Author's Note

3K 84 86
                                    

Author's Note

Ako po ay nagpapasalamat sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa ng story na sinusulat ko. Nais ko lamang pong malaman ninyo na ako ay nagsusulat kapag may free time po ako kaya pasensiya na kung hindi ako nakakapag-update kaagad. Marami pong salamat doon sa mga readers na nagtitiyaga na maghintay ng update. Patience is a virtue,  sabi nga nila. Reader din po ako kaya alam ko kung ano ang pakiramdam nang naghihintay ng update.

Nagpapasalamat din po ako sa mga nagko-komento at doon po sa mga nagsasawalang-kibo na lang pero patuloy pa rin sa pagbabasa (silent reader kumbaga)

Pero sa taong nakikibasa na nga lang ng story na sinulat ko na may gana pang murahin ako,  nasaan ang ethics mo? Hindi n'yo po ako pinapalamon para murahin nang ganoon at lalong-lalo na hindi n'yo po ako BINABAYARAN para utusan na i-update ang story na nai-post ko rito. At ang masama pa,  pinagbantaan mo pa ako na ire-report ang story na sinulat ko.  Magkaroon po tayo ng respeto. Kung hindi po kayo makapaghintay sa update,  bakit hindi n'yo po ako i-pm,  pwede ka naman mag-comment but in a nice way,  hindi 'yong mura at pagbabanta ang kino-comment mo.

Again po,  sa mga readers na umay na umay na sa story na sinusulat ko, i-pm n'yo lang po ako. Gagawan natin ng paraan 'yan.

BAD BOY: The Romance (BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon