Anong nangyari? (One Shot)

183 6 12
                                    

Elementary ako nung una kitang makita. Grade 6 tayo nun, unang araw ng klase. Nagf-flag ceremony tayo, nung makita kita sa pila. Na-love at first sight ako sayo, kahit na sobrang init, ang gwapo mo paring tingnan. Nalaman ko rin na hindi pala tayo magkaklase. Syempre, nakaramdam ako ng konting lungkot kase hindi kita malalapitan ule. 

Dumaan ang ilang araw, palagi pa rin kitang naaalala. Minsan nakikita kitang naglalaro ng kung ano-anong mga laro. Waah, ang galing galing mo kayang maglaro ng basketball, kahit sa takbuhan magaling ka rin. Naisip ko, nasa dalawang magkaibang mundo pala tayo. Ibang-iba ka sa akin, kung ikaw mahilig sa mga sports, ako naman ang kabaliktaran. Mas gusto kong sa loob lang at magbasa ng mga libro, hindi rin ako pala-laro sa labas. Medyo nalungkot ako, kase baka pag naging magkaibigan tayo, hindi siguro tayo magkakasundo.

Isang araw, habang naglalakad ako pauwi, nakita kitang naglalakad sa unahan ko. At dahil nga may paghanga ako sayo, at malakas ang trip ko nun, sinundan kita. Haha, may pagka-stalker ren ako nun eh. Noong nakita kong naglakad ka papunta sa subdivision kung saan ka nakatira, sobra naman akong natuwa. Magkapareho pa pala tayo ng subdivision. 

Kapag nag-iisa ako, naiisip ko, bakit kaya ako nagkagusto sayo? Hindi naman kita nakausap pa kahit isang beses. Ni hindi mo nga yata alam na nabubuhay ako sa mundo eh. Pero kahit na ganun, crush pa rin kita. Nilihim ko sa lahat ang nararamdaman ko, kahit sa mga kaibigan ko, nahihiya kasi ako na baka pagtawanan nila ako. Bakit ka nga ba magkakagusto sa taong hindi mo pa kilala? 

Palagi nga kitang pinagpapantasyahan eh. Kahit sa panaginip ko, ikaw parin iniisip ko. Meron akong isang panaginip na hinding-hindi ko malilimutan. Sa panaginip kong yun, magkaklase raw tayo. Nagtatawanan raw tayo at mukhang masaya tayong dalawa. Para sakin, imposible yun. Pero dun ko na-prove na walang imposible. 

Nung nag-high school na tayo, nakita nanaman kita na syang ikinatuwa ko. Malaman ko lang na magka-school mates tayo, masaya na ako. Pero ano pa kaya nung nalaman kong magkaklase tayo. Grabe, feeling ko sasabog na yung puso ko sa tuwa. Akala ko hanggang dun nalang yung swerte ko, pero hindi eh. Ang bait ata ng tadhana sakin? Akalain mo, nakatabi pa kita? 

Dahil nga magkatabi tayo, palagi na tayong magkausap, palaging nagtatawanan, nagdadaldalan nga tayo eh kahit anjan pa si maam eh. Naalala ko yung panaginip ko. Mas masaya pala kapag ikaw na mismo yung nakaka-experience nung feeling, hindi lang sa panaginip. 

Pero isang bagay na hindi ko inaasahan ang nangyari. Nawalan ako ng paghanga sayo. 

Tulad ng rason kung bakit naging crush kita, hindi ko ren alam kung bakit hindi na kita naging crush. Siguro dahil sa naging busy na tayo sa high school life natin. Ika nga nila, siguro puppy love lang yung nararamdaman ko nun para sayo. 

Simula nung naging crush kita hanggang sa nawala yung nararamdaman ko sayo, hindi ako nagkalakas-loob aminin sayo ang lahat. Sa isip ko, okay lang naman siguro yon, tapos na ren naman eh. 

Lumipas ang isang taon, marami na ring nangyari sa atin. Ikaw, meron ka na ring crush. Nakikita nga kita eh, palagi kayong magkasama tas ang saya saya mo pa pag kausap mo sya. Pero ang masakit, hindi ka na namamansin nung may crush ka na. Parang sa kanya lang lahat yung atensyon mo. Di bale na, okay na ren sakin yun, at least masaya ka. Ako rin naman, natagpuan ko na rin yung taong magmamahal sakin. Nagkaroon ako ng manliligaw. 

Nung nanliligaw sya sakin, nararamdaman ko na mahal nya talaga ako.  Masaya ako pag kasama ko sya at ganun rin sya pag kasama ako. Maganda yung takbo ng buhay ko nun. Mataas na nga yung mga grades ko, meron pa akong lovelife. Ohaa! Masasabi kong yun yung best part ng highschool lofe ko. Pero yun yung AKALA ko. 

Nung sa tingin ko tamang panahon na para sagutin ko sya, sakto namang tinamaan ako ng malas. Makita mo ba naman syang kalandian yung ex nya? Magkaroon ka pa kaya ng gana sagutin yung gag*ng yun?

Mukhang ikaw rin, di ka ren masyadong pinalad. Naawa nga ako sayo nung makita kong sinagot nung babaeng crush mo yung isa nyang manliligaw. Yung manliligaw nyang dati nya nang gusto. Actually sinabi na nga nya sayo yun eh, pero dahil sobrang nag-expect ka, pinush mo paren. Pinaglaban mo paren yung nararamdaman mo kahit sa tingin mong wala ka nang pag-asa. Nakita ko nun sa mga mata mo yung sobrang pagkalungkot. Umasa ka kase na ikaw yung sasagutin kase nga ikaw yung bestfriend. Pero ang hindi mo alam, hanggang bestfriend lang pala kayo. 

Simula nung nagkaron na ng nobyo yung crush mo, napansin ko ren na halos hindi kayo nagpapansinan. Nakikita kong iniiwasan mo sya, ni hindi ka nga lumalapit sa kanya eh. Ganun ka pala ma-bitter? Tindi mo talaga. Kahit bestfriend mo dati, kung tratuhin mo ngayon parang wala kayong pinagsamahan. 

Nagdaan ang ilang buwan, siguro nakamove-on ka ren. Dun ko naman napansin na yung mga kaklase ko, palagi kang tinutukso saken. Naririning ko ren sa mga chismosa nateng mga kaklase na may crush ka raw sakin. Nung una, hindi ako naniniwala. Kase para ngang ang imposible. Sa isip ko, hindi ka pa ulet handang magmahal. Naisip ko ngang rebound lang ako. 

Alam mo ba, nung mga araw rin na yun, nagkaron ako ng feeling na may crush rin sayo yung bestfriend ko. Syempre ang una kong naisip, magparaya nalang ako. Tutal wala rin naman akong gusto sayo, edi sakanya ka nalang. Para naman hindi gaano kasakit, para pag iniwan kita sa ere, may sasalo parin sayo. 

Hayy, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi parin ako nagkakagusto sayo. Kahit ako na palagi yung pinapansin mo, yung kasama mo, bakit ganun? Ni hindi ko nga namalayan, parang tinataboy na pala kita palayo.. Yun yung pinaka nakakatangang bagay na ginawa ko na ngayon ay sobrang pinagsisisihan ko paren. 

At dahil hindi ka naman YATA manhid (except nung first year tayo, ni hindi mo man lang naramdaman na may crush ako sayo, nagpaka-balat kalabaw ka), nagets mo rin ata na wala akong gusto sa'yo. At siguro dahil ayaw mo nang masaktan ule, tuluyan ka na ngang lumayo sakin. 

Unti-unting nangyayari satin yung nangyari sainyong dalawa nung dati mong crush. Hindi mo na ako pinapansin. Kung dati, kahit sobrang walang wala na tayong mapag-uusapan, nage-effort ka paring gumawa ng topic kahit walang kwenta, ngayon kahit sobrang daming pwedeng pag-usapan, di mo paren ako kinikibo. Dati palagi mo pa akong binabati sa umaga, ngayon, ni simpleng 'oyy' wala akong marinig mula sayo. 

Siguro nga pinaglalaruan ako ng tadhana, kung kelan nasaktan na kita, kung kelan wala ka nang pakialam sakin, dun naman nanumbalik yung nararamdaman ko sa'yo. 

Langya, ang sakit pala. 

Ngayong baliktad na yung sitwasyon natin, sobrang nanghinayang ako. Lalo na nung naisip ko pang ipamigay ka sa bestfriend ko. Pinagsisihan ko nang pinagtabuyan kita, nagsisi ako nung iniwan kita sa ere. 

Haha, akalain mo, sinaktan ko yung sarili ko dahil sa sarili kong katangahan? Naguguluhan na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Saan ba ako nagkamali? Pero kahit na malaman ko pa yung kamalian ko, huli na. Tapos na tayo eh. 

Ngayon, kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko, wala na akong magagawa para maibalik yung dati mong pagtingin sakin. Wala na eh, nasaktan na kita. 

Kaya ang tanging masasabi ko nalang, anong nangyari? ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong nangyari?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon