PROLOGUE ~
"Akin sya!" hinila ni Taemin ang kaliwang kamay ni Aphrodite.
"Saken sasama si Aphrodite!" sigaw ni Kai na hinila naman ang kanang braso ng dalaga.
Inimbitahan ni Taemin ang dalaga na manuod ng isang romantic movie at lingid sa kanyang kaalaman ay ganun din ang ginawa ni Kai.
Hindi alam ni Aphrodite ang kanyang gagawin. Hindi nya alam kung sino ang pipiliin. Feeling nya nasa katauhan nya si Rapuzel sa sobrang haba ng kanyang buhok. Dalawang K-ARTIST LANG naman ang nag-aagawan sakanya.
Hinigit ni Taemin ang kanyang kaliwang braso kaya napasungasob ang napakaganda nyang mukha sa dibdib nito. Napasinghap ang dalaga. Maya-maya pa ay naramdaman naman nya na may humila sa kanyang kanang braso, si Kai. Napayakap sya dito.
Sa loob yata ng isang minuto ay pinag-agawan sya ng dalawang binata na para bang naglalaro ang mga ito ng tug of war. Manhid na manhid na ang kanyang mga kamay. Ang kaninang glossy hair, na ni-rejoice pa nya, ngayon ay frizzy na. Ang mukha niya, maganda pa din kahit oily na.
"Sandali nga!" umalis sya sa pagkakahawak ng dalawang binata at tiningnan ang mga ito ng masama. Yung nag-aapoy....nakakatakot.
"So pag maganda kelangan pag-agawan?!?" singhal nya sa dalawa. Napanganga naman si Taemin at Kai sa sinabi ng dalaga. "May pagkakapal din pala ng mukha si Aphrodite" sabi ni Kai sa sarili.
"Pag gwapo ayaw samahan?" banat naman ni Taemin na may pag-ngisi pa.
"Psh" inirapan lang ni Aphrodite si Taemin. Tumingin naman sila sa direksyon ni Kai na tila nag-iisip. Gusto nilang malaman kung ano ang sasabihing kayabangan ng binata.
Napatingin si Kai sa dalawa. Tiningnan nya ang mga ito na may halong pagtataka dahil para bang may hinihintay ang dalawa na sabihin ng binata.
"Pag macho kelangan titigan?" wika nya.
Lumakas ang hangin. Biglang kumulog at kumidlat na wari mo'y galit na galit ang langit. Loljk.
Inirapan lang din sya ni Aphrodite.
"Wala akong sasamahan sa inyong dalawa." pinagpabalik-balik ng dalaga ang kanyang paningin sakanila.
"Pero-----" iimik pa sana si Taemin pero hindi na sya pinatapos ni Aphrodite.
"No buts. Kung gusto nyo kayo na lang dalawa ang magsama. Besides, im not fond of romantic movies"
Tuluyan ng umalis ng studio si Aphrodite, Oo, nasa studio sila kung saan nagpo-photoshoot ang dalawa para sa isang CF. Laking pasasalamat na lang nya dahil walang staffs ang naiwan sa loob ng studio dahil kung nagkataon, malaking issue ang magaganap sa pagitan nilang tatlo.
"Ang hirap talaga maging maganda" usal niya na sinabayan pa ng malalim na buntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Torn between TWO ARTISTS [SHINee's Taemin and EXO's Kai ff]
FanfictionTorn between two shining handsome artists. Who would you chose? The one that you love? or the one who loves you?