Kabanata 3

0 0 0
                                    

Flashback year 2003

"Yow!" Mahabang sigaw na salubong samin ni dexter na nakaupo sa chicken house dito sa b.f.

Parang isang  mini bar and restaurant itong chicken house kaya dinadayo talaga ng mga teenager dito sa amin.

Umupo kami sa upuang inilahad sami ni dexter. Naging maingay ang aming mesa sa kanya kanyang kwento.

Kumuha ako ng isang maliit na bote ng beer at ininom ito.

Kabi-kabila ang ingay ng mga teenager na kanya kanya ang ginagawa kasama ang mga kaibigan nila.

Malapit lang din kase ito sa isang high school kaya dinadayo.

Sa di masyadong kalayuan ng aming pwesto ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng maputi, makinis ang kanyang balat at halos walang peklat. Sa aking palagay ay mas bata sya ng isang taon sakin. Kulay tsokolate ang kanyang buhok na mahaba at kulot sa dulo.

Maganda sya. Napakaganda.

Patuloy ang ingay sa aming mesa at patuloy ko paring pinagmamasdan ang babae. Naka asul na bistida sya na hapit sa kanyang katawan backless iyon kaya makikita mong napakinis nya.

Masaya syang nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan na halos puro varsity player sa school nila.

Napalingon sya sa gawi ko. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Napakatamis na ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChancesWhere stories live. Discover now