Raven's pov.
Ito ang unang araw na papasok akon sa eskwelahan dahil kahit sa aming mundo ay hindi ako pinag aral sa mga school doon at sa bahay lang ako tinuruan.
Marami narin naman akong nalaman tungkol sa tao kahit pa hindi namin sila na kaka halubilo noon ay may alam na ang ilan sa amin tungkol sa kanila ,lalo na ngayon muli nanamang pinag ugnay ang dalawang mundo.
Pag baba ko ng sasakyan ay na agaw ko ang atensyon ng mga nasa paligid ko, nag bubulungan sila ng kung anu ano at yung iba ay diko malaman ang galaw para silang mga bulating nilagyan ng asin, hindi ako pamilyar sa ganitong sitwasyon dahil di naman ako lumalabas ng kaharian noon.
"Sumunod po kayo" sabi ni Amalya kaya sumunod naman ako,ganuon parin ang mga tao sa paligid pag nakikita ako ay napapa hinto at di maipaliwanag ang reaksyon.
Pumasok kami sa isang silid,may isang babae ang naka upo at naka tunghay sa akin.
"Ma upo ka dito" utos nito kaya lumapit na ako si Amalya ay umalis na.
"Raven Dela Cruz tama ba?" Tanong ng babae na sa tingin ko ay may edad 30 na pero maganda parin ,pati ang katawan base sa hubog nito.
"Opo ako nga" iniba ang apilyedo ko sa mundong ito,ipinaliwanag sa akin ni Yuan kahapon kung bakit.
"Welcome to our school,isang karangalan na mapili mo ang aming paaralan para pasukan, malaki ang naitulong ng iyong ama para maayos ang aming paaralan kapalit ng pag tanggap sayo dit" ngumiti ito sa akin.
May iniabot itong papel at yuon daw ang section at room number ko room 206 kaya hinanap kona ito.
Natag puan ko naman agad ito sa ikatlong palapag,kumatok ako bago pumasok.
"Mukang narito na ang bago niyong kaklase,tuloy kana" kaya pumasok nako.
"Sabi sayo ii,siya yun"
"Ang gwapo niya no"
"Ang swerte natin at dito siya napunta sa section natin"
Bulungan ng mga babae sa paligid pero iba naman ang tingin ng mga lalake sa akin."Tahimik! Mag pakilala kana" sabi sa akin ng magiging guro ko.
"Ako si Raven Dela Cruz ,18 taon noce to meet you all""Grabe pangalan palang cool na"
"Kaya nga ii""Maaari kanang maupo sa naisin mong bakanteng upuan." Kaya nag lakad ako papunta sa dulo sa may bandang bintana kung saan tanaw ko ang kalangitan.
Hindi parin matigil ang pag lingon sa akin ng mga kababaihan kahit na nag tuturo na ang guro,ang iba naman sa itinuro nito ay napag aralan kona.
Napaka aliwalas ng langit apaka gandang pag masdan nito.
Lumabas na ang teacher ,may lumapit naman sa aking dalawang babae.
"Ah! Hai! " nahihiyang sabi nito.
"Nga pala ako si Anna at siya si Denise " pakilala nila sa kanilang sarili.Pero hindi ko ito pinansin at nag lakad palabas ng room.
Narinig ko pang nag salita sila na suplado daw ako.
Ayoko lang makipag kaibigan kung kanino lang.
Nag lakad ako hanggang sa marating ko ang isang tahimik na lugar sa likod ng building ng school na puro puno, pumuwesto ako para mahiga doon ng may marinig akong boses.
"Anu ba bitiwan niyo nga ako" boses ito ng babae.
"Wag kanang maarte pwede ba" boses naman ito ng lalake.
"Oo nga apaka arte mo" boses ng isapang lalake.Sumilip ako at nakita kong hawak ng dalawang lalake ang isang babae at mukang may balak silang masama.
"Tulungan niyo ko" sigaw ng babae na maluha luha na.
![](https://img.wattpad.com/cover/111955990-288-k896159.jpg)
BINABASA MO ANG
The Knight And The Vampire Prince
VampirosIsang vampire prince na may dugong tao ang isinilang sa mundo ng mga kakaibang nilalang pero dahil sa hindi lumalabas ang pagiging bampira nito ipinadala siya sa mundo ng mga tao ng kanyang ama. Mahirap man ay sinunod nalamang niya ito kahit boong b...