Chapter 14 :)

112 3 0
                                    

Natalie's POV:

Ano ba naman yan! di ako makatulog! nakakainis! bakit ko ba kasi nasabi yun. 

saka...

saka...

saka...

kiniss niya ako sa lips! waaaaah! nakakainis. di ako makatulog. bwisit ka Daniel! humanda ka sakin bukas sa School. mouhahaha! 

okay, muka na akong witch. haha.

 Joke lang! Di ko nga yan pinapansin sa school eh.

FAST FORWARD NA TAYO.

Natalie's POV:

*kriiiing* *kriiiiiing*

ayy nako naman. eto ang ayaw ko e. alarm clock. naiinis ako sa tunog neto. panira ng panaginip.

antok na antok pa ako. e pano naman kasi dalawang oras lang ata tulog ko? Di pa rin ako makaget over.

"oy baby namin. nakakatakot ka naman. para kang zombie diyan"

"ee pano kasi puyat. may inisip ata e. haha!"

Tumigil kang Daniel ka. ikaw tong may kasalanan kung bakit di ako makatulog ng ilang araw eh.

So, ayun umupo na ako dun sa table. Kumakain sila mama eh. Kaya nakikain na lang din ako.

"Baby namin, buti na lang at maaga kang nagising mamaya kasi andiyan nayung damit niyo. sukatin niyo na lang."

"Eh mama. malamang naman maaga akong magigising. May pasok kaya."

 "Wala kaya tayong pasok ngayon."

 "huh? Bakit?"

"Di ba nga po sabi wala tayong pasok bago ang prom. prom na kaya bukas."

"Bukas na ba yun?"

"Ay hindi hindi! Kahapon."

"Ewan ko sayo!" Nagaala vice ganda ka pa diyan! BAKLA. Eto naman si mama pinagtawanan pa ako T.T

Eto na lang ako at nanunuod. 11 AM pa lang? Ano ba naman yan ang aga aga pa pala. 

*ding dong*

"LAlalala! ako na magbubukas~" Sabi ni mama habang kumakanta pa.

Bagong hobby siguro. Hmmm, teka bakit andito si mama? walang pasok?

"Natalie! Eto na yung isusuot niyoooo! Ang gandaaaaa!"

"wow! ma, thanks! Ang gandaaaa."

"Ayus to ma ah. Ang cool. Sana lang wag magalit si Tracie."

"Eh andito naman si Natalie. Hiwalayan mo na yang si Tracie! May iba akong nafefeel sa kanya eh. Para bang may masama siyang aura."

"Ma naman."

"Oo na. Sige na. Di na nga eh. Sukat niyo na lang to.

Eto na nga nagbihis na ako. Ang hirap naman neto isuot. Argh! Grabe ha.

Ayun after 10 years natapos din.

"Ang ganda talaga baby namin! Sayang wala yung dalawa mong kuya! Di ka nila makikita!"

"Ay nako ma. Wag na. Mang aasar lang yun."

"Ang ganda naman ng baby namin! At aba! Ang cool ng suot mo bunso ah!"

"Wag mo nga ako tawaging bunso!" sabi ni Daniel.

"Hala kuya Alfred at Kuya Michael bakit kayo andito?"

"Eh maagang natapos photoshoot namin eh."

"Dalaga ka na talaga baby namin!"

"che! Kaya ayoko ipakita sa inyo kasi aasarin niyo lang ako eh."

"Oh sige na. Tama na yan. Magpalit na kayo Daniel."

ayun bumaba na ako. Andun sila sa sala. nanunuod habang kumakain ng junk food.

"Oy kuya! Paa mo! Uupo ako!" Nakahiga pa kasi eh. Umupo na ako nung tinanggal niya paa niya. Mas gusto ko kasi dito umupo eh.

"Ay Natalie. Nakita ko na si Sophia!" sabi ni kuya sabay sipa ng mahina sa hita ko.

"Makasipa naman. Maganda ba siya?"

"Yeah! Ang hot nga eh!"

"Tumigil ka Alfred ah. GF ko yun!"

"Ay GF mo na kuya?! pakilala mo sakin! Sige na!"

"Oo. Bukas pupunta siya dito."

"Ayy. Eh aalis kami ni mama eh. Magpapaayus pa ako."

"Eh kung si Sophia na lang kaya magmake up sayo? magaling naman yun eh. Tapos paayos ka na lang ng buhok sa parlor."

"Wow! Edi sige! Gusto ko yan kuya!"

Gusto ko maging kaclose si Ate Sophia eh. Wow. Ate agad tawag? Close na? Haha. Eh sa gusto ko eh. 

KINABUKASAN

Natalie's POV:

Prom naaaa!

Ngayon pa lang ako naexcite! Hoho.

Pag baba ko naririnig ko yung mga tawanan nila mama.

"Ma, Ang ingay niyo na-. OMG! Sophia Larsen?" Sabay turo ko dun sa babae.

"Ay. Hello!" Nagsmile siya. "Ikaw siguro si Natalie?" 

"Yup! ikaw yung tinutukoy ni Kuya?! Eh ikaw yung sikat na model eh! Di ko akalain na ikaw pala yun! Big time ka kuya ah!"

Kwentuhan lang kami dun hanggang sa minake-upan na ako ni Ate Sophia. Ate na talaga tawag ko sa kanya noh. Haha.

Tapos na akong make-upan. Suot ko na rin yung Gown ko para dere deretso na kami. Si Daniel aayusan din siya dun. Kelangan niya din kasi ng make up pero di naman ganun ka bongga noh. Ayaw niya ilantad pagka bakla niya eh.

Pagkapasok namin dun.

"welcome maam sir! Wow! Ang ganda at ang gwapo naman ng couples na ito."

"Ay miss-"

"Siyempre naman! Bagay na bagay sila noh?" Si mama pinutol ang salita ko. Kainis. 

Tapos ayun inayusan na ako. 

Ang ganda ganda koooo~

Papunta na kami sa school. Dun kasi yung venue ng prom namin eh. Mas maganda daw na sa school na lang para daw mas mahaba yung time. 6 PM to 5 AM kami dito eh. Oh di ba ang haba ng time?

To be Continued :)

My Brother, My Lover ?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon