Chapter 3

2.2K 19 1
                                    

THE PAYMENT

Written by Milfeul Hancock

Pagdating sa ospital ay kabadong naghihintay at nag aalala si Clarence sa labas ng emergency room.Isang babaeng doktora ang agad na mag aasikaso sa kaawa awing itsura ni Joan.Puno ng pasa ang katawan ng dalaga, at halos butot balat ito ng hubaran ng mga nurse na nag aasikaso sa kanya.

‘’Cathy pakitanong ang nagdala sa babeng to kung napano ang pasyente ako na ang bahala muna dito.’’wika ng doktora na hindi maiwasang malungkot at maawa sa kalagayan ni Joan.

Dahan dahan niyang lalapatan ang sugat ni Joan ng magulat ito ng may makitang birthmark sa may likod.Biglang nag flash back ang kanyang nakaraan,nanginignig ang kamay ng hawiin  nito ang buhok sa mukha ni Joan.

‘’Hindi maari! Joan anak ikaw bay an?’’umiiyak na wika ng doktorang babae ng biglang pumasok ang nurse n inutusan nito.

‘’Dok Belinda gusto po kayo makausap ni Don Armando.’’wika ng nurse kay Belinda na papahiran ang kanyang mga luha at agad na iniwan ang nooy kakagising  pa lang na si Joan.

Maririnig ni Joan ang malaking boses ni Don Armando,pinagmasdan niya ang paligid at nakaisip ng paraan para takasan ang malupit nitong amo.Dahan dahan siyang tumayo at nakiramdam sa loob ng ER.Saktong maraming pasyente ng may naaksidenteng bus sa bayan kaya naman ng matapos magbihis at madali para sa kanya ang tumakas sa loob ng ospital.

‘’Malaya na ako! Sa wakas makakalaya na rin ako sayo Don Armando.’’wika ni Joan na nagmamadaling lumabas ng biglang may mabunggong tao na lubos niyang ikagugulat.

‘’Ikaw? Anong ginagawa mo dito dapat nasa loob ka at nagpapagamot!’’wika ni Clarence sa gulat at nangangambang si Joan.Akma siyang tatakbo ng hilahin siya papalayo ni Clarence papunta sa sasakyan ng binate.

‘’Ayoko ng umuwi ng mansion,maawa ka sakin! Wag mo na akong ibalik doon!’’wika ni Joan kay Clarence na nkatingin sa nakakaawang mga mata ni Joan.

‘’Alam ko kaya nga hinila kita doon kasi andun ang Papa ko,sumakay ka na at ilalayo kita dito.’’wika ni Clarence kay Joan na nag aalangan sa mga binitawang salita ng binate.

‘’Ako nalang ang bahala sa sarili ko,salamat nalang sa tulong mo.’’wika ni Joan na walang tiwala at akmang aalis ng hawakan siya sa braso ni Clarence.

‘’Maraming tauhan si Papa,sa tingin mo madali lang sayo ang magtago sa maliit na bayang to? Sumakay ka na and trust me hindi kita sasaktan o ibabalik sa mansion.’’wika ni Clarence ng mapansin ni Joan ang isang tauhan ni Don Armando na lumabas at nagsindi ng sigarilyo.

Agad na pumasok si Joan sa kotse,kailangan niyang magtiwala kay Clarence para makalayo kay Don Armando.Habang nakatakas na si Joan ay makikita naman si Don Armando at ang doktora na tila ba nagtatalo.

‘’Ilang taon kang nawala Belinda!Bakit? bakit ngaun kalang nagpakita’’wika ni Don Armando ng magkita sila ni Belinda.

‘’Sinira mo ang buhay ko Armando,dahil sayo napilitan akong iwan ang anak ko sa ibang tao.Akala ko mahal mo ako? Pero anong ginawa mo? Nagpakasal ka sa ibang babae! Iniwan? Hindi kita iniwan! Ang Papa mo ang nagsabi sakin na nagpakasal ka na sa iba.Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo ang buhay naming ng anak mo‘’wika ni Belinda kay Don Armando na hindi makapaniwala na sa loob ng ilang taon ay nagkaroon pala sila ng anak ng tanging babaeng minahal nito sa kanyang buhay si Belinda.

‘’Patawad Belinda,hindi ko alam na ginawa pala un sayo ni Papa.Saan mo binigay ang anak natin? Hahanapin ko siya..hahanapin ko ang anak natin para mabuo ang pamilyang ito.’’wika ni Don Armando na hanggang ngaun ay nasa puso parin nya si Belinda.

‘’Hindi mo na kailangan pang maghanap Armando,nakita ko na siya.Nasa ER siya ngaun,sabihin mo sa akin anong nangyari sa dalagang puros pasa ng katawan? Bakit ikw ang nagdala sa kanya dito? Siya ang anak mo Armando,siya ang nawawalang si Joan!’’wika ni Belinda sa nawindang na mundo ni Armando.Nanghina ang tuhod niya at halos nanikip ang dibdib nito ng malamang ang babaeng pinagsamantalahan,sinaktan at halos mapatay niya ay ang nawawalang anak nila ni Belinda.

‘’Bakit? Bakit kailangan siya pa? Hindi ito maari! HINDEE!’’sigw ni Armando na mapapa hagulhol ng iyak ng maalala ang kalupitan at kabastusang dinanas ng sariling anak sa mismong mga kamay niya.

Samantala sa isang villa mapapadpad sina Joan at Clarence,property ito ng ina ng binata.Kahit si Armando ay hindi pa napupuntahan ang lugar na iyon ng kanyang dating asawa.Inalalayan agad ni Clarence si Joan at agad inutusan ang mga katulong na ipaghanda ng makakain ang dalaga.

‘’Salamat,bakit ang bait mo sakin?’’tanong ni Joan kay Clarence na mapapa buntong hininga matapos maihiga sa kama ang dalaga.

‘’Hindi ako mabait,alam ko lang kung ano ang tama.Ano bang pangalan mo at papano ka napunta sa poder ng Papa ko?’’tanong ni Clarence sa maluha luhang si Joan.

‘’Joan ang pangalan ko,pinambayad ako ng Tiya ko para sa mga utang ng pamilya niya.’’wika ni Joan kay Clarence na lalong naawa sa kondisyon ng dalaga.

How could someone do this to a defenseless girl like Joan? Pinagmasdan ni Clarence si Joan,sa tingin nitoy magkasing edad lang sila ng dalaga.Napatingin siya sa mukha nito at mapapansin ng binata na maganda si Joan.Kung tumaba lang siya ng konti at bumalik ang dating sigla ay masasabi ni Clarence na perfect gf material si Joan.Pero bakit ba niya un iniisip? Ang mahalaga ngaun ay ang kaligtasan at ang pag galling ng dalaga.

‘’Dito ka muna tumira,sila Yaya Cely Na ang bahala sayo dito.Kailangan kong bumalik ng mansion para hindi makahalata si Papa.Dadalawin nalang kita dito sa mga susunod na araw.’’wika ni Clarence kay joan na akmang babangon ng lapitan siya ni Clarence.

‘’Maraming salamat,utang ko sayo ang aking buhay.’’wika Ni Joan sa mapapangiting si Clarence,iyon ang umpisa ng kanilang pagkakaibigan habang si Armando at Belinda naman ay hindi makapaniwala na biglang nawala ang matagal ng hinahanap at nawala nilang anak na si Joan.

Itutuloy…………

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE PAYMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon