Thy Papers

3.7K 100 0
                                    

CHAPTER XXI - THY PAPERS

"TULONG! TULONG! ILABAS NIYO AKO DITO!" patuloy ang sigaw ni Sally. Nanghihina siya hindi dahil sa gutom. Nanghihina siya dahil sa dilim at walang kahit na anong liwanag ang pumapasok rito.

Nakarinig siya ng boses. Isang nanghihinang boses, "Walang magagawa ang pagsigaw mo."

"M-magda?" natatakot na tugon ni Sally. Kilala niya ang boses na ito. Ang boses na nakakapagpakaba sakanya.

"Sally patawad. Inaamin kong naging makasarili ako. Inisip kong kailangan kong makuh ang kayamanan dahil wala na si Ronald. Nag-papakasawa na siya sa kabit niya." dahan-dahang nag-lakad si Sally patungo kay Magda. Muli niyang narinig ang boses nito. "Patawad..." muli siyang humagulgol.

"Magda. Okey lang." itinaas niya ang mukha ni Magda at pinahid ang mga luha nito. Sandaling nakalimutan ni Sally na nasa madalim silang silid kaya noong naalala niya ay tila nag-histerikal ito. "MAGDA! KAILANGAN NATING UMALIS DITO. MAMAMATAY TAYO DITO!" sa gitna ng kanyang pag-sigaw may nasipa siya.

Isang libro. Hindi, mali... Isang Diary.

Ang Diary ni Concepcion

-----

Nasa gitna ng paghahalikan sina Ronald at Becky nang pumasok si Angel sa silid.

"Kailan tayo aalis?" walang ekspresyon ang mga mukha nito.

Bumitaw si Ronald sa pagkakayakap kay Becky at bumangon. "Pag nakuha na ng mommy mo ang kayamanan niya Baby." nangingiting tugon ni Ronald.

"Baby. May business pa kami ni Miss Becky. Pwede bang umalis ka muna?" dugtong ni Ronald.

"Business? O Sex? Yan ang problema niyong mga lalaki! Di na kayo nakuntento sa isa, maghahanap pa kayo! Kulang pa ba ang arugang binibigay ni Mommy?" padabog na bumalik si Angel sa kwarto. Kinuha nito ang cellphone niya nag-text sa kanyang kasintahan.

"Babe, I need you here."

Sumagot naman ang kausap niya sa telepono, "Babe, Mommy won't let me go!"

Nainis siya. Sa sobrang inis niya ay muntikan na niyang matapon ang kanyang telepono. Ngunit may naalala siya. Hinanap niya ang pangalang iyon at tinawagan.

"Sasali na ako, huwag niyo lang ipagkalat ang sikreto ko."

-----

"Anton!" sigaw ni Sophia at kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto.

Bumukas naman ang silid at iniluwa ang nakatapis na tuwalyang si Anton. "Bakit?"

Agad pumasok si Sophia sa silid at nag-wika, "May charger ka ba ng iPhone diyan?"

Nag-tungo si Anton sa banyo at sumigaw. "Nasa may sidetable lang. Naliligo pa ako."

Agad hinanap ni Sophia ang sidetable. Nakita niya ang charger at pinulot ito. Ngunit may mas umakit sakanyang interes. Mga papel. Pinulot niya ito at binasa. Nabigla siya sa mga natuklasan niya. Sumilip siya sa paligid at lumabas ng kwarto. Patungo na siya sa kanyang silid nang makasalubong niya si Heidi.

"Hi Tita Sophia. Nagmamadali ka yata." nakangiting sagot ni Heidi.

Itinaas ni Sophia ang isang kilay at nag-salita, "Ano naman sayo?" at nilagpasan lang niya si Heidi.

Dumiretso siya sa kwarto niya. Binasa niya ito:

ADOPTION PAPERS:

Child's Name: Samantha Dela Vega
Age: 7 years old
Seen: December 15, 2010
Owned by: Anton Dela Vega and Marie Dela Vega
From: Patricio Bert Daycare.

Bigla niyang nabitawan ang mga papel na kanyang hawak-hawak. Hindi siya makapaniwalang ampon lamag si Samantha. Kaya pala hindi niya mawari kung kanino nag-mana ang bata. Ngunit may isang bagay na mas hindi kapani-paniwala.

May ampunan si Papa?

-----

"Kakain na po!" narinig ni Louie ang walang kwentang caretaker ng bahay. Padabog siyang umalis sa silid at bumaba. Nakita naman niyang nasa hapagkainan na ang mga kamag-anak niya.

"Magandang gabi Papa." sagot niya at nag-mano sa matanda at pumwesto sa upuan.

"Nasa'n ba si Sally?" tanong ng matanda.

Napaisip si Louie ng dahilan at nag-wika, "Masakit po ang pakiramdam niya. Ako na po ang mag-dadala ng pagkain sakanya."

Kumunot ang noo ng matanda ng makita ang isa pang bakanteng upuan, "Nakita niyo ba si Magda?"

Walang sumagot. Ibinaling na lamang ng lahat ang pansin sa pagkain. Matapos ni Louie'ng kumain ay tinawag siya ni Don Bert.

"Louie, heto ang sopas para sa asawa mo. Nawa'y gumaling siya rito."

Kinuha ni Louie ang sopas at inilock ang pinto. Napag-isipan niyang walang kwenta ang pagdala ng sopas na kanyang hawak sapagkat nakakain na siya. Nakita niya ang halaman sa tapat ng kama at ibinuhos doon ang sopas.

Naiinis siya. Kailangan na niyang maisolo ang lahat ng kayamanan bago mapirmahan ni Don Bert ang mga papeles. Ibinuklat niya ang magazine na hawak niya at may nahulog na papel. Napangiti siya. Ang adoption papers ni Heidi. Alalang-alala niya ang gabi bago pa man ipapanganak ang sanggol nila.

"Mr. Lopez. Ikinalulungkot ko pong sabihin na patay na ang anak na dinadala ni Mrs. Sally R. Lopez." sagot ng Doctora sakanya. Napangiti siya dahil mababawasan ang gastusin sa bahay pag nag-kataon. Tinawagan niya ang Papa niya.

"Pa," pamungad niya.

"Oh Louie?"

"Gusto ko pong mag-ampon ng babae." sagot ni Louie. Agad siyang dumayo sa resthouse nila sa Batangas upang puntahan ang Papa niya. Bumungad sa kanya ang ingay na nanggagaling sa bahay. Ingay ng mga bata. Pumili siya ng medyo singkit na bata at kinarga ito. Pumunta siya sa silid ng Papa.

"Pa, kukunin ko to." sagot niya na parang laruan lamang itong hinihiram.

"Wag kang mag-alala hijo. Ako ang bahala sa gastusin niya! Pakipirmahan nalang ito." sagot ng kanyang Papa.

Bumalik siya sa bahay. Balak niyang isikreto kay Sally ang mangyayari. Kinausap na niya ang Obstetrician ni Sally at palalabasing normal delivery lang ang nangyari.

FEBRUARY 17, 1999
10:39 PM

"Time of birth 10:39 PM. Matulog ka na Sally." sagot ng Obstetrician nito at tinurukan siya ng pampatulog. Lumabas ang doktor ni Sally sa Operating Room at sinalubong si Louie. Maingat na iniabot ni Louie ang pera na suhol sa Doktora.

Bumalik siya sa katinuan nang maalalang hindi pa kumakain ang dalawa niyang bihag. Bumaba siya dahil madilim na ang paligid. Kumuha siya ng mga biskwit at gatas at binigay ito sa kanyang mga bihag. Papalabas na sana siya ng silid nang marinig niyang nag-salita si Magda, "Nag-balik si Concepcion."

=======×=======

SINO si Concepcion? Ano ang sikreto ni Angel? ABANGAN ang mga kasagutan sa mga susunod na kabanata ^_^

Deadly Reunion [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon