Katatapos ko lang kumain ng hapunan, bandang alas dose na yun, medyo antok na din ako pagod galing sa trabaho bilang crew sa isang fast food chain/estudyante. graduating student na ako sa kolehiyo, kaya kaylangan tulungan ko si Uncle sa tuition fee at projects ko, di na kasi masyado makapag padala si Tatay, kakatapos lang kasi ng bagyo, nalimas ang dapat sana'y pang tuition ko, naming magkakapatid.
Buti na lang mabait si Uncle, pinatuloy nya ako sa kanyang inuupahang kwarto (apartelle) , at swerte din dahil dalawa ang pintuan, dahil merun din akong privacy kahit papaano.
Agad kong nilagay sa lababo ang pinag kainan ko, Pati bombilya nakikiramay sa antok ko.mukhang malapit na din mapundi. Nung bubuksan ko ang gripo walang lumalabas na tubig.
'Akala ko pa naman may tubig na! " may oras kasi ang tulo ng tubig sa lugar namin madalas madaling araw na.
Buti na lang may isang baldeng puno ng tubig sa banyo, siguro inipon ni Uncle bago sya umalis. nagtatrabaho din kasi syang manager sa isang maliit na bar/ club sa may Q.C maya-maya uuwi na yon, sabi ko sa sarili ko.
Agad kong hinugasan ang mga plato, pagkatapos ay naghilamos na din ako.
Naghahanda na akong matulog ng biglang tinawag ako ni Uncle habang umakyat sa hagdan, Nasa second floor kasi kami,lumabas ako ng kwarto at agad akong nagmano.
"Oi kumain ka na ba?"huwag kang magpapalipas ng gutom mahirap magkasakit!
paalala ni Uncle.
"Opo kumain na po ako!"sagot ko pero pumasok na ako sa kwarto at nahiga na ako sa kama.
"Wala pa din palang tubig? reklamo ni Uncle, "wala man lang tayong magamit kahit pang hilamos, pati yun isang baldeng pambuhos na kinuha ko sa baba wala na din?! Imbyerna talaga!
"Kaya pala may lasa yung tubig kanina!??"...
_FIN_
YOU ARE READING
Isang Baldeng Tubig
HumorMinsan, malalaman mo ang halaga ng isang bagay kapag wala na ..