Mystery Mistress [EDITED]

6.4K 151 45
                                    

CHAPTER III - MYSTERY MISTRESS

Pinagmasdang mabuti ni Magda mula sa itaas ng kwarto niya ang babaeng kayakap ng kanyang Mister na si Ronald. Matagal na niyang nahahalatang may kabit ang asawa ngunit tila bato ang puso niya na sunggaban ito. Mahal na mahal niya ang pamilya nila. Ayaw niyang masira ang kinabukasan ng nag-iisa niyang anak na si Angel.

"Hi hon, nandito na ako!" bungad ng kanyang asawa sa kwarto nila. Hindi niya yata napansing umakyat na ito ng bahay sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Agad niyang napansin ang pulang tinta sa kwelyo nito sa asul nitong polo. Isang labi ng babae.

"H-hello. Matanong ko lang, sino yung kasama mo?" tanong niya ngunit alam naman din niya ang sagot sa tanong niya. Ang gusto lamang niya ay ang pawang katotohanan sa lahat ng mga sasabihin ng asawa niyang si Ronald. Handa naman siyang makipagplastikan sa kabit ng asawa niya, huwag lang siyang iwanan ni Ronald. Ayaw niyang mawalan si Angel ng isang magulang gaya noong nangyari sa kanya.

"Ah iyon? Sekretarya ko yun." simpleng sagot ng asawa habang hinuhubad ang medyas nito. Napangiwi si Magda nang marinig ang mga salitang sekretarya ko yun. Sekretaryang kahalikan mo sa tapat ng bahay? Gusto niyang sabihin sa harapan ng asawa ngunit natatakot siyang iwan nito.

"A-ah ganun ba..." sagot niya habang pinahid ang isang luhang tumulo sa kaliwang mata niya. "Nga pala, magkakaroon tayo ng reunion bukas. Birthday kasi ni papa eh. Sa Batangas raw ang reunion." Sagot niya habang iniiba ang usapan, nag-babakasakaling hindi mahalata ni Ronald ang lungkot sa tinig niya.

"Magluluto muna ako." Muli niyang tiningnan ang asawa habang may kausap na naman ito sa telepono, malamang ang kahalikan niya kanina.

*****

            Nakaupo si Angel sa kanyang kwarto habang pinagmamasdan ang kanyang ama at ang kabit nito sa harap ng bahay nila. Hindi niya lubos maisip kung anong pwede niyang magawa kapag nakaharap niya ang babaeng iyan. Matindi na kasi ang hirap at pasakit na dinala ng mga kabit ng kanyang papa sa kanyang mama at naiinis siyang wala siyang kahit na anong magawa upang ipaglaban man lang ang pamilya niya.

            Bigla siyang umayos ng upo ng makita ang pangalan ng kasintahan niya sa kanyang telepono. Umubo muna siya upang mawala ang galit at inis sa boses niya at nag-simulang batiin ang kasintahan niya na nasa kabilang linya.

            “Hi babe. Musta?” tanong niya rito.

            “Okey lang naman babe. Ikaw?” tanong nito sa kanya.

            “Hay, si Papa. May dinala na namang kabit.” Malungkot niyang tugon.

            “Magiging ayos lang ang lahat babe! Magtiwala ka lang. Di ba may reunion kayo? Kalimutan mo muna ang lahat ng masasamang nangyari sa’yo at libangin mo ang sarili mo sa reunion.” Sagot nito sa kanya. Sana nga ganoon lang kadali ang lahat. Sana ganoon lang kadaling sabihin sa lahat kung ano ang sikreto niya. Binabagabag na siya nito.

            “Hindi kita makikita. I’ll miss you.” Sagot ni Angel at pinutol na niya ang linya.

            Muli niyang tiningnan ang larawan nilang magkasintahan. Mahirap sabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa kanila. Maiintindihan kaya nila? Makakaya kaya nilang tanggapin ang kung ano ang hindi nila inaasahan kay Angel. Ngunit isa lamang ang hiling ni Angel, na sana maging masaya nga ang reunion at sana makalimutan niya ang lahat ng problema niya sa reunion.

*****

Maingat na binudburan ng keso ni Magda ang bagong lutong spaghetti na dadalhin niya bukas sa reunion. Di niya napansing gabi na pala at kailangan na niyang maghanda sa hapunan. Kumuha siya ng maliit na parte sa spaghetting kanyang niluto at isinalin niya ito sa malaking plato. Ito na lamang siguro ang gagawin niyang hapunan nila.

Deadly Reunion [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon