20th-favorite spot

20 4 17
                                    

Para akong tanga!
Para akong bata!
Nasa pinakasulok ng aking kama umiiyak habang yakap yakap ko ang aking mga binti.

"Mama sorry mama"-bulong ko

Paulit ulit kong binubulong sa hangin habang umiiyak baka sakaling marinig ako ni mama . sana marinig niya ako

Simula ng mamatay si mama nagsimula na rin akong ibully ng mga classmates ko . haha bakit kasi hindi ko yun naisip ! Wala na pala ang tagaligtas ko kaya pala binubully nila ako . lagi kong sinisisi si mama dahil sa buong akala ko siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan . pero mali ako ! Maling mali! Siya pala ang dahilan kung bakit hindi ako mabully ng classmates ko nung buhay pa siya ...

*flashback*

" papa! Uwi na tayo! Gisingin mo na si mama!"-sigaw ko habang umiiyak

"Joy, wala na si mama. Patay na siya , kinuha na si papa Lord"-si papa

" hindi pwede! Humingi ako kay papa Lord ! Sabi ko pagalingin siya! Bakit! Bakit hindi tinupad ni papa Lord ang dasal ko! Bakit !!!"-sigaw ko

Oo sumisigaw ako sa morque ! Wala akong pakealam kung mapagalitan ako o ano! Nasasaktan ako! Nalulungkot ako ! Hanggang sa huli hindi ko man lang naparamdam sakanya na mahal na mahal ko siya . hanggang sa huli di ko man lang nasabi sa kanya na sobrang mahal ko siya

Hanggang sa huli....

"Mama! Gising na! Mama!"-sigaw ko habang niyuyogyog ang kamay niya

Niyakap lang ako ni kuya habang umiiyak si papa naman hinahaplos ang ulo ko habang umiiyak

" MA!!!!!!! MAMA!!!!!"-hagulgol ko

Hindi pwede mawala si mama! Kailangan namin siya !

Papa Lord please ibalik mo si mama! Please ibalik mo sa amin si mama!

Hawak hawak ko ang kamay ni mama habang umiiyak
Hawak hawak ko ang malamig niyang kamay

"Sir kukunin na namin ang bangkay"-sabi nung lalake

" hindi pa patay ang mama ko! Bitawan mo ang mama ko!!"-sigaw ko

"Joy. Hayaan mo na sila"-si papa

" hindi! Mama!! Wag niyo kunin mama ko!!"-sigaw ko habang sinusubukan kong makawala sa pagkakahawak sa akin ni kuya

Pinipilit kong makawala habang nakikita kong palayo ng palayo si mama

*end of flashback*

*tok tok*

"Shobe?"-si kuya

Hindi ako sumagot . ayokong marinig niya akong umiiyak

Hahaha simula pa naman dati eh! Simula ng mamatay si mama hindi ko na hinayaan na makita nila akong umiiyak ! Kahit minsan !

" introverta! Alam kong gising ka!"-si kuya

Wala ! Wala akong planong lumabas ng kwarto . wala akong plano! Gusto ko lang umiiyak ng umiyak hanggang sa mawala ang sakit.
Gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.
Gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang sa mapatawad ko ang sarili ko!

"Shobe papasok ako!"-si kuya

Gusto kong ayusin ang sarili ko . ayokong makita niyang umiiyak ako pero wala . wala akong lakas para magtapang tapangan !

" alam mo yung huli kitang nakitang nakasiksik sa sulok habang umiiyak yung namatay si mama. how old are you nga nung namatay si mama? 8? Ay wait 9! Yeah 9 years old ka nung namatay si mama . 17 kana ngayon mag 18 this december. Imagine 8 years bago kita makitang umiiyak . 8 years ka na rin nagtapang tapangan"-si kuya

Life Of An Introvert! (Are You One Of Us?)Where stories live. Discover now