Chapter 7 SELFISH?

237 7 0
                                    


Naghari ang katahimikan dito sa rooftop pagkatapos kung umiyak sa mga bisig niya.

"Alam ko nung una palang na masasaktan ka lang sa ginagawa mo" bigla niyang sabi. Di ako agad nakasalita.

"Okay lang naman ako" pahina na pahina ang boses ko.

"Okay?! Ha!" Di siya makapaniwala.

"Sa lagay mong yan Okay ka? Masyado kang martyr Shamy! Nagpapakamartyr ka sa manhid mo ring Bestfriend na di man lang inisip ang nararamdaman mo." 

Nakayuko lang ako habang nagsisimula na namang manginit ang mga mata ko.

"Hindi ka Okay Shamy. Stop pretending! Stop fooling yourself na okay ka dahil ang totoo ay hindi naman talaga!" Pasigaw niyang sabi at napahilamos sa sariling palad.

"Ano ang gagawin ko? Di ko nga alam kung bakit ganito" malumay kong sabi

"Bakit ganyan? Kasi masyado kang kumpyansa sa sarili mo, komportable ka masyado di ka aware sa feelings mo kaya ngayun gulat ka nalang na nasasaktan ka na"

Di ako makapaniwalang ganito magsalita si Gavin. Ang binansagang play boy ng boung Cloud International School. Puno ng hugot ang bawat binibitawan niyang salita at talaga namang tagos ito sa akin.

"Isipin mo naman ang sarili mo, ang kasiyahan mo. Di ka pinagkaitan ng kasiyahan Shamy, nasa iyo na yun kung pipiliin mo bang maging masaya  ang sarili mo o ang ibang tao. Oo! Masaya nga bestfriend mo yun ang gusto mo diba? Pero look at yourself masaya ka ba sa ginagawa mo?" Parang prof siya na pinapagalitan ako

"YES" mahina kong sabi.

"It's a NO Shamy, obviously NO look at yourself nasasaktan ka, yan ba sayo ang masaya? Kahit once isipin mo naman ang sarili mong kaligayahan. Tandaan mo di ka pinagkaitan"

"Pero ipinagkait na sa akin ang taong dahilan ng kasiyahan ko"

Natigilan siya at di agad nakapag salita.

"Siya lang ba ang dahilan ng kasiyahan mo? May pamilya ka pa Shamy. Sila ang tunay na kasiyahan mo"

Napatingin lang ako sa malayo.

Sa lahat ng mga sinabi niya, lahat nun ay may punto siya. Di ko akalain na sa oras ng ganitong pangyayari siya pa ang makakasama ko.









Gavin's POV

Gago yung manhid na yun. Habang masaya siya may isang nasasaktan sa isang dulo.

Madaling lumipas ang mga araw, palagi kaming magkasama ni Shamy.

Dahil yung manhid niyang bestfriend ay busy sa bago niyang lovelife. Kahit pangangamusta lang di pa masabi kay Shamy. Gago talaga.

Di pa naman masyadong okay si Shamy pero atleast nakakatawa na siya ngayun, focus kami sa pag rereview dahil malapit na talaga ang finals. Minsan nahuhuli ko siyang naiiyak habang tinitignan ang bestfriend niya.

Bestfriend niyang wala namang paki alam sa nararamdaman niya.

Yeah, lahat ng estudyante dito masasabing playboy ako.

Pero behind this playful attitude?

Ang masakit ko ring pinag daanan.

Pain, that's the reason why people change.

"Shamy let's go kain na tayo" sabi ko at tiniklop niya na rin ang libro niya.

Ako na parati ang nasa tabi niya, parating pinapaalahanan sa tuwing naiiyak na naman siya, hinahatid ko rin siya pauwi since Walang kwenta ang bestfriend niya

The Painful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon