Chapter 13 :)

112 2 0
                                    

Daniel's POV:

Si mama naman nakakainis e. Pano ko yun sasabihin kay Tracie? Pano ko sasabihin na hindi siya partner ko sa prom? Kahit di ko mahal yung taong yun kelangan ko pa rin magpanggap na mahal ko siya. Panakip butas ko ang naman siya para makalimot kay Natalie e.

Sinubukan ko na rin makipaghiwalay sa kanya pero ayaw niya. Ipapabagsak niya daw yung kompanya namin kung hihiwalayan iya, siyempre ayoko naman nun, edi nahirapan si mama? kung bakit ba kasi siya pa napili ko?

andito na ako ngayon sa school. Nakakainis lang di ba pwedeng tumigil tong mga babaeng to? nakakainis na e. Wala na akong katahimikan.

Nandito lang ako sa damuhan nakahiga. 

"ang gwapo talaga ni Daniel noh?"

"oo nga e, sana sakin na lang siya. haaay"

naiinis na ako. naririndi na ako.

umalis na lang ako at nagtago sa itaas ng puno. oo lagi ako e, lalo na pag di ko talaga matiis yung kaingayan ng mga babae na yun. Si tracie naman kasi absent takot pa naman sa kanya yung mga babae pag magkasama kami panu naman kasi nakakatakot talaga siya magalit para ba namang aagawin ako sa kanya ng mga yun.

habang nandito ako sa taas nakita ko si Natalie sa baba ng puno. nakasandal lang siya dito sa puno. Parang namomroblema pa ata.

 Kawawa naman. buti nga may progress yung paghahanap namin sa magulang niya e. Kamusta na kaya yung mga yun? bakit ba naman kasi ang hirap hanapin nung mga yun di ba?

Bumaba na ako dun sa puno. 

"Hoy Natalie."

"o andyan ka pala. san ka nanggaling? adik ka bigla ka na lang sumusulpot."

"hehe. bakit parang namomroblema ka?"

"weh? di kaya."

"nagdedeny ka pa diyan e nakita kita. hello? galing kaya ako dun sa taas ng puno tas nakita kita diyan na parang binagsakan ng langit. psh."

"e kasi naman po, gusto ko na makita yung totoo kong mga magulang, iniisip ko kung kamusta na ba sila. kasi sabi nga ni mama hindi maayos buhay ng totoo kong mga magulang kaya nila ako pinamigay di ba? siyempre di ko pa rin maiwasang magalala sakanila."

"wag kanmagalala, ginagawa ni mama ang makakaya niya para mahanap mama mo. siguro naman mahahanap na rin natin siya."

"haaay, sana nga."

"uwi na tayo. baka magsara na tong school."

 "sige tara."

tatlong araw na lang Prom na. Ang bilis nu? hindi ko pa nga nasasabi kay Tracie na hindi ako ang escort niya e. kasi naman baka magwala yun. 

andito na kami sa bahay. 

si Natalie diretso agad sa kusina.

sikreto lang natin to ha? pero kasi yang si Natalie malakas yan kumain.

"Daniiiiieeeeel!"

"ano? makasigaw naman to. ano ba yun?"

"marunong ka ba magluto? wala palang pagkain dito e."

"psh. ge lumayas ka na diyan sa kusina. magluluto na ako. kababaeng tao e."

Natalie's POV:

Pinapanood ko lang si Daniel habang nagluluto ng adobo. yeap adobo ang niluto niya. magaling yan magluto e. may talent sa kusina. haha.

"alam mo para tayong magaswa neto nu?" hala. bakit parang napalakas ata yung sabi ko? napatingin siya e. waaaaaah! napalakas nga ata. di ko naman dapat yun sasabihin e! kainis naman e!

"bakit huh? siguro hanggang ngayon mahal mo pa rin ako noh? Okay lang naman yun a? di naman tayo tunay na magkapatid. Kaya pwede pa rin tayo. sabihin mo lang kung gusto mo." papalapit siya ng papalapit habang sinasabi niya yan. kainis tong lalaking to! kalbuhin ko to e!

"hoy yung niluluto mo!" sabay hampas ko sa kanya nung nadampot ko na basahan para sa dumi sa kusina.

"kadiri naman to!"

"hahahaha. buti nga sayo! bleh!"

tapos ayun nagluto na siya dun tas nanuod na lang ako.

"oy Natalie. kakain na."

"ooookayaaayyy!"

ang sarap naman ng niluto neto ni Daniel. 

natapos na kami kumain at alam niyo ba na siya na ang naghugas ng pinggan? haha. napaka bait netong si Daniel.

nakinuod na siya sakin dito. 

"Natalie, seryoso ako. may nararamdaman ka pa ba para sakin?"

"ayy Daniel nagtext sila mama di daw siya uuwi ngayon tapos sila kuya ayun di din makakauwi." pag iiba ko sa topic kasi naman ang gara ng topic niya.

"ano ba natalie! seryoso naman kasi ako! mahal pa rin kaya kita!"

"ano kasi e. ano. aish! daniel naman e!"

"sige wag na lang. matutulog na ako. paki lock na lang yung gate saka pinto."

nakakainis naman tong lalaking to o. 

pinigilan ko siya.

at sinabing........

"oo, mahal kita. mahal na mahal kita. pinipilit kitang kalimutan pero di ko magawa. ano masaya ka na?"

My Brother, My Lover ?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon