chapter 2

5 1 0
                                    

Ace's pov.

"Bakit kailan ba ang alis mo Patungo sa mundo ng mortal ?" Tanong ko kay Raven na nakatanaw lang sa malawak na hardin.

"Sa susunod na linggo na" malungkot na sabi nito.
"Kung ganuon ay matagal tagal din pala tayong hindi mag  kikita" nalungkot din ako ng maisip ko iyon.
"Sa tingin ko oo"
"Ayos kalang ba?" Nilingon naman ako nito.
"Alam mo Ace ikaw lang ang kaibigan ko sa boong buhay ko ikina lulungkot kong mag kakalayo na tayo, ang hirap dahil pakiramdam ko iba talaga ako sa inyo" malungkot na sabi nito.

" ikaw lang din naman ang kaibigan ko,at wag mong isiping kakaiba ka sa amin" pilit kong pinagagaan ang loob niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganon nalang kadali sa kanya ang ilayo ako"

"Para sayo ang lahat ng disisyon niya" seryosong sabiko dito.
"Oh baka para sa sarili niya lang? Nahihiya siyang may anak na may dugong tao" Mapakla ang pag kakangiti nito.
"Pakiusap, tigilan mona ang pag iisip ng ganyan, walang hinangad ang hari na ikasasama ng iba" alam ko kung gaano ka buti ang hari ng pumayag itong dito ako tumira ng mamatay ang aking ama.
"Tama hindi siya gagawa ng ikasasama ng iba pero hindi ng sarili niyang anak" .

"Raven".

Dumating na ang araw ng kanyang pag alis yung huling pag uusap namin ang huling kita narin namin.

"Magiging ayus lang siya doon" tumingin naman ako sa likod ko ng may marinig akong nag salita.

"Kayo po pala pinunong  Yuan" lumapit ito at tumabi sa akin.

"Wag ka masiyadong mag alala sa mahal na prinsipe,hindi siya pababayaan ng hari doon,marami itong ipinadala taga pag bantay " paliwanag pa nito.

"Hindi ako nag aalala sa kanya, sa nararamdaman niya ako nag aalala"

"Nararamdaman?" Tumingin naman ito ng may pag tataka sa akin.

"Opo! Iba ang tingin niya sa kaniyang sarili kaya nahihirapan itong maki bagay sa paligid niya", napa yuko ako" alam kong nahihirapan na siya sa nararamdaman niya".

"Talagang nag aalala ka sa kanya ha!" Naka ngiti naman ito sa akin ng lingunin ko .

"Siguro nga po!" Na isagot ko nalang.

Raven's pov.

Isang lagusan ang aming dinaanan para maka rating sa mundo ng mga tao,palabas na kami sa isang madilim ng kweba ng matanaw ko ang kaunting liwanag mula sa pababang sinag ng araw.

Bumungad sa akin isang rebulto ng isang anghel at demonyo na kung saan sinaksak ng anghel ang puso ng demonyo apaka gandang rebulto nito.

"Ang lagusang ito ay binuksang muli ng iyong ama ng mag pakasal sila ng iyong ina " sabi ni Isa'ak nilingon ko naman ito."nag padala siya ng mga bampirang mapag kakatiwalaan para bantayan ang mundong ito sa kahilingan narin ng iyong ina" dagdag pa nito.

"Dalin mo nalamang ako sa aking tutuluyan" malamig na sabiko.

Kaya nag lakad na kami at sumakay sa isang itim na kotse.

Hindi naman ganoon kalaki ang pinag kaiba ng mundong ito dahil gaya ng mundong ito ay nag tatrabaho din ang nilalang sa amin para kumita para maka kain,at hindi dugo ng tao ang iniinom ng mga vampire sa amin kundi dugo ng mga selestial beas na kung saan ginagawang mga gamot ang dugo nila na tinatawag na blood tablets, pero ang ibang bampira ay pumapatay ng mang kukulam at iba pang lahi para mapawi ang gutom na ipinag babawal naman ng aking ama hindi ko alam kung umiinom ba talaga sila ng dugo ng tao,noon siguro nung panahong malaya pang mag labas pasok dito ang mga bampira.

Hindi kopa nararamdaman ang pag ka uhaw sa dugo sabi nila pag tungtong ko sa tamang edad ay lalabas na ang natural na uhaw ko sa  dugo.

Sa mahabang pag iisip ay diko na namalayang narito na pala kami sa isang bahay, bumukas na ang gate ng kusa at pumasok na, pag hinto ay bumaba na ako.

Tama lang ang laki ng bahay hindi gaya ng palasyo ng aking ama na talaga namang sobrang laki na kahit ilang taon na akong naroon ay hindi ko parin nalibot at kabisado ang bawat pasilyo dahil may lugar na ipinag babawal sa akin.

Ng maka pasok ako ay bumungad sa akin ang dalawang babaeng may edad na.

"Sila si Amalya at Lethy sila ang mag sisilbi sayo rito" Isa'ak.

"Maligayang pag dating master" at sabay silang yumuko.

"Saan ang aking silid?"
"Sa taas po" si Amalya ang sumagot, dinala nila ang gamit ko at inihatid ako sa aking silid.

"Aalis na ako sila na ang bahala sayo" hindi kona nilingon pa ito at sinara nalamang ang pinto.

Napaka lungkot ng kwartong ito gaya sa palasyo,nalayo pa ako sa aking nag iisang kaibigan.

Nahiga ako sa kama at pinilit na matulog nalamang.

"Master kakaen na po" naka rinig ako ng tinig kaya agad kong minulat ang aking mga mata at nilingon ang pinto.

"Hindi ako nagugutom kayo nalamang ang kumain" sabiko dito.

"Ganun po ba! Sige po aalis na ako"

Tumingin ako sa bintana tanging liwanag lamang ng buwan ang nag bibigay liwanag sa aking silid,tumayo ako at tumungo sa veranda tinanaw ang bilog na buwan.

"Sa mga oras na ito siguradong marami nanaman ang problema sa palasyo dahil sa bilog na buwan" .
Dahil hindi mapigilan ng iba ang pumatay at uhaw sa dugo.

****

Kina umagahan bumaba na ako, naka hain naman na ang pag kain ko at wala ang daLawang taga silbi.

Habang kumakain ay may isang lalake ang dirediretsong pumasok at lumapit sa akin,naka itim ang ka sootan nito natulala naman ako ng may iabot ito at umalis ring bigla.

Nilingon ko pa uli ito pero wala na ito ng silipin ko naman ang block envelope na iniwan nito may naka larawang  white wings.

Kinuha ko naman ito at binuksan may naka sulat rito na Angel's university.

"Parasaan naman ito? Hindi manlang niya ipinaliwanag kung para saan ito."
Ang dumating na yun ay isang mensahero na galing sa aming mundo.

Bigla namang dumating na ang isa sa mga tagasilbi na si
Lethy at nakita niya ang hawak kong block envelope kaya lumapit na ito sa akin.

"Pinadala na po pala yan ng inyong ama" tukoy nito sa hawak ko.

Hindi ko ma tuloy kung tao ba ang dalawang taga silbi sa bahay naito.

" parasaan ba ito?" 

" ah! Isang sulat yaan para sa paaralang papasukan ninyo" paliwanag nito.

" paaralan? Mag aaral ako? Akala koba nasa panganib ang buhay ko bakit kailangan kong maki halubilo sa iba?"

"Hindi ko rin po alam" napapahiya namang sagot nito.

Hindi nako nag tanong pa at muka namang wala nga itong alam.

Lumabas ako buti nalang at may hardin din ang bahay na ito,gustong gusto ko ang kulay berdeng paligid at mababangong mga bulaklak nakaka pag relax ako pakiramdam ko pag nasa ganito akong lugar.

Naupo ako sa duyang naka sabit lang sa sanga ng isang puno.

"Hindi ko maintindihan ang mga desisyon niya" sabiko sa aking sarili.

"Aling disisyon naman niya" nagulat ako sa biglang boses sa paligid ko napatayo ako at hinanap ito,"andito ako sa taas" kaya tumingala ako sa puno,"hi" kaway pa nito at tumalon pababa,ngayon ay nasa harap kona ito.

Bakit ba kung saan saan nalang sumusulpot ang isang ito.

"Anung ginagawa mo rito?" Muli akong na upo sa duyan.
"Dika ba masayang makita ako?" Pang aasar ni Yuan sa akin.
"Nag kita tayo kahapon bago ako umalis" pang babara ko dito na ikina simangot naman nito.

"Nga pala, parasaan ang pag aaral ko?"
"Ah! Yuon ba?,para daw malibang ka kahit na paano sabi ng iyong ama haha" pag kausap ko ito parang biro lang ang lahat.
"Hindi ako nag bibiro" seryosong sabiko.
"Hay! Kailangan mong matutong maki halubilo sa tao para sa kapakanan mo" para sa kapakanan ko?  Napa ka gulo ng lahat para sa akin.
"Oh!" At may iniabot itong kwintas na may krus na palawit,"ipina bibigay ng kaibigan mo" kinuha ko naman ito at napangiti nalang.

Si Ace kamusta na kaya siya..

...

The Knight And The Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon