WARNING: ANG ISTORYANG ITO AY PUNONG-PUNO NG MGA KORNING PICK-UP LINES KAYA KUNG HINDI NIYO KAYANG MAGBASA NG MGA KACORNIHAN, WAG NANG MAGPATULOY PA.
JOKE LANG! OY BASAHIN MO 'TO! XD
*****************************************************
Ang Dalawa po't di Tatlong Banat Niya Sakin (One Shot Story)
March2014 (c)KaiRynafrvr
Breaktime namin ngayon kaya eto ako, pagala-gala. Hobby ko yan eh, ang magtravel. Sabi nga nila'y baka kalahi ko raw si Dora. Ang hindi nila alam, lola ko talaga siya. Etchos lang! Hahaha.
Pagpasok ko ng room, agad kong nakita sila Krista na kumakain ng cookies. Hmm~ Sakto! Gutom na ako!
"Wow! Parang ang sarap niyan ah?" Napatingin silang tatlo sakin.
"Oh. Gets ko na yang line mo." Sabi ni Krista saka iniabot sakin yung box ng cookies. Umupo ako sa harapan nila. Shizzz. Ang sarap naman nito! Heaven!
"Bakit ka ba nandito?" Nabigla ako sa sinabi ni Jupiter. Anong meron?
"Huh? Bakit? may problema ka?" Sagot ko.
Nga pala, di pa ako nakakapagpakilala. I'm Venus. Goddess of Beauty. Joke lang. Pero Ako po talaga si Venus. Tas si Jupiter yung walang hiya kong kaklase. May crush yan sakin nung Elementary kami pero pagtungtong namin ng High School, wala na daw. Di ko alam kung bakit eh. Pero simula nung nagtapat siya sakin, hindi na kami nagpansinan. Atsaka nagkahiwalay narin kasi kami ng section. Ngayong 4th Year nalang ulit kami naging magkaklase. Ok. Enough. Daldal ko na.
"Umalis ka nga dito!" Naiinis na ako sa kanya. Bakit niya ba ako ginaganyan? Peste siya ah?!
"Walanghiya ka! Wala kang karapatang paalisin ako dito!" Napasigaw ako ng wala sa oras kaya lahat ng kaklase ko napatingin sakin.
"Nagiingat lang. Baka kasi mahulog ulit ako sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. owkayyy?
"Nice one!" Sabi ni Madelene saka nakipag-apir kay Jupiter.
"Ayieeee~~" Asar naman ng mga kaklase namin.
Oh my gosh~ Nakakahiya naman ito! Walanghiya ka talaga Jupiter!
"Anong kadramahan na naman 'to Jupiter?" Tanong ko sa kanya.
"Tanda mo ba nung Grade 4 tayo? nung sinabi ko sayong sa susunod nalang kita liligawan dahil masyado pa tayong bata nun?" Nagflashback sa aking isipan ang pangyayaring iyon.
"Jupiter, kung gusto mo talaga ako, dapat ligawan mo ako." Sabi ng batang ako.
"Ligawan?" Tanong ng napakacute na si Jupiter.
"Oo, sabi kasi ng kuya ko, kapag daw may gusto kayong babae, nililigawan niyo muna para mapasainyo." Napatawa si Jupiter sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?
"Sa susunod na kita liligawan. Bata pa tayo." Medyo nainis ako sa sagot niya nun.
"Siguro sa ngayon, hanggang tingin nalang muna ako sayo. Kapag dumating na yung tamang panahon, saka kita liligawan." Ngumiti si Jupiter at naglakad papunta sa mga kaibigan nito.
Pagkatapos nun, hindi ko na pinansin si Jupiter. Siguro dahil nainis ako sa kanya. Akala ko kasi liligawan niya ako! Feeling ko napahiya ako nun kaya di ko siya pinansin. Haha! Nakakatawa naman pagnaiisip ko yun ngayon! Napakabata ko pa nga talaga nun. Ang immature ko. Epic! Nakakahiya~
BINABASA MO ANG
Ang Dalawa po't di Tatlong Banat Niya Sakin (One Shot Story)
Teen FictionBakit dalawa po't di tatlo ang banat niya sakin? Halika at iyong basahin! Haha XD