Chapter 5

2.2K 48 1
                                    

Chapter 5

ISABELLA ROSE POV

"Kahit wala na siya, kaibigan mo pa rin 'yon, Ron," wika no'ng lalaki.

"Oo nga pare. Sayang di natuloy 'yong engagement niya. Pinangakuan pa naman ako no'n na ipapakilala ako do'n sa anak ng business partner ng parents ko." Nakikinig lang ako sa usapan nila. Panay ang inom ko ng alak para di nila ako mapansin.

"Sinong business partner?" tanong nito.

"'Yong mag-asawang del Mundo. May nag-iisang anak 'yon na babae."

"Type mo?"

Ngumisi si Ron. "Sabi ni Monteero maganda daw. Pero dahil sa nangyari, di ko na nakilala. Pero okay lang, pre. Gano'n talaga."

"Alam mo bang narito na sa bansa ang anak ng mag-asawang del Mundo, Ron?"

"O, di nga?" di makapaniwalang tanong nito. "Kanino mo nalaman?"

"Secret. Kararating lang daw no'ng nakaraang araw. Pero dahil magaling magtago si Tito Al, walang nakakaalam kung nasaan ngayon ang anak niya." Lumagok na rin ito ng alak. Kilala niya pala si daddy.

"Kailangan ko siyang makilala."

"Huwag mo ng pangarapin pa, Ron. Naipagkasundo na raw iyon. Wala ka ng pag-asa."

Panay lang ang inom ko para di sila makahalata na nakikinig ako sa usapan nila.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng bar. Gano'n pa rin ito no'ng una kong mapuntahan. Ang pinagkaiba nga lang, e, mas maraming tao ngayon. Siksikan ang mga ito habang nagsasayaw sa dancefloor.

Mayamaya nahagip ng paningin ko ang tatlong lalaki. Papasok sila sa bar at papunta sa kinaroroonan ko. Kailangan ko ng makaalis dito. Nangangamoy away na. Kinuha ko ang wallet at inilapag ang bayad.

"Pauwi ka na?" tanong ni Ron. Tumango ako. "Hatid na kita."

"No, don't bother. I can find my way home."  Hawak ang leather jacket sa kaliwang kamay, tumayo na ako at akmang aalis na subalit may narinig akong nagsalita mismo sa harapan ko.

"Nasaan ang boyfriend mo?" wika no'ng isang lalaki. Medyo mataba ito at di naman gaanong katangkaran.

"Patay na siya! Pinatay n'yo!" sigaw ko sa kanila. Napatingin naman sa amin si Ron pati na ang lalaking kausap niya.

"Hindi ako naniniwala. Sinungaling!"

"E, di huwag ka maniwala. Wala akong panahong papaniwalain ka." Pagkasabi ko no'n ay nagmadali akong umalis at tinungo si Extreme. Nakasakay na ako sa motorsiklo nang mamalayan kong sumunod ang tatlong lalaki.

"Inuulit ko nasaan ang boyfriend mo?"

"Bingi ka ba o tanga? Di ba sinabi ko ng patay na siya?"

"Kababae mong tao, ang angas mo." Nilingon niya ang dalawang kasamahan. "Kunin n'yo ang babaing 'yan at iharap kay boss. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang niya." Tumalima naman ang dalawang inutusan.

Bumangon ang galit na kanina ko pa tinitimpi. Yabang pala, ha! Tingnan natin. Bumaba ako sa motor at tumingin sa paligid. Maigi naman at kami lang ang tao rito. Walang makakakita sa gagawin ko sa tatlong ito.

Sabay na sumugod ang dalawang lalaki palapit sa akin. Lumayo ako nang kaunti para kumuha ng bwelo. Nang medyo isang dipa na lang ang layo nila, iniangat ko ang kanang paa ko at sinipa 'yong isang lalaki sa dibdib. Napakalakas ng impact na iyon dahilan para bumulagta siya sa lupa at sumuka ng dugo. Napaatras ang pangalawang lalaki. Waring nahimasmasan sa ginawa ko. May dinukot ito sa likurang bahagi ng kaniyang pantalon. Nang itaas niya ang kanang kamay nakita ko ang isang patalim. Kumikinang iyon nang matamaan ng ilaw na nanggagaling sa poste. Ngumisi ito nang nakakaloko na wari bang matatalo niya ako sa gamit niyang patalim.

BAD BOY: The Romance (BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon