakit ka naman maa- out of place? Edi isama mo si Sabrina"

Tinanaw ko si Sabrina na nakikipagdaldalan sa iba naming kaklase nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay bigla nya kong binigyan ng makahulugang ngiti. Nangaasar nanaman to dahil katabi ko si Joaquin.

"Ano sasama ka ba?" nakangiting tanong nya.

Enebe.

"Hindi ko alam eh. Nagyayaya kase yung iba nating kaklase mag-gala sa SM"  Gusto ko syang panuoren maglaro pero ayaw ko namang matawag na talkshit ng iba kong kaklase.

Sumimangot sya at tumayo akala ko ay lalayo na sya sakin pero nagulat ako nang may sinabi syang nakakuha ng atensyon ng buong klase.

"Kung sino man mga gagala dyan mamaya di makakasama si Sabrina sainyo papanuorin nya ko sa game mamaya... Para may inspirasyon ako"

Hindi ko alam kung guniguni ko kang yun o talagang sinabi nya talaga yung huling sinabi nya. Kung ano man ibig sabihin nun ayoko parin umasa.

Natatakot parin ako na baka iwan nya lang ako sa ere at hayaang mahulog sa pag aakalang sasaluhin nya ako.

"Nice one Joaquin! Imba na ang galawan natin dre ah?"

Hindi sumagot si Joaquin.

Lumingon sya sakin at nginitian ako.

Damn you, Joaquin Rylie Tesoro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebound Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon