"Sir, ipinapaabot po ng inyong abogado" inilahad sa akin ng aking sekretaryang si nic ang isang sobre.Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. "Thank you nic" ngumiti ako.
Sa dalawang taon kong paghihintay dito sa germany ay dumating na din itong sobreng ito.
Binuksan ko ang sobre at mapait na ngumiti.
Laman lang naman neto ang papel na humihingi ng aking pirma. Na para tuluyang mawalan na ng bisa ang isang sumpaan na dati naming ginawa.
Sumpaan namin ng aming pagibig sa harap ng diyos. Sumpaan naming dalawa ng babaeng matagal ko ding inibig, at patuloy ko paring iniibig.
Flashback year 2000
Payapang nagmimisa ang pari sa harapan sa misang aming dinaluhan.
Kasama ang pamilya ko.
Hawak-hawak ko ang bibliya katabi ang aking kapatid na babae na mas matanda sa akin. Sa magkabilang gilid naman namin ay ang aming mga magulang na taimtim na nakikinig sa pangaral ng pari.
Hindi naman ang ganoong relihiyoso. Kaya siguro ay nakakaramdam ako ng antok.
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa libro.
Hanggang sa nasilaw ako sa isang liwanag na tumatama mula sa aking mukha.
Agad kong nilingon kung san iyo nanggagaling.
Sa kabilang banda ng mga upuan ay may batang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lamang ang itinataas ang kanyang kwintas na tinatamaan ng sinag ng araw at itinatapat nya sa gawi ng mukha ko.
Nang mahuli ko ang kanyang pangin ay ngumiti sya kaya napangiti din ako.
Lumingon ako sa aking kapatid.
"Ate, diba sya yung babaeng ikinukwento ni dexter na inampon ni manong luis?" Si dexter ay isa sa aking mga kaibigan. Mula noon pa man ay naging magakaibigan na kami noon. Si manong luis naman ay isang mekaniko sa bayan namin kaya kilala namin sya.
"Sshh. Makinig ka na nga lang dim!" Bulong na saway ng aking ate kim.
Lumingon ako ulit sa batang babae na sumisinag sakin ng kanyang kwinta at nginitian sya. Ngumiti sya pabalik kaya nilungon ko na ulit ang aking libro at itinuon ang atensyon sa misa.
Natapos ang misa ay nagsilabasan na ang mga dumalo dito. Sumunod agad ako sa aking ina na naglalakad na palabas.
Paghakbang ko palang palabas sa aming inuupuan ay nahagip na ng aking paningin ang isang makinang na bagay sa sahig.
Pinulot ko iyo at napagalamang isa itong kwinta na may palawit na dahon. Ginto ito kaya makinang pagtinatamaan ng liwanag.
Naalala ko naman yung batang babae. Dito sila sa pwestong ito nakaupo kaya siguradong ito iyong kwintaa na ginagamit nya kanina.
Lihim akong napangiti. Narinig kong tinawag na ako ng aking ina kaya agad akong tumakbo palabas para sumunod sa kanila.
Dumungaw ako sa bintana ng aking bahay at napangiti ng matamis ng maalala ko yung memoryang iyon.
Bakit nga ba napunta sa ganitong sitwasyon?
Bakit nga ba'y hindi pa nagsisimula ang aming istorya, ngunit patapos na ito?
Marahil siguro ipinakilala lang kami sa isa't isa upang maging gabay ngunit hindi para maging karamay sa habang buhay.
Ang matamis na pagiibigan nami'y napunta dito sa papel na kelangangang pirmahan upang matapos na ang aming sinumulan.