| One Shot | Scenario | Chatroom | Jokes | Bisaya Chat | Ang mga lalake...| Letter |
Ang mga lalake...kapag bored.
Nakatunganga sa living room sina Mingyu, The8 at Dokyeom. Walang pasok ngayong araw kaya naman nagtambay na lamang sila sa loob, masyadong mainit sa labas at baka umitim kuno si Mingyu.
"Bro, paano ba magka-girlfriend?" Tanong ni The8 sa dalawa. Napatingin naman sila kay The8 na nakangangang nakaupo sa sofa.
"Oh sige. Tayo!" Kumunot naman ang noo ni The8 pero tumayo pa rin siya.
"Gagawa tayo ng simulation. Alam niyo ba 'yan?" Saad ni Dokyeom
Kroo...kroo...kroo
"Oh sige, ganito 'yan. Si Mingyu ay isang babae tapos gumawa ka ng mga breezy moves, tingnan natin kung magkakagirlfriend ka ba talaga." Nakangising sabi ni Dokyeom.
Pumwesto naman si Mingyu sa may pintuan.
"Ah miss, ico-close ko na ang room. Lumabas ka na." Sabi ni The8 kay Mingyu.
"Omo! Hindi pa ako tapos oppa!" Sigaw ni Mingyu
"Ano ba 'yan? Tulungan na kita?" Alok ni The8.
"Naku 'wag na." Sagot naman ni Mingyu
"BWISIT! 'WAG KANG PABEBE MINGYU!" Reklamo ni Dokyeom na nanunuod.
"Bwisit ka ring kabayo ka!" Sigaw ni Mingyu at umirap.
"Hoy! 'Wag personalan!" Nakangusong saad ni DK.
"Ah sige, ipapasa ko lang itong testpapers kay ma'am." Balik sa gawi si Mingyu.
"Sige, hati tayo sa mga papel, mukhang mabigat 'yan." Nakangiting saad ni The8 at kinuha niya kunwari ang mga papel na hawak ni Mingyu.
"MINGYU! ASAN NA?!" Singit ni DK.
"Tangna, sino siya!?" Naguguluhan si The8, bigla-bigla nalang kasing sumusulpot itong si DK.
"Ito na po ma'am!" magalang na sabi ni Mingyu at hinatid ang bitbit na mga papel kahit wala naman talaga siyang dala.
"CUT! Ang boring naman Minghao! Wala ka bang breezy moves?!" Reklamo na naman ni DK.
"Next scene!" Sigaw ni DK at pumalakpak.
"Nasa SSG room kayo ha. Si Mingyu ang Miss President." Pagsasalaysay ni DK habang nakaupo sa may sofa.
"Hi Miss Pres? Tulungan na kita? Gabi na ah." Nakangiting saad ni The8 kay Mingyu na busy sa pag-aayos ng mga papel kahit wala naman.
"Wag na, kaya ko na to." Cold na sabi ni Mingyu
"TANGNA NAMAN MINGYU! HAYAAN MO SI THE8!" Sigaw na naman ni DK at napasabunot sa buhok.
"Tangna mo rin! Kainis!" Sigaw ni Mingyu at nagwalkout.
Pagod na ako! - Mingyu
Hindi...Dapat magkaroon ako ng moves. Kailangan kong magka girlfriend! Ipapamalas ko kay Seokmin ang galing ko! - The8
"Hoy, Minghao!? Ano na diyan dong!?"
Tumayo si The8 at hinawakan niya kaagad ang kamay ni Mingyu.
"Miss Pres," Tawag nito kay Mingyu
"Tanga! Tapos na diba!?" Sigaw ni Mingyu at akmang kumawala sa hawak ni The8 pero mabilis siyang hinila ni The8 at tumakbo silang dalawa.
"Sumama ka sa akin!" Sigaw ni The8 habang tumatakbo
"Ganyan nga The8! Ikama mo na 'yan! I mean, isama pala!" cheer naman ni Dokyeom at sumunod sa kanila
Nagpalibot-libot lang sila sa sala hanggang sa umabot sila ng sampu at tumigil na sila.
"Bwi--sit!" Hingal na hingal pa si Mingyu at napahawak sa dibdib.
"Miss President, tingnan mo ang lugar." Turo ni The8 sa labas ng bintana, nakita nila ang sunset.
"Maganda diba?" Nakangiting komento nito.
Tumango-tango naman si DK sa likuran.
"Kasing ganda mo." Dugtong nito. Ngumiti naman ng nakakaloko si Mingyu at sinapak nang mahina si The8.
"Ene ke be~!"
"GANYAN NGA! ALAM MO NAMAN PALA THE8!" Komento ni DK at pumalakpak.
"Magaling! Ang galing mo, napahanga mo ako! Ang kaso, all boys school tayo. Walang pwedeng mai-girlfriend."
Nanghinayang naman si Minghao sa sinabi ni DK. Tama nga, All Boys School nga ang pinasukan nila.
"Tao po!" Binuksan nilang tatlo ang pinto.
"Ito na po 'yung pina deliver niyong daing!" Nakangiting sabi ng babae sa kanila at inabot ang sampung supot ng daing.
"Miss, anong pangalan mo!?" Tanong ni Mingyu sa babae.
"Ako si Dinah...Dina Lily Go, kapitbahay niyo ako."
Napangiti naman ang tatlo sa babae.
"AYOS! NANDITO NA ANG PINADELIVER KOOOO~!" Sigaw ni Seungkwan.
YOU AS DINAH LILY GO....ang bantot mo beh.
--
A/N: (c) Ideas from Daily Lives of High School boys.
BINABASA MO ANG
Kapitbahay ko ang SEVENTEEN!
Fanfic"Knock, knock!" "Who's there?" "Bahay ng mga pogi ;)"